Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Natatandaan Mo Ba?

Natatandaan Mo Ba?

Natatandaan Mo Ba?

Nakinabang ka ba sa pagbabasa sa katatapos na mga isyu ng Ang Bantayan? Tingnan kung masasagot mo ang sumusunod na mga tanong:

• Paano tayo matatas na makapagsasalita ng “dalisay na wika,” ang katotohanan tungkol sa Diyos at sa kaniyang mga layunin? (Zef. 3:9)

Gaya ng anumang wika, upang matatas tayong makapagsalita ng “dalisay na wika,” kailangan nating makinig na mabuti, tumulad sa mga matatas magsalita, magsaulo ng mga pangalan ng aklat ng Bibliya at ilang teksto sa Bibliya, ulitin ang mga bagay na natutuhan natin, magbasa nang malakas, suriin ang balarila, o parisan ng katotohanan, magsikap na sumulong, magtakda ng tiyak na panahon ng pag-aaral, at magsanay “magsalita” ng dalisay na wika.​—8/15, pahina 21-25.

• Para masabing kilala natin ang Diyos, ano ang ilan sa mga bagay na dapat nating malaman tungkol sa kaniya?

“Jehova ang kaniyang pangalan,” at gusto niyang makilala natin siya sa pangalang iyan. (Ex. 15:3) Siya “ang Diyos ng pag-ibig at ng kapayapaan.” (2 Cor. 13:11) Siya ay “Diyos ng kaalaman” at “ng kaligtasan.” (1 Sam. 2:3; Awit 25:5) Sa gayon, nagiging malapít ang Diyos sa mga nagsisikap na makilala siya.​—9/1, pahina 4-7.

• Paano maikakapit sa pag-aasawa ang pananalitang “panali na tatlong-ikid”?

Makasagisag ang pananalitang “panali na tatlong-ikid.” (Ecles. 4:12) Kapag ikinapit ito sa pag-aasawa, ang unang dalawang ikid ay tumutukoy sa mag-asawa at ang ikatlong ikid na nagbubuklod sa dalawa ay ang Diyos. Kapag isinama ng mag-asawa ang Diyos sa kanilang pagsasama, magkakaroon sila ng lakas na harapin ang mga problema, at magiging maligaya sila.​—9/15, pahina 16.

• Sa ano tumutukoy ang “pagpapatong ng mga kamay” na binabanggit sa Hebreo 6:2?

Hindi ito tumutukoy sa paghirang sa Kristiyanong matatanda kundi malamang sa pagpapatong ng mga kamay upang maipasa ang makahimalang mga kaloob ng banal na espiritu. (Gawa 8:14-17; 19:6)​—9/15, pahina 32.

• Anu-anong pangangailangan ng mga anak ang alam ng isang mabuting ama?

Kailangan nila (1) ng kaniyang pagmamahal, (2) ng magandang halimbawa, (3) ng masayang kapaligiran, (4) na maturuan ng espirituwal na mga bagay, (5) ng disiplina, (6) ng proteksiyon mula sa masasamang impluwensiya at kasama.​—10/1, pahina 18-21.

• Paano maipapakita ng mga nangunguna na pinararangalan nila ang iba?

Hindi nila ipagagawa sa iba ang mga bagay na kahit sila mismo ay hindi nila gagawin. Pinararangalan din nila ang iba kung ipinaliliwanag nila ang mga dahilan kung bakit nila hinihiling na gawin ang isang bagay o kung bakit sila nagbigay ng isang partikular na tagubilin.​—10/15, pahina 22.

• Ano ang ilang susi para manatiling tapat sa inyong sumpaan bilang mag-asawa?

Ang dalawa ay: (1) Unahin ang iyong asawa. (2) Iwasan ang anumang uri ng pagtataksil. Matatag man o may problema ang iyong pag-aasawa, kailangang malaman ng inyong asawa na determinado kang gawing matagumpay ang inyong pagsasama; ang dalawang susing nabanggit ay makatutulong sa inyo.​—11/1, pahina 18-21.

• Ano ang matututuhan ng isang Kristiyanong matanda sa paraan ng paggamit ng isang Israelitang pastol sa kaniyang nakakurbang baston?

Ang isang pastol ay gumagamit ng isang nakakurbang baston, o tungkod, upang akayin ang kaniyang kawan. Habang pumapasok o lumalabas ang mga tupa sa kural, ang mga ito ay “dumaraan sa ilalim ng tungkod” at sa gayo’y nabibilang ng pastol. (Lev. 27:32) Sa katulad na paraan, dapat na kilalang-kilala ng isang Kristiyanong pastol ang kawan ng Diyos na nasa kaniyang pangangalaga at subaybayan ang kalagayan ng mga ito.​—11/15, pahina 9.

• Paano maipapakita ng isang ina na mahalaga sa kaniya ang kalinisan?

Maaaring madumhan ang pagkain sa iba’t ibang paraan, kaya naghuhugas siya ng kamay bago siya humawak ng pagkain at tinatakpan niya ang pagkain. Pinananatili niyang malinis ang kaniyang bahay para hindi ito pamahayan ng mga daga at insekto. Ang iba pang hakbang para mapanatili niya ang kalinisan ay regular na paglalaba at paliligo. Ang gayong mga hakbang ay kasuwato ng sinasabi sa Bibliya.​—12/1, pahina 9-11.