Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Natatandaan Mo Ba?

Natatandaan Mo Ba?

Natatandaan Mo Ba?

Nasiyahan ka ba sa pagbabasa sa katatapos na mga isyu ng Ang Bantayan? Kung gayon, tingnan kung masasagot mo ang sumusunod na mga tanong:

• Kailan dinalaw ng mga astrologo si Jesus?

Ganito ang komento ng isang edisyon ng Bibliya: “Mga pastol ang dumalaw kay Jesus noong gabing ipanganak siya sa sabsaban, at hindi ang mga Mago. Dumalaw [ang mga Mago] makalipas ang maraming buwan.” Nang panahong iyon, isa nang “bata” si Jesus at nakatira na sa isang bahay. (Mat. 2:7-11) Kung binigyan si Jesus ng ginto at mahahalagang regalo noong gabing ipanganak siya, dalawang ibon lang kaya ang ihahandog ni Maria sa templo pagkaraan ng 40 araw?​—1/1, pahina 31.

• Ano ang puwedeng gawin ng marami para maging mas makabuluhan ang kanilang buhay?

Baka itanong ng isa, ‘Puwede ba akong gumawa ng mga pagbabago at gawing simple ang aking buhay?’ Ganiyan ang ginawa ni Amy. Mayaman nga siya pero hindi siya maligaya. Napag-isip-isip niyang dahil sa paghahabol sa karera sa sanlibutang ito, muntik na siyang mailigaw mula sa pananampalataya. Kaya nagpasiya siyang unahin ang Kaharian at nakapagpayunir siya sa loob ng ilang panahon. Ang sabi ni Amy, “Masayang-masaya na ako ngayon, di-gaya noong subsob ako sa trabaho para umasenso.”​—1/15, pahina 19.

• Ano ang maaaring makatulong sa mga ina para maging ganap na maligaya?

Maraming ina ang may sekular na trabaho. Ginagawa ito ng ilan para matustusan ang pangunahing pangangailangan ng pamilya, at ang iba naman ay para magkaroon ng sariling pera o masunod ang kanilang luho. May iba naman na kaya nagtatrabaho ay dahil sa gustung-gusto nila ang kanilang trabaho. Ayon sa Kristiyanong pamantayan, napakahalaga ng papel ng isang ina​—lalo na habang sanggol pa ang anak nila. Ipinasiya ng ilang ina na bawasan o bitiwan ang kanilang sekular na trabaho para mas makapagtuon ng pansin sa pamilya, anupat nagbunga ito ng ganap na kaligayahan.​—2/1, pahina 28-31.

• Anong ‘salinlahi’ ang tinutukoy ng mga salita ni Jesus na nakaulat sa Mateo 24:34?

Madalas gamitin ni Jesus ang salitang ‘salinlahi’ sa negatibong diwa kapag mga taong balakyot ang kausap niya o tinutukoy niya. Pero hindi gayon ang ibig niyang sabihin sa pagkakataong ito na nakikipag-usap siya sa kaniyang mga alagad, na malapit na noong pahiran ng banal na espiritu. Sila lamang ang lubos na makauunawa sa kahulugan ng binabanggit sa Mateo 24:32, 33. Kung gayon, masasabing ang tinutukoy ni Jesus ay ang kaniyang mga pinahirang tagasunod, kapuwa noong unang-siglo at sa makabagong-panahon.​—2/15, pahina 23-4.

• Paano naging tagapagturo ang Batas, gaya ng binabanggit sa Galacia 3:24?

Ang isang tagapagturo noon ay karaniwan nang isang mapagkakatiwalaang alipin na nangangalaga sa bata at tumitiyak na nasusunod ang kagustuhan ng ama para sa kaniyang anak. Sa katulad na paraan, ang Kautusan ay nagsilbing proteksiyon sa mga Judio mula sa nakapipinsalang impluwensiya, tulad ng pakikipag-asawa sa mga mananamba sa idolo. Pero gaya ng tagapagturo ng isang bata, ang Kautusan ay pansamantala lamang anupat nawalan na ng bisa nang dumating ang Kristo.​—3/1, pahina 18-21.

• Ayon sa Santiago 3:17, anong mga katangian ang dapat nating ipakita?

Ang pagiging malinis ay nangangahulugan na kailangan nating tanggihan agad ang masama. (Gen. 39:7-9) Dapat din tayong maging mapagpayapa, anupat iniiwasan ang pagiging mapusok o ang paggawing mag-aalis ng kapayapaan. Kaya makabubuting tanungin ng bawat isa sa atin ang ating sarili: ‘Kilala ba ako bilang tagapamayapa o tagasira ng kapayapaan? Palagi ba akong may nakakasamaan ng loob? Madali ba akong mainis, o ako ang madalas na nakakainis? O handa ba akong magpatawad at hindi agad iginigiit na ang aking personal na mga pamantayan ang dapat masunod?’​—3/15, pahina 24-5.

• Bakit unti-unti ang ginawang pagpapagaling ni Jesus sa lalaking bulag? (Marcos 8:22-26)

Hindi nagbibigay ng eksaktong paliwanag ang Bibliya. Pero posibleng sa pagkakataong ito, sa pamamagitan ng unti-unting pagpapagaling sa lalaking bulag, tinulungan siya ni Jesus na hindi mabigla, yamang ngayon lamang siya makakakita. Malamang na ginawa ito ni Jesus dahil sa maibiging pagmamalasakit sa lalaking bulag.​—4/1, pahina 30.