Relihiyon—Ako ba ang Dapat Pumili o mga Magulang Ko?
Relihiyon—Ako ba ang Dapat Pumili o mga Magulang Ko?
SA Poland, maraming tao ang nagsasabi sa mga Saksi ni Jehova hinggil sa kanilang relihiyon, “Dito na ako ipinanganak, dito na rin ako mamamatay.” Ipinahihiwatig nito na sa pananaw nila, ang relihiyon ay ipinamamana ng mga magulang sa kanilang mga anak. Ganiyan din ba ang pananaw ng mga tao tungkol sa relihiyon sa inyong lugar? Ano ang karaniwang resulta ng ganitong pananaw? Ang relihiyon ay nagiging pormalidad na lamang at tradisyon ng pamilya. Maaari din ba itong mangyari sa mga Saksi ni Jehova na nalaman ang katotohanan mula sa kanilang mga magulang o mga lolo’t lola?
Hindi iyan naging totoo kay Timoteo na tinulungan ng kaniyang ina at lola na manampalataya at ibigin ang tunay na Diyos. Alam ni Timoteo ang banal na mga kasulatan “mula sa pagkasanggol.” Nang maglaon, nakumbinsi siya, pati na ang kaniyang ina at lola, na ang Kristiyanismo ang katotohanan. ‘Nahikayat siyang sampalatayanan’ ang mga narinig niya mula sa Kasulatan tungkol kay Jesu-Kristo. (2 Tim. 1:5; 3:14, 15) Kaya bagaman ginagawa ng mga magulang na Kristiyano ngayon ang lahat para maging lingkod ni Jehova ang kanilang mga anak, kailangan pa rin mismo ng mga anak na magkaroon ng pagnanais na maglingkod kay Jehova.—Mar. 8:34.
Kung gusto ng isa na maglingkod kay Jehova udyok ng pag-ibig at makapanatiling tapat sa kaniya anuman ang mangyari, dapat na nahikayat siyang paniwalaan ang katotohanan sa pamamagitan ng nakakakumbinsing pangangatuwiran. Kung gayon, ang kaniyang pananampalataya ay magiging matibay.—Efe. 3:17; Col. 2:6, 7.
Ang Papel ng mga Anak
“Alam kong Saksi ni Jehova ang tunay na relihiyon,” ang sabi ni Albert * na lumaki sa pamilyang Saksi, “pero nahihirapan akong sundin ang itinuturo nila.” Kung isa kang kabataan, baka ganiyan din ang nadarama mo. Bakit hindi mo sikaping alamin kung anong paraan ng pamumuhay ang gusto ng Diyos para sa iyo at sa gayon ay masiyahan sa paggawa ng kaniyang kalooban? (Awit 40:8) “Noong una, nahirapan akong manalangin,” ang sabi ni Albert. “Kailangan ko pang pilitin ang sarili ko para magawa ito. Pero di-nagtagal, naisip ko na kung sisikapin kong gawin ang tama, maaari akong maging mahalaga sa Diyos. Ito ang tumulong sa akin para magbago.” Kung magiging malapít tayo kay Jehova, magkakaroon tayo ng pagnanais na gawin ang hinihiling niya sa atin.—Awit 25:14; Sant. 4:8.
Isaalang-alang ang isang partikular na laro. Kung hindi mo alam kung paano ito nilalaro o kung hindi ka magaling dito, baka mabagot ka. Heb. 10:24, 25.
Pero kapag natutuhan mo ito at naging magaling ka rito, tiyak na mananabik kang maglaro nito. Baka humanap ka pa nga ng pagkakataon para makapaglaro. Ganiyan din kung tungkol sa mga gawaing Kristiyano. Kaya maghanda para sa mga pulong Kristiyano at makibahagi rito. Kahit sa murang edad, puwede mong mapatibay ang iba!—Gayundin sa pagsasabi sa iba tungkol sa iyong pananampalataya. Dapat na ito’y udyok ng pag-ibig, hindi ng pamimilit. Tanungin ang sarili: ‘Bakit ko gustong sabihin sa iba ang tungkol kay Jehova? Bakit ko siya mahal?’ Kailangan mong makilala si Jehova bilang maibiging Ama. Sinabi ng Diyos sa pamamagitan ni Jeremias: “Hahanapin nga ninyo ako at masusumpungan ako, sapagkat sasaliksikin ninyo ako nang inyong buong puso.” (Jer. 29:13, 14) Ano ang kailangan mong gawin? Ganito ang sinabi ni Jakub, “Kailangan kong baguhin ang aking paraan ng pag-iisip. Bata pa lang ako, dumadalo na ako ng pulong at lumalabas sa larangan, pero parang rutin lang sa akin ang mga ito. Napahalagahan ko lang talaga ang katotohanan nang mas nakilala ko si Jehova at nagkaroon ng malapít na kaugnayan sa kaniya.”
