Gawing Makabuluhan ang Iyong Buhay
Gawing Makabuluhan ang Iyong Buhay
“Ang bawat bagay na may hininga—purihin nito si Jah.”—AWIT 150:6.
1. Ilarawan ang hangarin ng isang kabataan na magkaroon ng makabuluhang buhay.
“NAG-ARAL ako ng medisina dahil gusto kong makatulong sa mga tao. Inakala ko na liligaya ako dahil magiging tanyag ako at malaki ang kikitain ko sa pagiging doktor,” ang naalaala ni Seung Jin, na lumaki sa Korea. * “Nang matanto ko na kaunti lang pala ang maitutulong ng isang doktor, nasiraan ako ng loob. Nag-aral na lamang ako ng sining, pero halos wala namang naitulong sa iba ang mga likha ko, at pakiramdam ko ay makasarili ako. Pagkatapos, pinasok ko ang propesyon ng pagtuturo pero napag-isip-isip ko na puro impormasyon lamang ang kaya kong ibigay at hindi naman ito talaga makapagdudulot ng tunay na kaligayahan.” Tulad ng marami, gusto rin ni Seung Jin na maging makabuluhan ang kaniyang buhay.
2. (a) Kailan masasabing makabuluhan ang ating buhay? (b) Paano natin nalaman na may layunin ang Maylalang sa paglalagay sa atin dito sa lupa?
2 Masasabing makabuluhan ang ating buhay kung may dahilan tayo para mabuhay, mayroon tayong malinaw na tunguhin, at may direksiyon ang ating mga pagsisikap. Maaari ba talagang maging makabuluhan ang buhay ng tao? Oo! Yamang nilalang tayo na may talino, budhi, at kakayahang mangatuwiran, maliwanag na may mabuting dahilan ang ating Maylalang sa paglalagay sa atin dito sa lupa. Kaya magiging makabuluhan lamang ang ating buhay kung mamumuhay tayo kasuwato ng layunin ng Maylalang.
3. Ano ang kasangkot sa layunin ng Diyos para sa tao?
3 Isinisiwalat ng Bibliya na maraming bagay ang nasasangkot sa layunin ng Diyos para sa atin. Halimbawa, ang kamangha-manghang pagkakagawa sa atin ay talagang kapahayagan ng walang pag-iimbot na pag-ibig ng Diyos. (Awit 40:5; 139:14) Kaya kasama sa layunin ng Diyos para sa atin ang ibigin din natin nang walang pag-iimbot ang iba gaya ng ginagawa niya. (1 Juan 4:7-11) Kasama rin dito ang pagsunod sa mga tagubilin ng Diyos, na tumutulong sa atin na makapamuhay kasuwato ng kaniyang maibiging layunin.—Eclesiastes 12:13; 1 Juan 5:3.
4. (a) Ano ang kailangan para talagang maging makabuluhan ang ating buhay? (b) Ano ang pinakadakilang layunin sa buhay?
4 Nilayon din ng Diyos na ang tao ay mamuhay nang maligaya at may kapayapaan sa isa’t isa Genesis 1:26; 2:15) Ngunit ano ang kailangan nating gawin upang maging masaya, panatag, at payapa tayo? Gaya ng isang bata na nagiging masaya at panatag kapag nasa tabi ng kaniyang mga magulang, magiging makabuluhan lamang ang ating buhay kung magkakaroon tayo ng mabuting kaugnayan sa ating Ama sa langit. (Hebreo 12:9) Naging posible ang ganitong kaugnayan sa Diyos dahil pinahihintulutan niya tayong makalapit sa kaniya at pinakikinggan niya ang ating mga panalangin. (Santiago 4:8; 1 Juan 5:14, 15) Kung mananampalataya tayo sa Diyos, ‘lalakad na kasama niya,’ at magiging kaibigan niya, mapasasaya at mapupuri natin ang ating Ama sa langit. (Genesis 6:9; Kawikaan 23:15, 16; Santiago 2:23) Iyan ang pinakadakilang layunin sa buhay. Sumulat ang salmista: “Ang bawat bagay na may hininga—purihin nito si Jah.”—Awit 150:6.
at sa iba pang nilalang. (Ano ang Iyong Layunin sa Buhay?
