Ika-125 Gradwasyon ng Gilead
Hinimok ang mga Misyonero na Tularan si Jeremias
“ISANG mahalagang bahagi ng kasaysayan ang klaseng ito ng Gilead.” Ito ang sinabi ni Geoffrey Jackson, miyembro ng Lupong Tagapamahala, sa harap ng 6,156 na dumalo sa gradwasyon ng ika-125 klase ng Watchtower Bible School of Gilead noong Setyembre 13, 2008. Ang Paaralang Gilead ay nakapagpadala na ng mahigit 8,000 misyonero, kasama ang 56 na nagsipagtapos sa klaseng ito, sa “pinakamalayong bahagi ng lupa”!—Gawa 1:8.
Nagtanong si Brother Jackson, tsirman ng programa ng gradwasyon: “Makatutulong ba sa inyong ministeryo ang inyong kredibilidad?” Pagkatapos ay sinabi niya ang apat na bagay na kailangan para magkaroon ng mahusay na kredibilidad: tamang saloobin, pagpapakita ng mabuting halimbawa, pagtuturo salig lamang sa Salita ng Diyos, at pagtutuon ng pansin sa pagpapakilala sa pangalan ni Jehova.
Si David Schafer, na naglilingkod kasama ng Teaching Committee, ang tumalakay sa paksang “Mauunawaan Kaya Ninyo ang Lahat ng Bagay?” Tiniyak niya sa mga estudyante ng Gilead na ‘mauunawaan nila ang lahat ng bagay’ na kailangan nila upang makapaglingkod bilang mga misyonero kung patuloy nilang hahanapin ang patnubay ni Jehova at mapagpakumbabang kikilalanin ang awtoridad ng “tapat at maingat na alipin.”—Kaw. 28:5; Mat. 24:45.
Pagkatapos ay tinalakay ni John E. Barr, miyembro ng Lupong Tagapamahala, ang paksang “Huwag Ninyong Hayaan ang Anumang Bagay na Makapaghiwalay sa Inyo Mula sa Pag-ibig ng Diyos.” Gaya ng isang maibiging ama, pinatibay ni Brother Barr ang mga nagsipagtapos at ang kanilang mga magulang. Nakatulong ito para maibsan ang anumang pangamba na posibleng nadarama ng mga bagong misyonero hinggil sa kanilang magiging atas na teritoryo. “Nakaaaliw at nakapagpapasiglang malaman na tayo ay nasa pag-ibig ng Diyos,” ang paliwanag niya. Walang makapaghihiwalay sa mga misyonero mula sa pag-ibig ng Diyos malibang sila ang humiwalay sa Diyos.
Pinasigla ni Sam Roberson, na naglilingkod sa Theocratic Schools Department, ang mga tagapakinig na isuot “ang pinakamagandang damit.” Oo, ‘maibibihis ang Panginoong Jesu-Kristo’ ng mga nagsipagtapos kung pag-aaralan nila ang mga ginawa ni Jesus at ikakapit ito sa kanilang buhay. (Roma 13:14) Sumunod, itinampok ni William Samuelson, tagapangasiwa ng Theocratic Schools Department, kung paano magiging marangal ang isang tao. Ang Diyos ang nagpapasiya kung sino ang tunay na marangal, hindi ang tao.
Kinapanayam ng isa sa mga instruktor, si Michael Burnett, ang mga estudyante tungkol sa kanilang mga karanasan sa paglilingkod sa larangan. Habang nag-aaral sila sa Paaralang Gilead sa Patterson, New York, karamihan sa mga estudyante ay inatasan sa mga teritoryong madalas gawin. Gayunpaman, nakasumpong pa rin sila ng mga interesado. Kinapanayam naman ni Gerald Grizzle ng Convention Office ang tatlong kapatid na lalaki na dumalo sa Paaralan Para sa mga Miyembro ng Komite ng Sangay. Ang kanilang mga sinabi ay nakatulong sa mga nagsipagtapos sa Gilead na makapaghanda sa kanilang atas sa ibang bansa.
Si David Splane, miyembro ng Lupong Tagapamahala at nagtapos sa ika-42 klase, ang nagpahayag ng paksang “Tularan si Jeremias.” Bagaman Jer. 1:7, 8) Palalakasin din ng Diyos ang mga bagong misyonero. “Kung nahihirapan kayong makitungo sa isang tao,” ang sabi ni Brother Splane, “mag-isip muna at isulat ang sampung katangian na gustung-gusto ninyo sa taong iyon. At kung wala pa sa sampu ang maisulat ninyo, nangangahulugan ito na hindi pa ninyo talaga kilala ang taong iyon.”
atubili si Jeremias sa kaniyang atas, pinalakas siya ni Jehova. (Handang magsakripisyo si Jeremias. Nang gusto na niyang huminto sa paglilingkod sa Diyos, nanalangin siya, at sumakaniya si Jehova. (Jer. 20:11) “Kapag pinanghihinaan kayo ng loob,” ang sabi ni Brother Splane, “ipakipag-usap ito kay Jehova. Magugulat kayo kung paano kayo tutulungan ni Jehova.”
Sa pagtatapos ng programa ng gradwasyon, ipinaalaala ng tsirman sa mga tagapakinig na natutuhan ng mga nagsipagtapos ang ilang paraan upang magkaroon ng mahusay na kredibilidad. Habang nagpapatotoo ang mga nagsipagtapos sa kanilang atas na teritoryo, makatutulong ang kanilang kredibilidad bilang misyonero na maging higit na mabisa ang kanilang mensahe.—Isa. 43:8-12.
[Kahon sa pahina 22]
ESTADISTIKA NG KLASE
Bilang ng mga bansang may kinatawan: 6
Bilang ng mga bansang magiging atas: 21
Bilang ng mga estudyante: 56
Katamtamang edad: 32.9
Katamtamang taon sa katotohanan: 17.4
Katamtamang taon sa buong-panahong ministeryo: 13
[Larawan sa pahina 23]
Ang Ika-125 Klase na Nagtapos sa Watchtower Bible School of Gilead
Sa talaan sa ibaba, ang mga hanay ay nilagyan ng bilang mula sa unahan patungo sa likuran, at itinala ang mga pangalan mula sa kaliwa pakanan sa bawat hanay.
(1) Hodgson, A.; Wall, A.; Beerens, K.; Hortelano, M.; Newman, L.; De Caso, A. (2) Jenkins, J.; Jarzemski, T.; Méndez, N.; Corona, V.; Canalita, L. (3) Fryer, H.; Savage, M.; Tidwell, K.; Erickson, N.; Dyck, E.; McBeath, R. (4) Perez, L.; Puse, L.; Skidmore, A.; Young, B.; McBride, N.; Rondón, P.; Goodman, E. (5) Beerens, M.; Ferguson, J.; Pearson, N.; Chapman, L.; Wardle, J.; Canalita, M. (6) Perez, P.; De Caso, D.; Young, T.; Rondón, D.; Goodman, G.; Jenkins, M.; Dyck, G. (7) Corona, M.; Wall, R.; Puse, S.; Méndez, F.; Jarzemski, S.; Savage, T. (8) Newman, C.; Ferguson, D.; Skidmore, D.; Erickson, T.; McBride, J.; Pearson, M.; Chapman, M. (9) Hodgson, K.; Wardle, A.; McBeath, A.; Tidwell, T.; Fryer, J.; Hortelano, J.