Handa Ka Na ba sa Araw ni Jehova?
Handa Ka Na ba sa Araw ni Jehova?
“Ang dakilang araw ni Jehova ay malapit na. Iyon ay malapit na, at iyon ay lubhang minamadali.”—ZEFANIAS 1:14.
1-3. (a) Ano ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa araw ni Jehova? (b) Anong “araw ni Jehova” ang parating na?
ANG dakilang araw ni Jehova ay hindi 24 oras lamang. Mas mahabang yugto ito ng panahon kung kailan ilalapat ng Diyos ang kaniyang kahatulan sa masasama. May dahilang matakot ang mga taong hindi makadiyos sa araw na ito ng kadiliman, poot, maapoy na galit, kabagabagan, at pagkatiwangwang. (Isaias 13:9; Amos 5:18-20; Zefanias 1:15) “Sa aba ng araw na iyon,” ang sabi ng hula ni Joel, “sapagkat ang araw ni Jehova ay malapit na, at iyon ay darating na gaya ng pananamsam mula sa Makapangyarihan-sa-lahat!” (Joel 1:15) Gayunman, sa dakilang araw na iyon, ang Diyos ay magiging Tagapagligtas ng mga “matapat ang puso.”—Awit 7:10.
2 Ang pananalitang “araw ni Jehova” ay tumutukoy sa paglalapat ng hatol ng Diyos sa iba’t ibang pagkakataon. Halimbawa, dumating ang “araw ni Jehova” sa mga naninirahan sa Jerusalem nang gamitin ni Jehova ang Babilonya upang ilapat ang kaniyang hatol noong 607 B.C.E. (Zefanias 1:4-7) Isang nakakatulad na paglalapat ng hatol ng Diyos ang nangyari noong 70 C.E. nang gamitin ng Diyos ang mga Romano upang isagawa ang hatol sa bansang Judio na nagtakwil sa kaniyang Anak. (Daniel 9:24-27; Juan 19:15) Inihula rin ng Bibliya ang hinggil sa “araw ni Jehova” kung kailan ‘makikipagdigma siya laban sa lahat ng mga bansa.’ (Zacarias 14:1-3) Sa ilalim ng patnubay ng espiritu ng Diyos, iniugnay ni apostol Pablo ang araw na iyon sa pagkanaririto ni Kristo, na nagsimula nang iluklok si Jesus bilang Hari sa langit noong 1914. (2 Tesalonica 2:1, 2) Ipinakikita ng mga katibayan sa paligid natin na napakalapit na ng araw ni Jehova, kaya naman angkop na angkop ang taunang teksto ng mga Saksi ni Jehova noong 2007. Halaw ito sa Zefanias 1:14, na nagsasabi: “Ang dakilang araw ni Jehova ay malapit na.”
3 Yamang malapit na ang dakilang araw ng Diyos, ngayon na ang panahon para maging handa. Paano ka magiging handa para sa araw na iyon? May dapat ka bang baguhin sa iyong sarili upang maging handa sa araw ni Jehova?
Maging Handa
4. Sa anong matinding pagsubok inihanda ni Jesus ang kaniyang sarili?
4 Sa kaniyang hula tungkol sa katapusan ng sistema ng mga bagay, sinabi ni Jesu-Kristo sa kaniyang mga alagad: “Maging handa . . . kayo.” (Mateo 24:44) Nang sabihin iyan ni Jesus, siya mismo ay handa na para sa matinding pagsubok—ang mamatay bilang haing pantubos. (Mateo 20:28) Ano ang ginawa ni Jesus para maging handa siya at ano naman ang matututuhan natin dito?
5, 6. (a) Paano tumutulong sa atin ang pag-ibig sa Diyos at sa mga tao upang maging handa sa araw ni Jehova? (b) Anong halimbawa ang ipinakita sa atin ni Jesus hinggil sa pag-ibig sa kapuwa?
5 Buong-pusong iniibig ni Jesus si Jehova at ang Kaniyang matuwid na mga pamantayan. Tungkol kay Jesus, sinasabi ng Hebreo 1:9: “Inibig mo ang katuwiran, at kinapootan mo ang katampalasanan. Kaya naman ang Diyos, ang iyong Diyos, ay nagpahid sa iyo ng langis ng pagbubunyi na higit kaysa sa iyong mga kasamahan.” Sapagkat iniibig ni Jesus ang kaniyang makalangit na Ama, nanatili siyang tapat sa Kaniya. Kung iniibig din natin nang gayon ang Diyos at namumuhay tayo ayon sa kaniyang mga kahilingan, iingatan niya tayo. (Awit 31:23) Ang gayong pag-ibig at pagkamasunurin ay tutulong sa atin na maging handa sa dakilang araw ni Jehova.
