Mamuhay na Isinasaisip ang Bukas
Mamuhay na Isinasaisip ang Bukas
“HUWAG ninyong ikabalisa ang [tungkol] sa araw ng bukas,” ang sabi ni Jesu-Kristo sa kaniyang bantog na pahayag sa gilid ng isang bundok sa Galilea. Ayon sa salin ng Ang Biblia, nagpatuloy si Jesus: “Ang araw ng bukas ay mababalisa sa kaniyang sarili.”—Mateo 6:34.
Ano sa palagay mo ang kahulugan ng mga pananalitang, “ang araw ng bukas ay mababalisa sa kaniyang sarili”? Ipinahihiwatig ba nito na basta mamuhay ka na parang wala nang bukas? Tumutugma ba talaga ito sa pinaniniwalaan ni Jesus at ng kaniyang mga tagasunod?
“Huwag Na Kayong Mabalisa”
Pakisuyong basahin mo ang kabuuan ng pananalita ni Jesus sa Mateo 6:25-32. Sa isang bahagi ay sinabi niya: “Huwag na kayong mabalisa tungkol sa inyong mga kaluluwa kung ano ang inyong kakainin o kung ano ang inyong iinumin, o tungkol sa inyong mga katawan kung ano ang inyong isusuot. . . . Masdan ninyong mabuti ang mga ibon sa langit, sapagkat hindi sila naghahasik ng binhi o gumagapas o nagtitipon sa mga kamalig; gayunman ay pinakakain sila ng inyong makalangit na Ama. . . . Sino sa inyo ang sa pagkabalisa ay makapagdaragdag ng isang siko sa haba ng kaniyang buhay? Gayundin, may kinalaman sa pananamit, bakit kayo nababalisa? Kumuha kayo ng aral mula sa mga liryo sa parang, kung paano sila tumutubo; hindi sila nagpapagal, ni nag-iikid man . . . Kaya huwag kayong mabalisa at magsabing, ‘Ano ang aming kakainin?’ o, ‘Ano ang aming iinumin?’ o, ‘Ano ang aming isusuot?’ Sapagkat ang lahat ng ito ang mga bagay na masikap na hinahanap ng mga bansa. Sapagkat nalalaman ng inyong makalangit na Ama na kailangan ninyo ang lahat ng mga bagay na ito.”
Tinapos ni Jesus ang bahaging ito ng kaniyang pahayag sa pamamagitan ng dalawang payo. Ang una: “Patuloy, kung gayon, na hanapin muna ang kaharian [ng Diyos] at ang kaniyang katuwiran, at ang lahat ng iba pang mga bagay na ito ay idaragdag sa inyo.” Ang ikalawa: “Kaya, huwag kayong mabalisa tungkol sa susunod na araw, sapagkat Mateo 6:33, 34.
ang susunod na araw ay magkakaroon ng sarili nitong mga kabalisahan. Sapat na para sa bawat araw ang sarili nitong kasamaan.”—Alam ng Iyong Makalangit na Ama ang Kailangan Mo
Sa palagay mo, hinihikayat kaya ni Jesus ang kaniyang mga alagad, pati na ang mga magsasaka, na huwag nang ‘maghasik, gumapas, o magtipon ng kanilang mga ani sa mga kamalig’? O na huwag na silang ‘magpagal at mag-ikid’ para sa kanilang pananamit? (Kawikaan 21:5; 24:30-34; Eclesiastes 11:4) Hindi nga. Kung hindi sila magtatrabaho, tiyak na sa kalaunan ay “mamamalimos [sila] sa panahon ng paggapas,” anupat wala na silang makakain o maisusuot.—Kawikaan 20:4.
Kumusta naman ang kabalisahan? Ang ibig bang sabihin ni Jesus ay hindi na kailanman mababalisa ang kaniyang mga tagapakinig? Hindi naman makatotohanan iyan. Si Jesus mismo ay nakaranas ng kabalisahan at matinding pagkabagabag noong gabing arestuhin siya.—Lucas 22:44.
Sinasabi lamang ni Jesus ang isang napakahalagang katotohanan. Ang labis na kabalisahan ay walang maitutulong sa iyo sa paglutas sa anumang problema mo. Halimbawa, hindi ito makapagpapahaba ng iyong buhay. Hindi ito “makapagdaragdag ng isang siko sa haba ng [iyong] buhay,” ang sabi ni Jesus. (Mateo 6:27) Sa katunayan, ang labis at nagtatagal na pagkabalisa ay mas malamang na magpaikli sa iyong buhay.
Napakapraktikal ng kaniyang payo. Tutal, marami sa mga bagay na ikinababahala natin ang hindi naman nangyayari. Natanto ito ng Britanong estadista na si Winston Churchill noong kapaha-pahamak na mga araw ng Digmaang Pandaigdig II. Ganito ang isinulat niya hinggil sa ilan sa mga ikinababalisa niya noong panahong iyon: “Kapag naiisip ko ang lahat ng mga ikinababahala ko noon, naaalaala ko ang kuwento ng isang matandang lalaki na nagsabi noong mamamatay na siya na marami siyang ikinabalisa sa buhay, na karamihan ay hindi naman nangyari kailanman.” Tunay nga, isang katalinuhan na harapin na lamang muna ang problema sa kasalukuyan, lalo na kung madali tayong mabalisa sa mga panggigipit at problema na napapaharap sa atin.
