Maaari Tayong Makinabang sa Pagbabata ng mga Pagdurusa
Maaari Tayong Makinabang sa Pagbabata ng mga Pagdurusa
“Ipinahahayag nating maligaya yaong mga nakapagbata.”—SANTIAGO 5:11.
1, 2. Ano ang nagpapakitang hindi layunin ni Jehova na magdusa ang mga tao?
WALANG normal na tao na gustong magdusa; hindi rin gusto ng ating Maylalang, ang Diyos na Jehova, na magdusa ang mga tao. Makikita natin ito kung susuriin natin ang kaniyang kinasihang Salita at bibigyang-pansin kung ano ang naganap matapos niyang lalangin ang lalaki at babae. Una, nilalang ng Diyos ang lalaki. “Pinasimulang anyuan ng Diyos na Jehova ang tao mula sa alabok ng lupa at inihihip sa mga butas ng kaniyang ilong ang hininga ng buhay, at ang tao ay naging isang kaluluwang buháy.” (Genesis 2:7) Sakdal ang katawan at isip ni Adan, at hindi siya magkakasakit o mamamatay.
2 Kumusta naman ang kalagayan ng buhay ni Adan? “Ang Diyos na Jehova ay nagtanim ng isang hardin sa Eden, sa dakong silangan, at doon niya inilagay ang tao na kaniyang inanyuan. Sa gayon ay pinatubo ng Diyos na Jehova mula sa lupa ang bawat punungkahoy na kanais-nais sa paningin at mabuting kainin.” (Genesis 2:8, 9) Talaga ngang napakaganda ng tahanan ni Adan. Walang pagdurusa sa Eden.
3. Ano sana ang buhay ng unang mag-asawa?
3 Sinasabi sa atin ng Genesis 2:18: “Sinabi ng Diyos na Jehova: ‘Hindi mabuti para sa lalaki na manatiling nag-iisa. Gagawa ako ng isang katulong para sa kaniya, bilang kapupunan niya.’” Gumawa si Jehova ng isang sakdal na asawa para kay Adan upang magpasimula sila ng isang maligayang buhay pampamilya. (Genesis 2:21-23) Sinasabi pa sa atin ng Bibliya: “Pinagpala sila ng Diyos at sinabi ng Diyos sa kanila: ‘Magpalaanakin kayo at magpakarami at punuin ninyo ang lupa at supilin iyon.’” (Genesis 1:28) Ang unang mag-asawa ay magkakaroon ng kamangha-manghang pribilehiyo na palawakin ang Paraiso ng Eden hanggang sa kalaunan, masaklaw nito ang buong lupa at maging paraiso ang buong globo. At magluluwal sila ng maliligayang anak, na hindi kailanman daranas ng pagdurusa. Isa nga itong kahanga-hangang pasimula!—Genesis 1:31.
Nagsimula ang Pagdurusa
4. Kung susuriin natin ang kasaysayan, ano ang kitang-kitang kalagayan ng sangkatauhan?
4 Gayunman, kung susuriin natin ang kalagayan ng mga tao sa buong kasaysayan, maliwanag na may nangyaring isang malaking pagkakamali. Nagaganap ang masasamang bagay, at nararanasan ng mga tao ang matinding pagdurusa. Sa nakalipas na mga siglo, Roma 8:22 sa situwasyong ito: “Ang buong sangnilalang ay patuloy na dumaraing na magkakasama at nasasaktang magkakasama hanggang ngayon.”
ang lahat ng inapo nina Adan at Eva ay nagkakasakit, tumatanda, at pagkaraan ay namamatay. Ang lupa ay hindi nga talaga isang paraiso na punô ng maliligayang tao. Tamang-tama ang pagkakalarawan ng5. Bakit may pananagutan ang ating unang mga magulang sa pagdurusa ng mga tao?