Para masiyahan ka sa iyong ministeryo, malaking tulong kung mayroon kang mabuti at nakapagpapatibay na mga kasama. “Siyang lumalakad na kasama ng marurunong ay magiging marunong.” (Kaw. 13:20) Kaya makipagkaibigan sa mga may espirituwal na tunguhin at maligayang naglilingkod kay Jehova. Sinabi ni Jola: “Napatibay ako ng pakikisama sa mga kabataang mahusay ang espirituwalidad. Mula noon, masaya na akong nakikibahagi nang regular sa ministeryo.”
Ang Papel ng mga Magulang
“Lubos akong nagpapasalamat sa aking mga magulang dahil itinuro nila sa akin ang tungkol kay Jehova,” ang sabi ni Jola. Oo, malaki ang impluwensiya ng mga magulang sa pagpapasiya ng kanilang mga anak. Sumulat si apostol Pablo: “Kayo, mga ama, . . . patuloy na palakihin [ang inyong mga anak] sa disiplina at pangkaisipang patnubay ni Jehova.” (Efe. 6:4) Maliwanag na sinasabi sa kinasihang payong ito na ang papel ng mga magulang ay ituro sa kanilang mga anak ang mga daan ni Jehova, hindi ang sa kanila. Sa halip na itanim sa isip ng inyong mga anak kung ano ang gusto ninyong marating nila, tiyak na makabubuti kung tutulungan ninyo silang maging tunguhin na mamuhay kasuwato ng layunin ni Jehova!
Maikikintal ninyo sa inyong mga anak ang mga salita ni Jehova ‘kapag nakaupo kayo sa inyong bahay at kapag naglalakad kayo sa daan at kapag nakahiga kayo at kapag bumabangon kayo.’ (Deut. 6:6, 7) “Madalas naming pag-usapan ang iba’t ibang pitak ng buong-panahong ministeryo,” ang naalaala nina Ewa at Ryszard, na may tatlong anak na lalaki. Ano ang resulta? “Nagpatala sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo ang aming mga anak kahit napakabata pa nila, naging mamamahayag sila, at nang maglaon ay sila na mismo ang nagpasiya na magpabautismo. Nang dakong huli, silang lahat ay naglingkod nang buong panahon.”
Napakahalaga ng halimbawa ng magulang. Sinabi ni Ryszard, “Determinado kami na hindi magkaroon ng dobleng pamumuhay, iba ang Luc. 6:40) Napapansin ng iyong mga anak araw-araw kung ginagawa mo ang sinasabi mo.
paggawi kapag nasa bahay at iba rin kapag nasa kongregasyon.” Kung gayon, tanungin ang sarili: ‘Ano ang nakikita ng aking mga anak sa aking paraan ng pamumuhay? Nakikita ba nila na talagang mahal ko si Jehova? Nakikita ba nila ang pag-ibig na ito sa aking mga panalangin at regular na personal na pag-aaral? Nakikita ba nila ito sa aking saloobin sa paglilingkod sa larangan, paglilibang, materyal na mga bagay, at sa aking sinasabi tungkol sa ibang mga miyembro ng kongregasyon?’ (Mahalaga ang papel ng disiplina sa pagpapalaki sa mga anak. Sinasabi ng kinasihang Salita ng Diyos: “Sanayin mo ang bata ayon sa daang nararapat sa kaniya.” (Kaw. 22:6) Sinabi nina Ewa at Ryszard, “Naglaan kami ng panahon para ma-Bible study namin ang bawat isa sa aming mga anak.” Sabihin pa, ang mga magulang ang nakaaalam kung kailangang magkakahiwalay na i-Bible study ang kanilang mga anak. Anuman ang kalagayan, kailangan nilang pakitunguhan ang bawat anak bilang isang indibiduwal. Kailangan ang pakikibagay at pagkamakatuwiran para magawa ito. Halimbawa, sa halip na basta sabihin lamang na masama ang ilang uri ng musika, bakit hindi ipakita sa inyong mga anak ang mga simulain sa Bibliya na makatutulong sa kanila na gumawa ng matatalinong pasiya?