6 Litaw na litaw na katangian din ni Jesus ang pag-ibig sa mga tao. Sa katunayan, “nahabag siya sa kanila, sapagkat sila ay nabalatan at naipagtabuyan kung saan-saan tulad ng mga tupang walang pastol.” (Mateo 9:36) Kaya naman ipinangaral ni Jesus ang mabuting balita sa mga tao, at pag-ibig din ang nag-uudyok sa atin na ipahayag ang mensahe ng Kaharian sa ating kapuwa. Ang pag-ibig sa Diyos at sa ating kapuwa ay tumutulong sa atin na manatiling aktibo bilang mga ministrong Kristiyano at maging handa sa dakilang araw ni Jehova.—Mateo 22:37-39.
7. Bakit tayo maaaring magalak habang hinihintay ang araw ni Jehova?
7 Nalulugod si Jesus na gawin ang kalooban ni Jehova. (Awit 40:8) Kung gayundin ang ating saloobin, magagalak tayong mag-ukol sa Diyos ng sagradong paglilingkod. Tulad ni Jesus, magiging bukas-palad tayo, at talagang makapagpapaligaya ito sa atin. (Gawa 20:35) Oo, “ang kagalakan kay Jehova ang [ating] moog.” Dahil sa kagalakang iyan, magiging mas handa tayo sa dakilang araw ng Diyos.—Nehemias 8:10.
8. Bakit dapat tayong patuloy na lumapit kay Jehova sa panalangin?
8 Nakatulong kay Jesus ang marubdob na pananalangin sa Diyos upang maging handa sa mga pagsubok sa pananampalataya. Nananalangin siya habang binabautismuhan siya ni Juan. Magdamag na nanalangin si Jesus bago siya pumili ng kaniyang mga apostol. (Lucas 6:12-16) At sino namang mambabasa ng Bibliya ang hindi maaantig sa marubdob na mga panalangin ni Jesus noong huling gabi ng kaniyang buhay sa lupa? (Marcos 14:32-42; Juan 17:1-26) Madalas ka bang manalanging gaya ni Jesus? Laging lumapit kay Jehova, huwag magmadali sa pananalangin, hingin ang patnubay ng banal na espiritu, at tanggapin agad ang patnubay na inilalaan nito. Napakahalagang magkaroon tayo ng matibay na kaugnayan sa ating makalangit na Ama sa mapanganib na panahong ito kung kailan mabilis na dumarating ang dakilang araw ng Diyos. Kaya huwag mag-atubiling patuloy na lumapit kay Jehova sa panalangin.—Santiago 4:8.
9. Bakit mahalagang naisin nating mapabanal ang pangalan ni Jehova?
9 Nakatulong kay Jesus na maging handa sa mga pagsubok ang pagnanais niyang mapabanal ang banal na pangalan ni Jehova. Sa katunayan, tinuruan niya ang kaniyang mga tagasunod na isama sa kanilang mga panalangin sa Diyos ang kahilingang ito: “Pakabanalin nawa ang iyong pangalan.” (Mateo 6:9) Kung talagang gusto nating pakabanalin ang pangalan ni Jehova, sisikapin nating iwasan ang paggawa ng anumang bagay na makasisira dito. Bunga nito, magiging mas handa tayo sa dakilang araw ni Jehova.
May Dapat Ka Bang Baguhin sa Iyong Sarili?
10. Bakit angkop na suriin natin ang ating sarili?
10 Kung darating na bukas ang araw ni Jehova, talaga bang handa ka na? Makabubuting suriin ng bawat isa sa atin ang kaniyang sarili upang alamin kung may anumang paggawi o saloobin na kailangan niyang baguhin. Dahil maikli at walang-katiyakan ang kasalukuyang buhay ng tao, kailangang maging alisto ang bawat isa sa atin kung paano natin mapatitibay at mapananatili ang ating kaugnayan kay Jehova araw-araw. (Eclesiastes 9:11, 12; Santiago 4:13-15) Kaya isaalang-alang natin ang ilang bagay na kailangang bigyang-pansin sa ating buhay.