5. Bakit hindi katalinuhan na unahin sa ating buhay ang materyal na mga bagay?
5 Bahagi ng layunin ng Diyos para sa atin na alagaan nating mabuti ang ating sarili at ang ating pamilya. Kalakip dito ang pangangalaga sa pisikal at espirituwal na mga pangangailangan natin. Gayunman, kailangan tayong maging timbang sa paggawa nito upang hindi matabunan ng sekular na mga bagay ang espirituwal na mga kapakanan. (Mateo 4:4; 6:33) Nakalulungkot, halos puro materyal na bagay ang nasa isip ng maraming tao. Pero hindi katalinuhan na puro materyal na bagay lamang ang inuuna natin sa ating buhay. Isang surbey kamakailan sa mga milyunaryo sa Asia ang nagsisiwalat na marami sa kanila ang “nababalisa at nasisiphayo, kahit na tinitingala sila sa lipunan at waring matagumpay sila dahil sa kanilang kayamanan.”—Eclesiastes 5:11.
6. Ano ang ipinayo ni Jesus hinggil sa paghahangad ng kayamanan?
6 Binanggit ni Jesus na ‘mapanlinlang ang kapangyarihan ng kayamanan.’ (Marcos 4:19) Sa anong paraan? Mapanlinlang ito dahil pinalilitaw nitong nakapagpapaligaya ito sa tao, pero hindi naman. “Sinumang umiibig sa salapi ay hindi nasisiyahan dito kahit kailan,” ang sabi ng matalinong si Haring Solomon. (Eclesiastes 5:10, Ang Biblia—Bagong Salin sa Pilipino) Pero puwede bang pagsabayin ang materyalistikong mga tunguhin at ang buong-kaluluwang paglilingkod sa Diyos? Hindi nga. Nagpaliwanag si Jesus: “Walang sinuman ang maaaring magpaalipin sa dalawang panginoon; sapagkat alinman sa kapopootan niya ang isa at iibigin ang ikalawa, o pipisan siya sa isa at hahamakin ang ikalawa. Hindi kayo maaaring magpaalipin sa Diyos at sa Kayamanan.” Hinimok ni Jesus ang kaniyang mga tagasunod na mag-imbak, hindi ng materyal na mga bagay sa lupa, kundi ng “kayamanan sa langit,” samakatuwid nga, gumawa ng mabuting pangalan sa harap ng Diyos, na ‘nakaaalam kung anong mga bagay ang kinakailangan natin bago pa man natin ito hingin sa kaniya.’—Mateo 6:8, 19-25.
7. Paano tayo ‘makapanghahawakang mahigpit sa tunay na buhay’?
7 Sa kaniyang liham sa kamanggagawang si Timoteo, nagbigay si apostol Pablo ng matinding payo hinggil sa bagay na ito. Sinabi niya kay Timoteo: “Magbigay ka ng utos doon sa mayayaman . . . na ilagak ang kanilang pag-asa, hindi sa walang-katiyakang kayamanan, kundi sa Diyos, na saganang naglalaan sa atin ng lahat ng mga bagay para sa ating kasiyahan . . . , na maging mapagbigay, handang mamahagi, maingat na nag-iimbak para sa kanilang sarili ng isang mainam na pundasyon para sa hinaharap, upang makapanghawakan silang mahigpit sa tunay na buhay.”—1 Timoteo 6:17-19.
Ano ang “Tunay na Buhay”?
8. (a) Bakit nagkukumahog ang marami na maging mayaman at tanyag? (b) Ano ang hindi natatanto ng gayong mga tao?
8 Kapag naririnig ng maraming tao ang pananalitang “tunay na buhay” o “masarap na buhay,” ang naiisip nila ay luho at kaluguran. Ganito ang sabi ng isang magasing pambalita sa Asia: “Ang mga nanonood ng pelikula o TV ay natututong hangarin ang mga bagay na nakikita nila, at pangarapin ang mga bagay na maaaring mapasakanila.” Ginagawang tunguhin sa buhay ng maraming tao ang yumaman at maging tanyag. Isinakripisyo ng marami ang kanilang kabataan, kalusugan, pamilya, at espirituwalidad dahil sa paghahangad ng mga bagay na ito. Iilan lamang 1 Corinto 2:12; Efeso 2:2) Hindi nga kataka-taka na marami ang hindi maligaya sa ngayon!—Kawikaan 18:11; 23:4, 5.
ang nakatatanto na ang mga luho at kalugurang ipinalalabas sa media ay repleksiyon lamang ng “espiritu ng sanlibutan”—ang nangingibabaw na takbo ng pag-iisip na nakaiimpluwensiya sa bilyun-bilyong tao sa lupa at nag-uudyok sa kanila na kumilos laban sa layunin ng Diyos para sa atin. (9. Ano ang hindi kailanman magagawa ng mga tao, at bakit?