5 Hindi si Jehova ang may kagagawan sa matinding pagdurusa na napakatagal nang dinaranas ng mga tao. (2 Samuel 22:31) May pananagutan dito ang mga tao. “Gumawi sila nang kapaha-pahamak, gumawi sila nang karima-rimarim sa kanilang gawain.” (Awit 14:1) Binigyan ng magandang pasimula ang ating unang mga magulang. Upang magpatuloy ang ganitong kalagayan, kailangan lamang nilang maging masunurin sa Diyos, subalit pinili nina Adan at Eva na humiwalay kay Jehova. Dahil tinalikuran ng ating unang mga magulang si Jehova, hindi na sila makapananatiling sakdal. Manghihina sila hanggang sa mamatay. Ipinamana nila sa atin ang di-kasakdalan.—Genesis 3:17-19; Roma 5:12.
6. Ano ang ginawa ni Satanas na naging sanhi ng pagdurusa?
6 May pananagutan din ang espiritung nilalang na naging Satanas na Diyablo kung bakit nagkaroon ng pagdurusa. Binigyan siya ng kalayaang magpasiya. Subalit inabuso niya ang kalayaang iyon sa paghahangad na siya ang sambahin. Pero si Jehova lamang ang dapat sambahin, hindi ang kaniyang mga nilalang. Si Satanas ang nag-udyok kina Adan at Eva na humiwalay kay Jehova, na para bang sa paggawa nito’y ‘magiging tulad sila ng Diyos, na nakakakilala ng mabuti at masama.’—Genesis 3:5.
Si Jehova Lamang ang May Karapatang Mamahala
7. Ano ang pinatutunayan ng mga ibinunga ng paghihimagsik laban kay Jehova?
7 Ang masasamang ibinunga ng paghihimagsik ay nagpapatunay na si Jehova lamang na Soberano ng Sansinukob ang tanging may karapatang mamahala at ang kaniyang pamamahala lamang ang matuwid. Napatunayan sa nakalipas na libu-libong taon na si Satanas, na naging “tagapamahala ng sanlibutang ito,” ay lumikha ng napakasama, di-matuwid, at marahas na pamamahala na talaga namang di-kasiya-siya. (Juan 12:31) Ang matagal nang miserableng pamamahala ng tao na kontrolado ni Satanas ay patunay rin na wala silang kakayahang mamahala sa matuwid na paraan. (Jeremias 10:23) Kaya anumang uri ng pamamahala na hiwalay sa pamamahala ni Jehova ay siguradong mabibigo. Napatunayan na ito ng kasaysayan.
8. Ano ang layunin ni Jehova hinggil sa lahat ng anyo ng pamamahala ng tao, at paano niya tutuparin ang layuning iyon?
8 Yamang libu-libong taon nang pinahihintulutan ni Jehova ang mga tao na subuking mamahala nang hiwalay sa kaniya, makatuwiran lamang na alisin na niya sa lupa ang lahat ng anyong ito ng pamamahala at palitan ng kaniyang sariling pamahalaan. Ganito ang sinasabi ng isang hula hinggil dito: “Sa mga araw ng mga haring iyon [pamamahala ng tao] ay magtatatag ang Diyos ng langit ng isang kaharian [ang kaniyang makalangit na pamahalaang pinamumunuan ni Kristo] na hindi magigiba kailanman. . . . Dudurugin nito at wawakasan ang lahat ng mga kahariang ito, at iyon ay mananatili hanggang sa mga panahong walang takda.” (Daniel 2:44) Magwawakas na ang pamamahala ng mga demonyo at ng mga tao, at tanging ang makalangit na Kaharian ng Diyos lamang ang iiral at mamamahala sa lupa. Si Kristo ang Hari, at makakasama niyang mamahala ang 144,000 tapat na mga tao mula sa lupa.—Apocalipsis 14:1.
May Pakinabang sa Pagdurusa
9, 10. Paano nakinabang si Jesus sa mga bagay na kaniyang pinagdusahan?