11. Ano ang tunguhin mo hinggil sa pagbabasa ng Bibliya?
11 Isang mahalagang bagay na kailangan nating Mateo 24:45) Maaari mong gawing tunguhin na basahin at bulay-bulayin ang Kasulatan mula Genesis hanggang Apocalipsis sa loob ng isang taon. Kung magbabasa ka ng mga apat na kabanata sa isang araw, mababasa mo ang 1,189 na kabanata ng Bibliya sa isang taon. Dapat basahin ng bawat hari ng Israel ang Kautusan ni Jehova “sa lahat ng mga araw ng kaniyang buhay.” Maliwanag, gayundin ang ginawa ni Josue. (Deuteronomio 17:14-20; Josue 1:7, 8) Napakahalaga nga na basahin ng mga pastol, o elder sa kongregasyon, ang Salita ng Diyos araw-araw, sapagkat tutulong ito sa kanila na ibahagi ang “nakapagpapalusog na turo”!—Tito 2:1.
bigyang-pansin ay ang payo ng ‘tapat na alipin’ na basahin ang Bibliya araw-araw. (12. Yamang malapit na ang araw ni Jehova, ano ang dapat mong gawin?
12 Yamang malapit na ang araw ni Jehova, dapat itong magpakilos sa iyo na regular na dumalo sa mga pulong Kristiyano at lubusang makibahagi sa mga ito hangga’t maaari. (Hebreo 10:24, 25) Makatutulong ito para mapasulong mo ang iyong mga kasanayan bilang tagapaghayag ng Kaharian na nagsisikap hanapin at tulungan ang mga wastong nakaayon sa buhay na walang hanggan. (Gawa 13:48) Marahil puwede kang maging mas aktibo sa kongregasyon sa iba pang paraan, gaya ng pagtulong sa mga may-edad na at pagpapasigla sa mga kabataan. Talaga ngang makapagpapaligaya sa iyo ang mga gawaing ito!
Ang Iyong Kaugnayan sa Iba
13. Anu-ano ang maaari nating itanong sa ating sarili may kaugnayan sa pagbibihis ng bagong personalidad?
13 Yamang napipinto na ang araw ni Jehova, kailangan mo bang dagdagan ang iyong pagsisikap upang “magbihis ng bagong personalidad na nilalang ayon sa kalooban ng Diyos sa tunay na katuwiran at pagkamatapat”? (Efeso 4:20-24) Habang sinisikap mong linangin ang makadiyos na mga katangian, malamang na mapapansin ng iba na ikaw ay ‘lumalakad ayon sa espiritu ng Diyos’ at nagpapakita ng mga bunga nito. (Galacia 5:16, 22-25) May masasabi ka bang espesipikong mga bagay na ginagawa mo at ng iyong pamilya upang ipakitang nagbihis na kayo ng bagong personalidad? (Colosas 3:9, 10) Halimbawa, kilala ka ba sa pagpapakita ng kabaitan sa mga kapananampalataya at sa iba? (Galacia 6:10) Tutulong sa iyo ang regular na pag-aaral ng Bibliya upang malinang mo ang makadiyos na mga katangiang maghahanda sa iyo sa araw ni Jehova.
14. Bakit kailangang hilingin ng isang tao sa panalangin ang tulong ng banal na espiritu habang nililinang niya ang pagpipigil sa sarili?
14 Paano kung mainitin ang iyong ulo at natanto mong kailangan mo ng higit pang pagpipigil sa sarili? Matutulungan ka ng banal na espiritu ng Diyos na malinang ang katangiang ito na isa sa mga bunga ng espiritu. Kaya manalangin para sa banal na espiritu, kaayon ng pananalita ni Jesus: “Patuloy na humingi, at ibibigay ito sa inyo; patuloy na maghanap, at kayo ay makasusumpong; patuloy na kumatok, at bubuksan ito sa inyo. . . . Kung kayo, bagaman balakyot, ay marunong magbigay ng mabubuting kaloob sa inyong mga anak, lalo pa ngang higit na ang Ama sa langit ay magbibigay ng banal na espiritu doon sa mga humihingi sa kaniya!”—Lucas 11:9-13.