9 Kumusta naman ang mga nagsasakripisyo para sa kapakanan ng iba, at nagsisikap na pawiin ang gutom, sakit, at kawalang-katarungan sa daigdig? Marami ang nakikinabang sa kanilang kapuri-puri at mapagsakripisyong mga pagsisikap. Ngunit anumang pagsisikap ang gawin nila, hindi nila mapapawi ang kawalang-katarungan at kasamaan sa sistemang ito ng mga bagay. Bakit? Sapagkat ang totoo, “ang buong sanlibutan ay nasa kapangyarihan ng isa na balakyot”—si Satanas—at ayaw niyang magbago ito.—1 Juan 5:19.
10. Kailan mararanasan ng mga tapat ang “tunay na buhay”?
10 Kaylungkot nga kung ang inaasahan lamang ng isa ay ang buhay sa kasalukuyang sanlibutang ito! “Kung sa buhay na ito lamang tayo umaasa kay Kristo, tayo sa lahat ng mga tao ang pinakakahabag-habag,” ang isinulat ni Pablo. Ang saloobin ng mga naniniwala na ganito na lamang talaga ang buhay ay “kumain tayo at uminom, sapagkat bukas ay mamamatay tayo.” (1 Corinto 15:19, 32) Subalit may pag-asa, isang “bagong langit at isang bagong lupa na ating hinihintay ayon sa . . . pangako ng Diyos, at sa mga ito ay tatahan ang katuwiran.” (2 Pedro 3:13) Sa panahong iyon, mararanasan ng mga Kristiyano ang “tunay na buhay,” samakatuwid nga, “buhay na walang hanggan” sa sakdal na kalagayan, sa langit man o sa ilalim ng maibiging pamamahala ng Kaharian ng Diyos!—1 Timoteo 6:12.
11. Bakit makabuluhan ang pagsisikap na itaguyod ang mga kapakanan ng Kaharian ng Diyos?
11 Ang Kaharian ng Diyos lamang ang lubusang makalulutas sa mga problema ng sangkatauhan. Kaya ang pagsisikap na maitaguyod ang mga kapakanan ng Kaharian ng Diyos ang pinakakapaki-pakinabang na layunin sa buhay. (Juan 4:34) Habang nakikibahagi tayo sa gawaing iyan, maaari tayong magkaroon ng napakahalagang kaugnayan sa ating Ama sa langit. Kagalakan din nating makasama sa paglilingkod ang milyun-milyong kapananampalataya na may gayunding layunin sa buhay.
Gumawa ng Tamang mga Sakripisyo
12. Ano ang pagkakaiba ng buhay sa kasalukuyang sistema at ng “tunay na buhay”?
12 Ang kasalukuyang sanlibutan ay “lumilipas at gayundin ang pagnanasa nito,” ang sabi ng Bibliya. Walang anumang bagay sa sanlibutan ni Satanas, pati na ang katanyagan at kayamanan nito, ang makaliligtas, ‘ngunit siya na gumagawa ng kalooban ng Diyos ay mananatili magpakailanman.’ (1 Juan 2:15-17) Di-tulad ng walang-katiyakang kayamanan, di-nagtatagal na kaluwalhatian, at walang-kabuluhang kaluguran sa kasalukuyang sistemang ito, ang “tunay na buhay”—buhay na walang hanggan sa ilalim ng Kaharian ng Diyos—ay permanente at sulit, hangga’t gumagawa tayo ng tamang sakripisyo.