9 Magandang suriin ang mga kuwalipikasyon ng mga mamamahala sa makalangit na Kaharian. Una, ipinakita ni Kristo Jesus na talagang kuwalipikado siya sa kaniyang papel bilang Hari. Sa napakatagal na panahong magkasama sila ni Jehova, ginawa ni Jesus ang kalooban ng kaniyang Ama, bilang Kaniyang “dalubhasang manggagawa.” Kawikaan 8:22-31) Nang isaayos ni Jehova na magtungo si Jesus sa lupa, kusa siyang sumunod. Samantalang nasa lupa, nagbuhos siya ng pansin sa pangangaral hinggil sa soberanya at Kaharian ni Jehova. Nagpakita si Jesus ng napakagandang halimbawa sa pamamagitan ng lubos na pagpapasakop sa soberanyang iyon.—Mateo 4:17; 6:9.
(10 Pinag-usig si Jesus at pinatay nang dakong huli. Sa panahon ng kaniyang ministeryo, napansin niya ang kahabag-habag na kalagayan ng mga tao. Nakinabang ba siya nang masaksihan niya ito at nang siya na mismo ang magdusa? Oo. Sinasabi sa Hebreo 5:8: “Bagaman siya ay Anak [ng Diyos], natuto siya ng pagkamasunurin mula sa mga bagay na kaniyang pinagdusahan.” Naging mas maunawain at mahabagin si Jesus dahil sa mga karanasan niya sa lupa. Naranasan niya mismong mamuhay bilang tao. Nadama niya ang hirap ng mga nagdurusa at mas naunawaan niya ang kaniyang papel sa pagliligtas sa kanila. Pansinin kung paano ito idiniin ni apostol Pablo sa aklat ng Hebreo: “Kinailangan siyang maging tulad ng kaniyang ‘mga kapatid’ sa lahat ng bagay, upang siya ay maging isang mataas na saserdote na maawain at tapat sa mga bagay na may kinalaman sa Diyos, upang maghandog ng pampalubag-loob na hain para sa mga kasalanan ng mga tao. Sapagkat yamang siya mismo ay nagdusa nang inilalagay sa pagsubok, magagawa niyang saklolohan yaong mga nalalagay sa pagsubok.” “Taglay natin bilang mataas na saserdote, hindi ang isa na hindi magawang makiramay sa ating mga kahinaan, kundi ang isa na sinubok sa lahat ng bagay tulad natin, ngunit walang kasalanan. Samakatuwid, lumapit tayo nang may kalayaan sa pagsasalita sa trono ng di-sana-nararapat na kabaitan, upang makapagtamo tayo ng awa at makasumpong ng di-sana-nararapat na kabaitan bilang tulong sa tamang panahon.”—Hebreo 2:17, 18; 4:14-16; Mateo 9:36; 11:28-30.
11. Kapag namamahala na ang mga magiging hari at saserdote, paano makatutulong sa kanila ang naging karanasan nila sa lupa?
11 Ganiyan din ang masasabi hinggil sa 144,000 na “binili” mula sa lupa upang maging mga kasamang tagapamahala ni Kristo Jesus sa makalangit na Kaharian. (Apocalipsis 14:4) Lahat sila ay isinilang bilang tao, lumaki sa sanlibutang punô ng pagdurusa, at dumanas mismo ng pagdurusa. Marami ang pinag-usig, at pinatay pa nga ang ilan dahil sa kanilang katapatan kay Jehova at kusang-loob na pagsunod kay Jesus. Subalit ‘hindi nila ikinahiya ang patotoo tungkol sa kanilang Panginoon, anupat nakibahagi sa pagtitiis ng kasamaan para sa mabuting balita.’ (2 Timoteo 1:8) Dahil sa kanilang karanasan sa lupa, higit silang naging kuwalipikado na humatol sa mga tao mula sa langit. Natutuhan nilang maging higit na madamayin, mabait, at gustung-gusto nilang makatulong sa mga tao.—Apocalipsis 5:10; 14:2-5; 20:6.
Maligaya ang mga May Makalupang Pag-asa
12, 13. Paano makikinabang sa pagdurusa ang mga may makalupang pag-asa?