15. Ano ang dapat mong gawin kung may nakagalit kang isang kapananampalataya?
15 Paano kung may nakagalit kang isang kapananampalataya? Kung gayon, gawin ang lahat ng magagawa mo para magkasundo kayo, sa gayo’y itinataguyod ang kapayapaan at pagkakaisa sa kongregasyon. (Awit 133:1-3) Ikapit ang payo ni Jesus sa Mateo 5:23, 24 o Mateo 18:15-17. Kung hinahayaan mong abutan ng paglubog ng araw ang iyong galit, ituwid agad ito. Kadalasan nang kailangan lamang ang pagiging handang magpatawad. Sumulat si Pablo: “Maging mabait kayo sa isa’t isa, mahabagin na may paggiliw, lubusang nagpapatawaran sa isa’t isa kung paanong ang Diyos sa pamamagitan ni Kristo ay lubusang nagpatawad din sa inyo.”—Efeso 4:25, 26, 32.
16. Sa anong mga paraan maipakikita ng mag-asawa ang pagiging mahabagin sa isa’t isa?
16 Kailangan ng mga mag-asawa ang magiliw na pagkamahabagin at, kung minsan, ng pagpapatawad pa nga. Kung kinakailangan mong maging higit na maibigin at mahabagin sa iyong asawa, magsikap na gawin ito sa tulong ng Diyos at ng kaniyang Salita. May kailangan ka bang gawin upang masunod mo ang 1 Corinto 7:1-5 para bumuti ang ugnayan ninyo bilang mag-asawa at maiwasan ang pagtataksil? Tiyak na isa itong aspekto ng buhay na humihiling sa asawang lalaki o babae na maging “mahabagin na may paggiliw.”
17. Ano ang dapat gawin ng isa kung magkasala siya nang malubha?
Santiago 5:13-16) Manalangin kay Jehova at ipakita ang iyong pagsisisi. Kung hindi mo ito gagawin, maaari kang makonsensiya at hindi patahimikin ng iyong budhi. Iyan ang naranasan ni David, ngunit para siyang nabunutan ng tinik matapos niyang ipagtapat kay Jehova ang kaniyang kasalanan! Sumulat si David: “Maligaya siya na ang kaniyang pagsalansang ay pinagpapaumanhinan, na ang kaniyang kasalanan ay tinatakpan. Maligaya ang tao na sa kaniya ay hindi nagpapataw ng kamalian si Jehova, at sa kaniyang espiritu ay walang panlilinlang.” (Awit 32:1-5) Pinatatawad ni Jehova ang mga nagkakasala na taimtim na nagsisisi.—Awit 103:8-14; Kawikaan 28:13.
17 Paano kung nagkasala ka nang malubha? Gumawa ng mga hakbang upang ituwid ang kalagayan sa lalong madaling panahon. Huwag mag-atubiling humingi ng tulong sa Kristiyanong mga elder. Makatutulong ang kanilang mga panalangin at payo para mapanauli ang iyong espirituwal na kalusugan. (Manatiling Hindi Bahagi ng Sanlibutan
18. Ano ang dapat mong maging pananaw sa sanlibutan?
18 Tiyak na inaasam-asam mo ang napakagandang bagong sanlibutan na ipinangako ng ating makalangit na Ama. Kung gayon, ano ang dapat na maging pananaw mo sa sanlibutan—ang di-matuwid na lipunan ng tao na hiwalay sa Diyos? Si Satanas, “ang tagapamahala ng sanlibutan,” ay walang kapangyarihan kay Jesu-Kristo. (Juan 12:31; 14:30) Tiyak na hindi mo gugustuhing magpadaig sa kapangyarihan ng Diyablo at ng kaniyang sanlibutan, kaya dapat mong sundin ang pananalita ni apostol Juan: “Huwag ninyong ibigin ang sanlibutan o ang mga bagay man na nasa sanlibutan.” Iyan ang matalinong landasin, sapagkat “ang sanlibutan ay lumilipas at gayundin ang pagnanasa nito, ngunit siya na gumagawa ng kalooban ng Diyos ay nananatili magpakailanman.”—1 Juan 2:15-17.
19. Anu-anong tunguhin ang dapat itaguyod ng mga kabataang Kristiyano?
19 Tinutulungan mo ba ang iyong mga anak na ‘ingatan ang kanilang sarili na walang batik mula sa sanlibutan’? (Santiago 1:27) Gusto ni Satanas na bingwitin na parang isda ang iyong mga anak. Iba’t ibang samahan at organisasyon ang dinisenyo upang hikayatin ang mga kabataan na maging bahagi ng sanlibutan ni Satanas. Pero ang mga lingkod ni Jehova ay kabilang na sa tanging organisasyong maliligtas sa katapusan ng masamang sistemang ito ng mga bagay. Kaya dapat pasiglahin ang mga kabataang Kristiyano na maging abala “sa gawain ng Panginoon.” (1 Corinto 15:58) Kailangang tulungan ng makadiyos na mga magulang ang kanilang mga anak na magtakda ng mga tunguhing magbibigay sa kanila ng maligaya at kasiya-siyang buhay na nagpaparangal sa Diyos at tumutulong sa kanila na maging handa sa araw ni Jehova.
