Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

“Pasensiya na Kayo sa Nakayanan Ko”

“Pasensiya na Kayo sa Nakayanan Ko”

“Pasensiya na Kayo sa Nakayanan Ko”

ITO ang laman ng liham na natanggap ng tanggapang pansangay ng mga Saksi ni Jehova sa Russia. Ang liham ay may kasamang isang malaking kahong punô ng mga medyas na lana.

Ang regalo ay ipinadala ng 67-taóng-gulang na si Alla, isang Saksi ni Jehova na naglilingkod sa isang kongregasyon sa Malayong Silangan ng Russia. Mahigit sampung taon nang naglilingkod si Alla kay Jehova at masigasig na nangangaral ng mabuting balita ng Kaharian. Pero nabalda ang kalahati ng kaniyang katawan dahil sa istrok. Gayunpaman, udyok ng pag-ibig, tinularan ni Alla ang ginawa ng unang-siglong Kristiyanong babaing si Dorcas, na gumawa ng mga kasuutan para sa kaniyang mga kapananampalataya.​—Gawa 9:36, 39.

Sa kaniyang liham, sinabi ni Alla: “Hindi ko na maigalaw ang aking mga binti, pero naigagalaw ko pa rin ang aking mga kamay. Kaya nangangaral ako sa pamamagitan ng pagsulat ng mga liham.” Idinagdag pa niya: “Naisip kong gumawa ng ilang makakapal na pares ng medyas habang naigagalaw ko pa ang aking mga kamay. Pakibigay ang mga medyas na ito sa mga kapatid na lalaki at babae na magtatayo ng mga Kingdom Hall sa malalamig na lugar, tulad ng Malayong Silangan at Siberia.”

Tungkol sa kaniyang tunay na mga tagasunod, sinabi ni Jesu-Kristo: “Sa ganito malalaman ng lahat na kayo ay aking mga alagad, kung kayo ay may pag-ibig sa isa’t isa.” (Juan 13:35) Ang pag-ibig na tulad ng ipinakita ni Alla ay isang pagkakakilanlan ng tunay na mga alagad ni Jesus.