‘Hanapin Muna ang Kaharian ng Diyos’
Sa katunayan, higit pa sa pisikal at emosyonal na kapakanan ng kaniyang mga tagapakinig ang nasa isip ni Jesus. Alam niya na ang mas mahahalagang bagay ay maaaring matabunan ng Filipos 1:10) Baka isipin mo, ‘May mas importante pa ba kaysa sa pagtatamo ng mga pangangailangan sa buhay?’ Ang sagot ay espirituwal na mga bagay na may kaugnayan sa ating pagsamba sa Diyos. Idiniin ni Jesus na ang dapat na maging pangunahin sa ating buhay ay ang ‘patuloy na paghanap muna sa kaharian ng Diyos at sa kaniyang katuwiran.’—Mateo 6:33.
pagkabalisa sa mga pangangailangan sa buhay, gayundin ng paghahangad ng mga ari-arian at kaluguran. (Noong panahon ni Jesus, maraming tao ang nagkukumahog para sa materyal na mga bagay. Pangunahin sa kanilang buhay ang pagkakamal ng kayamanan. Gayunman, hinimok ni Jesus ang kaniyang mga tagapakinig na magkaroon ng naiibang pangmalas. Bilang isang bayan na nakaalay sa Diyos, ang kanilang “buong katungkulan” ay ‘matakot sa tunay na Diyos at tuparin ang kaniyang mga utos.’—Eclesiastes 12:13.
Ang pagkukumahog sa materyal na mga bagay—“ang kabalisahan ng sistemang ito ng mga bagay at ang mapanlinlang na kapangyarihan ng kayamanan”—ay maaaring makasira sa kaugnayan ng kaniyang mga tagapakinig sa Diyos. (Mateo 13:22) “Yaong mga determinadong maging mayaman,” ang isinulat ni apostol Pablo, “ay nahuhulog sa tukso at sa silo at sa maraming hangal at nakasasakit na mga pagnanasa, na nagbubulusok sa mga tao sa pagkapuksa at pagkapahamak.” (1 Timoteo 6:9) Upang matulungan ni Jesus ang kaniyang mga alagad na maiwasan ang “tukso” na ito, ipinaalaala niya sa kanila na batid ng kanilang makalangit na Ama kung ano ang kailangan nila. Paglalaanan sila ng Diyos kung paanong pinaglalaanan Niya ang “mga ibon sa langit.” (Mateo 6:26, 32) Sa halip na labis na mabalisa, pinayuhan sila na gawin nila ang kanilang buong makakaya para matugunan ang kanilang materyal na mga pangangailangan at pagkatapos ay ipaubaya na kay Jehova ang mga bagay-bagay.—Filipos 4:6, 7.
Nang sabihin ni Jesus na “ang araw ng bukas ay mababalisa sa kaniyang sarili,” ang ibig lamang niyang sabihin ay hindi natin dapat na labis na ikabalisa ngayon kung ano ang maaaring mangyari bukas. Ganito ang pagkakasalin dito ng isa pang bersiyon ng Bibliya: “Huwag mabahala sa kinabukasan; marami na itong ikinababahala sa ganang sarili. Huwag nang dagdagan pa ang problemang dala ng bawat araw.”—Mateo 6:34, Today’s English Version.
“Dumating Nawa ang Iyong Kaharian”
Pero may malaking pagkakaiba ang hindi masyadong pag-aalala sa kinabukasan at ang tuluyang pagwawalang-bahala rito. Hindi kailanman hinimok ni Jesus ang kaniyang mga alagad na ipagwalang-bahala ang bukas. Sa kabaligtaran, hinimok niya sila na maging lubhang interesado sa hinaharap. Dapat lamang na idalangin nila ang kanilang kasalukuyang mga pangangailangan—ang kanilang kakainin sa araw-araw. Ngunit dapat na idalangin muna nila ang mga bagay na panghinaharap—na dumating nawa ang Kaharian ng Diyos at mangyari nawa ang kalooban ng Diyos sa lupa.—Mateo 6:9-11.
Hindi tayo dapat maging gaya ng mga tao noong panahon ni Noe. Abalang-abala silang “kumakain at umiinom, ang mga lalaki ay nag-aasawa at ang mga babae ay ibinibigay sa pag-aasawa” anupat “hindi sila nagbigay-pansin” sa kung ano ang malapit nang maganap. Ano ang naging resulta? “Dumating ang baha at tinangay silang lahat.” (Mateo 24:36-42) Ginamit ni apostol Pedro ang aktuwal na pangyayaring iyon upang paalalahanan tayo na kailangan tayong mamuhay na isinasaisip ang bukas. “Yamang ang lahat ng mga bagay na ito ay mapupugnaw nang gayon,” ang isinulat niya, “ano ngang uri ng pagkatao ang nararapat sa inyo sa banal na mga paggawi at mga gawa ng makadiyos na debosyon, na hinihintay at iniingatang malapit sa isipan ang pagkanaririto ng araw ni Jehova!”—2 Pedro 3:5-7, 11, 12.