13. Paano gumawa ng tamang sakripisyo ang isang mag-asawa?
13 Isaalang-alang sina Henry at Suzanne. Buo ang tiwala nila sa pangako ng Diyos na tutulungan niya ang lahat ng kaniyang mga lingkod kapag inuuna nila sa kanilang buhay ang Kaharian ng Diyos. (Mateo 6:33) Kaya ipinasiya nilang tumira na lamang sa simpleng bahay para isa na lamang sa kanila ang kailangang maghanapbuhay at upang makapaglaan sila ng mas maraming panahon sa espirituwal na mga bagay kasama ang kanilang dalawang anak na babae. (Hebreo 13:15, 16) Hindi maintindihan ng isang nagmamalasakit na kaibigan kung bakit ganoon ang naging pasiya nila. Sinabi nito kay Suzanne: “Alam mo, kung gusto mong tumira sa mas magandang bahay, kailangang may isakripisyo ka.” Gayunman, alam nina Henry at Suzanne na kung uunahin nila si Jehova, makapanghahawakan sila sa “pangako sa buhay ngayon at yaong darating.” (1 Timoteo 4:8; Tito 2:12) Nang lumaki ang kanilang mga anak, naging buong-panahong mga ebanghelisador sila. Walang pinanghihinayangan ang kanilang pamilya; sa halip, nakinabang sila nang malaki nang gawin nilang layunin sa buhay ang “tunay na buhay.”—Filipos 3:8; 1 Timoteo 6:6-8.
Huwag ‘Gamitin ang Sanlibutan Nang Lubusan’
14. Anu-anong trahedya ang maaaring sumapit sa atin kapag nawaglit sa ating isipan ang tunay na layunin natin sa buhay?
14 Gayunman, napakapanganib kung mawawaglit sa ating isipan ang tunay na layunin natin sa buhay at kung hindi tayo makapanghahawakang mahigpit sa “tunay na buhay.” Nanganganib tayong ‘madala ng mga kabalisahan at mga kayamanan at mga kaluguran sa buhay na ito.’ (Lucas 8:14) Ang walang-kontrol na paghahangad at “mga kabalisahan sa buhay” ay maaaring maglugmok sa atin sa labis na pagpapakasasa sa sistemang ito ng mga bagay. (Lucas 21:34) Nakalulungkot, nagpatangay sa agos ang ilan at naghangad na yumaman, kaya “nailigaw [sila] mula sa pananampalataya at napagsasaksak ng maraming kirot ang kanilang sarili”—naiwala pa nga nila ang kanilang mahalagang kaugnayan kay Jehova. Kaylaki ngang kawalan kapag hindi ‘nanghawakang mahigpit sa buhay na walang hanggan’ ang isa!—1 Timoteo 6:9, 10, 12; Kawikaan 28:20.
15. Paano nakinabang ang isang pamilya dahil ‘hindi nila ginamit ang sanlibutan nang lubusan’?
15 Pinayuhan ni Pablo “yaong mga gumagamit ng sanlibutan [na] maging gaya niyaong mga hindi gumagamit nito nang lubusan.” (1 Corinto 7:31) Sinunod nina Keith at Bonnie ang payong ito. “Malapit na akong magtapos sa pag-aaral ng dentistri nang maging Saksi ni Jehova ako,” ang sabi ni Keith. “Puwede sana akong tumanggap ng maraming pasyente para kumita nang malaki, pero makahahadlang ito sa aming paglilingkod sa Diyos. Kaya kaunti lamang ang tinatanggap kong pasyente para magkaroon ako ng mas maraming panahon sa pag-aasikaso sa espirituwal at emosyonal na pangangailangan ng aking asawa at limang anak na babae. Madalas na eksakto lamang ang pera namin, pero natuto kaming magtipid, kaya hindi naman kami kinakapos. Ang aming pamilya ay malapít sa isa’t isa, nagmamahalan, at masayang-masaya. Nang maglaon, nagpayunir kaming lahat. Ngayon, may asawa na ang aming mga anak, at tatlo sa kanila ang may mga anak na rin. Maligaya rin ang kanilang pamilya habang patuloy nilang inuuna ang layunin ni Jehova.”
Unahin ang Layunin ng Diyos sa Iyong Buhay
16, 17. Sinu-sinong tauhan sa Bibliya ang may natatanging kakayahan, at ano ang naaalaala sa kanila?
16 Maraming binabanggit ang Bibliya na mga Roma 15:4; 1 Corinto 10:6, 11) Nagtayo si Nimrod ng malalaking lunsod, ngunit ang layunin niya ay upang salansangin si Jehova. (Genesis 10:8, 9) Pero maraming iba pa ang nagpakita ng mabuting huwaran. Halimbawa, hindi hinangad ni Moises na mapanatili ang kaniyang maharlikang katayuan sa Ehipto. Sa halip, ang kaniyang atas mula sa Diyos ang itinuring niyang “kayamanan na nakahihigit kaysa sa mga kayamanan ng Ehipto.” (Hebreo 11:26) Malamang na tumulong ang manggagamot na si Lucas kay Pablo at sa iba pang maysakit. Pero mas maraming natulungan si Lucas sa kaniyang pagiging ebanghelisador at manunulat ng Bibliya. Si Pablo naman ay nakilala, hindi bilang eksperto sa Kautusan, kundi bilang misyonero, “isang apostol sa mga bansa.”—Roma 11:13.