Asamin ang Magaganap Pagkatapos ng Dakilang Araw ni Jehova
20. Bakit dapat nating isaisip ang pag-asang buhay na walang hanggan?
20 Mahihintay mo ang araw ni Jehova nang may kapanatagan kung lagi mong isasaisip ang pag-asang buhay na walang hanggan. (Judas 20, 21) Inaasam-asam mong mabuhay nang walang hanggan sa Paraiso, anupat may pag-asa kang muling lumakas at sumigla na gaya ng isang kabataan. May panahon ka na rin para abutin ang iyong kapaki-pakinabang na mga tunguhin at matuto nang higit pa tungkol kay Jehova. Talagang maaari kang matuto tungkol sa Diyos magpakailanman sapagkat ang alam lamang ng mga tao sa ngayon ay ang “mga gilid ng kaniyang mga daan.” (Job 26:14) Tunay ngang kapana-panabik na pag-asa iyan!
21, 22. Ano ang matututuhan mo mula sa mga bubuhaying-muli at ano naman ang maituturo mo sa kanila?
21 Sa Paraiso, maikukuwento na sa atin ng mga bubuhaying-muli ang ilang bagay na hindi natin Judas 14, 15) Tiyak na ikukuwento ni Noe kung paano niya ginawa ang arka. Masasabi rin nina Abraham at Sara kung ano ang nadama nila nang iwan nila ang mga kaalwanan ng Ur at kung paano sila nanirahan sa mga tolda. Gunigunihin ang mga detalyeng sasabihin ni Esther kung paano niya pinrotektahan ang kaniyang mga kababayan at binigo ang pakana ni Haman laban sa kanila. (Esther 7:1-6) Isip-isipin din ang ikukuwento ni Jonas tungkol sa mga nangyari sa kaniya sa tiyan ng malaking isda sa loob ng tatlong araw o ang sasabihin ni Juan na Tagapagbautismo hinggil sa nadama niya nang bautismuhan niya si Jesus. (Lucas 3:21, 22; 7:28) Napakarami nga nating matututuhang kawili-wiling mga bagay!
alam tungkol sa nakaraan. Naroroon si Enoc para ipaliwanag kung paano siya nagkaroon ng lakas ng loob upang ihayag ang mensahe ni Jehova sa mga taong di-makadiyos. (22 Sa loob ng Sanlibong Taóng Paghahari ni Kristo, maaari kang magkapribilehiyo na turuan ang mga bubuhaying-muli ng “mismong kaalaman ng Diyos.” (Kawikaan 2:1-6) Sa ngayon, nalulugod tayong makita ang mga tao na kumukuha ng kaalaman tungkol sa Diyos na Jehova at ikinakapit ito sa kanilang buhay! Pero tiyak na mas magagalak ka sa hinaharap kapag pinagpala ni Jehova ang iyong mga pagsisikap na turuan ang mga tao na nabuhay noong matagal nang panahon at may-pagpapahalaga silang tumugon!
23. Ano ang dapat na determinado nating gawin?
23 Hindi natin kayang bilangin o sukatin ang mga pagpapalang tinatanggap natin ngayon bilang bayan ni Jehova. (Awit 40:5) Nagpapasalamat tayo lalo na sa espirituwal na mga paglalaan ng Diyos. (Isaias 48:17, 18) Anuman ang ating kalagayan, buong-puso tayong mag-ukol ng sagradong paglilingkod habang hinihintay natin ang dakilang araw ni Jehova.
Paano Mo Sasagutin?
• Ano “ang araw ni Jehova”?
• Ano ang dapat mong gawin para maging handa sa araw ni Jehova?
• Yamang napakalapit na ng dakilang araw ng Diyos, anu-ano ang maaaring kailangan mong baguhin sa iyong sarili?
• Ano ang inaasam-asam mo pagkatapos ng araw ni Jehova?
[Mga Tanong sa Aralin]
[Larawan sa pahina 12]
Handa si Jesus sa mga pagsubok
[Larawan sa pahina 15]
Kaylaking pribilehiyo nga na tulungan ang mga bubuhaying-muli na magkaroon ng kaalaman tungkol kay Jehova!