Mag-imbak ng mga Kayamanan sa Langit
Oo, ingatan nating “malapit sa isipan” ang araw ni Jehova. Ang paggawa nito ay lubhang makaaapekto kung paano natin ginagamit ang ating panahon, lakas, talino, ari-arian, at abilidad. Hindi tayo dapat maging labis na abala sa pagtataguyod ng materyal na mga bagay—pangangailangan man sa buhay o kaluguran—anupat kaunti na lamang ang panahon natin para sa mga gawaing nagpapakita ng “makadiyos na debosyon.” Ang pagtutuon ng pansin sa kasalukuyan ay maaari ngang magdulot ng dagliang pakinabang, pero maging ito man ay pansamantala lamang. Ayon kay Jesus, mas matalinong “mag-imbak [tayo] para sa [ating] sarili ng mga kayamanan sa langit” sa halip na sa lupa.—Mateo 6:19, 20.
Idiniin ni Jesus ang puntong iyan sa kaniyang ilustrasyon hinggil sa isang lalaki na gumawa ng Lucas 12:15-21; Kawikaan 19:21.
matayog na mga plano para sa hinaharap. Pero hindi niya isinama sa mga planong ito ang pagkakaroon ng kaugnayan sa Diyos. Mabunga ang lupain ng lalaki. Kaya nagpasiya siyang gibain ang kaniyang mga kamalig at magtayo ng mas malalaki pa upang magkaroon siya ng maalwang buhay—kumain, uminom, at masiyahan sa buhay. Ano naman ang masama roon? Namatay siya bago niya matikman ang mga pinaghirapan niya. Ngunit ang mas masaklap pa rito, hindi siya nagkaroon ng kaugnayan sa Diyos. Ganito ang pagtatapos ni Jesus: “Gayon ang nangyayari sa taong nag-iimbak ng kayamanan para sa kaniyang sarili ngunit hindi mayaman sa Diyos.”—Ano ang Maaari Mong Gawin?
Huwag mong tularan ang naging pagkakamali ng lalaking inilarawan ni Jesus. Alamin mo kung ano ang layunin ng Diyos para sa hinaharap, at mamuhay ka alinsunod dito. Hindi hinayaan ng Diyos na mangapa sa dilim ang mga tao hinggil sa gagawin niya. “Ang Soberanong Panginoong Jehova,” ang isinulat ng sinaunang propetang si Amos, “ay hindi gagawa ng anumang bagay malibang naisiwalat na niya ang kaniyang lihim na bagay sa kaniyang mga lingkod na mga propeta.” (Amos 3:7) Ang mga isiniwalat ni Jehova sa pamamagitan ng kaniyang mga propeta ay mababasa mo ngayon sa Salita ng Diyos, ang Bibliya.—2 Timoteo 3:16, 17.
Ang isang bagay na isinisiwalat ng Bibliya ay ang mangyayari sa malapit na hinaharap na lubusang makaaapekto sa buong lupa. Sinabi ni Jesus: “Magkakaroon ng malaking kapighatian gaya ng hindi pa nangyayari mula nang pasimula ng sanlibutan hanggang sa ngayon.” (Mateo 24:21) Hindi mahahadlangan ng sinumang tao ang pangyayaring iyan. At hindi rin naman gugustuhin ng mga tunay na mananamba na mahadlangan ito. Bakit? Sapagkat ang pangyayaring ito ang mag-aalis ng lahat ng kasamaan sa lupa, at ito ang magpapasapit ng “isang bagong langit at isang bagong lupa,” ibig sabihin, isang bagong pamahalaan sa langit at isang bagong lipunan sa lupa. Sa bagong sanlibutang iyon, “papahirin [ng Diyos] ang bawat luha sa . . . mga mata [ng tao], at hindi na magkakaroon ng kamatayan, ni ng pagdadalamhati o ng paghiyaw o ng kirot pa man.”—Apocalipsis 21:1-4.
Kaya hindi ba’t makatuwirang maglaan ng panahon para suriin kung ano ang sinasabi ng Bibliya hinggil sa mga kaganapang iyan? Kailangan mo ba ng tulong para magawa iyan? Humiling ng tulong sa mga Saksi ni Jehova. O sumulat sa tagapaglathala ng magasing ito. Oo, tiyaking mamuhay na isinasaisip hindi lamang ang kasalukuyan kundi gayundin ang ating kamangha-manghang bukas.
[Mga larawan sa pahina 7]
“Huwag na kayong mabalisa . . . Ang susunod na araw ay magkakaroon ng sarili nitong mga kabalisahan”