Maaaring alam ng inyong mga anak kung ano ang inaasahan ninyo sa kanila at maaaring sumusunod sila sa inyo. Pero kailangan ninyong abutin ang kanilang puso. Tandaan, “ang panukala sa puso ng tao ay gaya ng malalim na tubig, ngunit ang taong may kaunawaan ang siyang sasalok nito.” (Kaw. 20:5) Gamitin ang pang-unawa para makita ang mga posibleng bumangong problema sa inyong mga anak, at kumilos agad para tulungan sila. Huwag silang husgahan. Sa halip ay ipadamang nagmamalasakit ka sa kanila, at tanungin sila ng angkop na mga tanong. Gayunman, mag-ingat na huwag silang paulanan ng mga tanong. Dahil sa inyong taimtim na malasakit, mas maaabot ninyo ang kanilang puso at mas madali nilang tatanggapin ang ibinibigay ninyong tulong.
Ang Papel ng Kongregasyon
Bilang isang lingkod ng Diyos, matutulungan mo ba ang mga kabataan sa kongregasyon na
pahalagahan ang katotohanang itinuro sa kanila ng kanilang mga magulang? Bagaman ang mga magulang ang may pananagutan sa pagsasanay sa kanilang anak, maaari ding makatulong ang iba sa kongregasyon, lalo na ang mga elder. Partikular nang dapat tulungan ang mga kabataang lumaki sa sambahayang isa lang ang magulang na Saksi.Ano ang magagawa ng mga elder upang matulungan ang mga kabataan na mahalin si Jehova at madamang kailangan sila at mahalaga sa kongregasyon? Ganito ang sinabi ni Mariusz, na tagapangasiwa sa isang kongregasyon sa Poland: “Dapat na laging makipag-usap ang mga elder sa mga kabataan. Hindi lamang kapag may problema kundi sa ibang mga pagkakataon din gaya sa ministeryo, pagkatapos ng pulong, o habang nagmemeryenda.” Maaari mong tanungin ang mga kabataan kung ano ang nadarama nila tungkol sa kongregasyon. Ang gayong pag-uusap ay tutulong sa kanila na maging malapít sa mga kapatid at madamang bahagi sila ng kongregasyon.
Kung isa kang elder, sinisikap mo bang mapalapit sa mga kabataan sa inyong kongregasyon? Si Albert na nabanggit kanina ay naglilingkod na ngayon bilang elder. Pero noong siya’y kabataan pa, nakaranas siya ng mga pagsubok. Sinabi niya, “Noong ako’y kabataan, kinailangan akong i-shepherding.” Maaari ding maipakita ng mga elder ang kanilang interes sa mga kabataan kapag isinasama nila sa kanilang panalangin ang tungkol sa espirituwal na pagsulong ng mga ito.—2 Tim. 1:3.
Mainam kung makikibahagi ang mga kabataan sa mga gawain sa kongregasyon. Dahil kung hindi, baka makasanlibutang mga tunguhin ang itaguyod nila. Kayong mga nakatatanda sa kongregasyon, puwede ba ninyo silang samahan sa ministeryo at maging kaibigan? Habang naglilibang kasama nila, magiging mas palagay ang kanilang loob sa inyo at magiging kaibigan nila kayo. Naalaala ni Jola: “Isang payunir na sister ang nagpakita ng personal na interes sa akin. At sa kauna-unahang pagkakataon sumama ako sa kaniya sa ministeryo nang hindi napipilitan.”
Ang Iyong Pasiya
Mga kabataan, tanungin ang inyong sarili: ‘Ano ang aking mga tunguhin? Tunguhin ko bang magpabautismo?’ Ang iyong pasiya na magpabautismo ay dapat udyok ng iyong buong-pusong pag-ibig kay Jehova, hindi dahil sa Saksi ang iyong pamilya.
Oo, maaari mong maging tunay na Kaibigan si Jehova, at maaari mong maging kayamanan ang katotohanan. Sinabi ni Jehova sa pamamagitan ni propeta Isaias: “Huwag kang luminga-linga, sapagkat ako ang iyong Diyos.” Hangga’t kaibigan mo si Jehova, hindi ka niya iiwan. Tiyak na patitibayin ka niya at ‘aalalayang mabuti sa pamamagitan ng kaniyang kanang kamay ng katuwiran.’—Isa. 41:10.
[Talababa]
^ par. 6 Binago ang ilang pangalan.
[Larawan sa pahina 4]
Alamin kung ano ang nasa puso ng iyong anak
[Larawan sa pahina 6]
Ang iyong pasiya na magpabautismo ay dapat udyok ng iyong buong-pusong pag-ibig kay Jehova