12 May kabutihan bang idinudulot ang kasalukuyang mga pagdurusa sa mga may pag-asang
mabuhay magpakailanman sa paraisong lupa, kung saan wala nang sakit, kalungkutan, at kamatayan? Hindi natin gusto ang mismong kirot at pighating dulot ng pagdurusa. Pero kapag binabata natin ang gayong pagdurusa, nalilinang natin ang mabubuting katangian at nagiging maligaya tayo.13 Pansinin ang sinasabi ng kinasihang Salita ng Diyos hinggil dito: “Kung magdusa man kayo alang-alang sa katuwiran, kayo ay maligaya.” “Kung dinudusta kayo dahil sa pangalan ni Kristo, kayo ay maligaya.” (1 Pedro 3:14; 4:14) “Maligaya kayo kapag dinudusta kayo ng mga tao at pinag-uusig kayo at may-kasinungalingang sinasalita ang bawat uri ng balakyot na bagay laban sa inyo dahil sa akin. Magsaya kayo at lumukso sa kagalakan, yamang malaki ang inyong gantimpala sa langit.” (Mateo 5:11, 12) “Maligaya ang tao na patuloy na nagbabata ng pagsubok, sapagkat kapag sinang-ayunan siya ay tatanggapin niya ang korona ng buhay.”—Santiago 1:12.
14. Sa anong diwa nagdudulot ng kaligayahan sa mga mananamba ni Jehova ang pagdurusa?
14 Mangyari pa, hindi ang mismong pagdurusa na binabata natin ang nagpapaligaya sa atin. Maligaya tayo sapagkat alam nating nagdurusa tayo dahil sa paggawa ng kalooban ni Jehova at pagsunod sa parisang iniwan ni Jesus. Halimbawa, noong unang siglo, ang ilan sa mga apostol ay ibinilanggo at dinala sa mataas na hukuman ng mga Judio at tinuligsa sa kanilang pangangaral tungkol kay Jesu-Kristo. Pinagpapalo muna sila bago pinawalan. Ano ang naging saloobin nila? Sinasabi ng ulat ng Bibliya na “yumaon ang mga ito mula sa harap ng Sanedrin, na nagsasaya sapagkat ibinilang silang karapat-dapat na walaing-dangal alang-alang sa kaniyang pangalan.” (Gawa 5:17-41) Maligaya sila, hindi dahil sa pamamalo at kirot na dulot nito, kundi dahil naunawaan nilang nangyari ito sapagkat nanatili silang tapat kay Jehova at sumunod sa yapak ni Jesus.—Gawa 16:25; 2 Corinto 12:10; 1 Pedro 4:13.
15. Paano tayo makikinabang sa hinaharap kung nagbabata tayo ngayon ng mga pagsubok?
15 Kung tinitiis natin ang mga pagsalansang at pag-uusig nang may tamang saloobin, malilinang natin ang pagbabata. Tutulong ito sa atin na makayanan ang iba pang mga pagdurusa sa hinaharap. Mababasa natin: “Ituring ninyong buong kagalakan, mga kapatid ko, kapag napaharap kayo sa iba’t ibang pagsubok, yamang nalalaman ninyo na ang subok na katangiang ito ng inyong pananampalataya ay gumagawa ng pagbabata.” (Santiago 1:2, 3) Katulad din nito ang binabanggit sa Roma 5:3-5: “Magbunyi tayo samantalang nasa mga kapighatian, yamang alam natin na ang kapighatian ay nagbubunga ng pagbabata; ang pagbabata naman, ng sinang-ayunang kalagayan; ang sinang-ayunang kalagayan naman, ng pag-asa, at ang pag-asa ay hindi umaakay sa kabiguan.” Kaya habang higit tayong nagbabata ng mga pagsubok dahil sa ating Kristiyanong pamumuhay, lalo naman tayong nagiging handa na batahin ang darating pang mga pagsubok sa masamang sistemang ito ng mga bagay.