halimbawa ng mga taong namuhay kasuwato ng layunin ng Diyos at yaong mga hindi gumawa nito. Ang aral mula sa mga halimbawang ito ay kapit sa lahat, anuman ang kanilang edad, kultura, at kalagayan. (17 Pangunahin nang naaalaala si David, hindi bilang kumandante ng militar, ni bilang manunugtog man at kompositor, kundi bilang ‘isang lalaking kalugud-lugod sa puso ng Diyos.’ (1 Samuel 13:14) Nakilala natin si Daniel, hindi dahil sa kaniyang nagawa bilang opisyal ng Babilonya, kundi dahil sa kaniyang paglilingkod bilang tapat na propeta ni Jehova; si Esther, hindi bilang reyna ng Persia, kundi bilang halimbawa ng lakas ng loob at pananampalataya; sina Pedro, Andres, Santiago, at Juan, hindi bilang mahuhusay na mangingisda, kundi bilang mga apostol ni Jesus. At higit sa lahat, naaalaala natin si Jesus, hindi bilang “ang karpintero,” kundi bilang “ang Kristo.” (Marcos 6:3; Mateo 16:16) Alam nilang lahat na anuman ang kanilang kakayahan, ari-arian, o katayuan sa buhay, dapat na nakasentro ang kanilang buhay, hindi sa kanilang mga propesyon, kundi sa kanilang paglilingkod sa Diyos. Alam nila na ang pinakamarangal at pinakakapaki-pakinabang na layunin sa buhay ay ang maging isang taong may-takot sa Diyos.
18. Ano ang ipinasiyang gawin ng isang kabataang Kristiyano sa kaniyang buhay, at ano ang natanto niya?
18 Natanto rin ni Seung Jin, na nabanggit sa pasimula, ang bagay na ito. “Sa halip na ubusin ko ang aking lakas sa larangan ng medisina, sining, o pagtuturo, ipinasiya kong gamitin ang aking buhay kasuwato ng aking pag-aalay sa Diyos,” ang sabi niya. “Naglilingkod ako ngayon kung saan malaki ang pangangailangan para sa mga tagapagturo ng Bibliya, at tinutulungan ko ang mga tao na lumakad sa landas patungo sa buhay na walang hanggan. Iniisip ko noon na baka maging nakababagot lamang ang maging isang buong-panahong ministro. Pero mas masaya ang buhay ko ngayon habang sinisikap kong pasulungin ang aking personalidad at ang aking kakayahang magturo sa mga taong may iba’t ibang kultura. Natanto ko na magiging makabuluhan lamang ang buhay ko kung magiging kasuwato ito ng layunin ni Jehova.”
19. Paano magiging makabuluhan ang ating buhay?
19 Bilang mga Kristiyano, pinagkalooban tayo ng kaalamang umaakay sa buhay at kaligtasan. (Juan 17:3) Kaya naman, huwag nating “tanggapin ang di-sana-nararapat na kabaitan ng Diyos at sumala sa layunin nito.” (2 Corinto 6:1) Sa halip, gamitin natin ang ating buhay upang purihin si Jehova. Ibahagi natin sa iba ang kaalaman na nagdudulot ng tunay na kaligayahan ngayon at umaakay sa buhay na walang hanggan. Kung gagawin natin ito, magiging totoo sa atin ang sinabi ni Jesus: “May higit na kaligayahan sa pagbibigay kaysa sa pagtanggap.” (Gawa 20:35) At magiging makabuluhan ang ating buhay.
[Talababa]
^ par. 1 Binago ang ilang pangalan.
Maipaliliwanag Mo Ba?
• Ano ang pinakadakilang layunin natin sa buhay?
• Bakit hindi katalinuhan na unahin sa ating buhay ang materyal na mga bagay?
• Ano ang “tunay na buhay” na ipinangako ng Diyos?
• Paano tayo mamumuhay kasuwato ng layunin ng Diyos?
[Mga Tanong sa Aralin]
[Mga larawan sa pahina 18]
Kailangang gumawa ng tamang sakripisyo ang mga Kristiyano