Gagantimpalaan ni Jehova ang mga Lingkod Niya
16. Ano ang gagawin ni Jehova sa magiging mga hari at saserdote kapalit ng kanilang pagdurusa?
16 Mawalan man tayo ng materyal na mga bagay dahil sa pagsalansang o pag-uusig dulot ng panghahawakan sa Kristiyanong mga pamantayan, panatag pa rin tayo dahil alam nating lubusan tayong gagantimpalaan ni Jehova. Halimbawa, sa ilan na may pag-asang magtungo sa langit, sumulat si apostol Pablo: ‘May kagalakan ninyong tinanggap ang pandarambong sa inyong mga ari-arian, sa pagkaalam na kayo nga ay mayroong mas mabuti at namamalaging pag-aari’ bilang Hebreo 10:34) At gunigunihin ang kanilang kagalakan habang sa ilalim ng patnubay ni Jehova at ni Kristo ay nagdadala sila ng kamangha-manghang pagpapala para sa mga naninirahan sa lupa sa bagong sanlibutan. Totoo nga ang sinabi ni apostol Pablo sa tapat na mga Kristiyano: “Itinuturing ko na ang mga pagdurusa sa kasalukuyang kapanahunan ay walang anuman kung ihahambing sa kaluwalhatian na isisiwalat sa atin.”—Roma 8:18.
mga tagapamahala sa Kaharian ng Diyos. (17. Ano ang gagawin ni Jehova para sa mga may makalupang pag-asa na matapat na naglilingkod sa kaniya ngayon?
17 Sa katulad na paraan, anuman ang maiwala o isakripisyo ng mga may makalupang pag-asa alang-alang sa kanilang paglilingkod kay Jehova, lubusan niya silang pagpapalain sa hinaharap. Bibigyan niya sila ng sakdal at walang-hanggang buhay sa paraisong lupa. Sa bagong sanlibutang iyon, “papahirin [ni Jehova] ang bawat luha sa kanilang mga mata, at hindi na magkakaroon ng kamatayan, ni ng pagdadalamhati o ng paghiyaw o ng kirot pa man.” (Apocalipsis 21:4) Napakaganda ngang pangako! Anuman ang ating isakripisyo sa kasalukuyang sanlibutang ito alang-alang kay Jehova ay bale-wala kung ihahambing sa napakaligayang buhay sa hinaharap na ipagkakaloob niya sa kaniyang tapat na mga lingkod na nagbabata ng mga pagdurusa.
18. Anong nakaaaliw na pangako ang ibinibigay ni Jehova sa kaniyang Salita?
18 Anumang pagdurusang kailangan nating batahin ay hinding-hindi makahahadlang sa ating pag-asang mabuhay magpakailanman sa bagong sanlibutan ng Diyos. Ang lahat ng ito ay lubusang papalitan ng napakagandang kalagayan sa bagong sanlibutan. Sinasabi sa atin ng Isaias 65:17, 18: “Ang mga dating bagay ay hindi aalalahanin, ni mapapasapuso man ang mga iyon. Ngunit magbunyi kayo at magalak magpakailanman sa aking nilalalang.” Kaya naman angkop lamang na sabihin ni Santiago na kapatid ni Jesus sa ina: “Ipinahahayag nating maligaya yaong mga nakapagbata.” (Santiago 5:11) Oo, kung matapat nating babatahin ang kasalukuyang mga pagdurusa, makikinabang tayo ngayon at sa hinaharap.
Paano Mo Sasagutin?
• Paano nagsimula ang pagdurusa ng mga tao?
• Anu-anong pakinabang ang maidudulot ng pagdurusa sa mga magiging tagapamahala sa lupa at sa mga maninirahan dito?
• Bakit tayo maaaring maging maligaya sa ngayon kahit dumaranas tayo ng pagdurusa?
[Mga Tanong sa Aralin]
[Larawan sa pahina 27]
Napakaganda sana ng kinabukasan ng ating unang mga magulang
[Larawan sa pahina 29]
Dahil nasaksihan ni Jesus ang pagdurusa ng mga tao, naihanda siya upang maging isang mabait na Hari at Mataas na Saserdote
[Larawan sa pahina 31]
Ang mga apostol ay ‘nagsaya sapagkat ibinilang silang karapat-dapat na walaing-dangal’ alang-alang sa kanilang pananampalataya