Ano ang Isinisiwalat Tungkol sa Iyo ng Iyong Panalangin?
Ano ang Isinisiwalat Tungkol sa Iyo ng Iyong Panalangin?
“O Dumirinig ng panalangin, sa iyo nga ay paroroon ang mga tao mula sa lahat ng laman.”—AWIT 65:2.
1, 2. Bakit makapananalangin nang may pagtitiwala ang mga lingkod ni Jehova?
HINDI kailanman nagbibingi-bingihan si Jehova sa pakiusap ng kaniyang tapat na mga lingkod. Pinakikinggan niya ang mga ito. Sabay-sabay mang manalangin ang milyun-milyong Saksi ni Jehova, lahat iyon ay maririnig ng Diyos.
2 Nagtitiwala ang salmistang si David na pinakinggan ng Diyos ang kaniyang pagsusumamo, kaya inawit niya: “O Dumirinig ng panalangin, sa iyo nga ay paroroon ang mga tao mula sa lahat ng laman.” (Awit 65:2) Dininig ang mga panalangin ni David dahil tapat siya kay Jehova. Makabubuting itanong sa ating sarili: ‘Nakikita ba sa aking pagsusumamo na nagtitiwala ako kay Jehova at na pangunahin sa akin ang dalisay na pagsamba? Ano ang isinisiwalat tungkol sa akin ng panalangin ko?’
Mapagpakumbabang Lumapit kay Jehova
3, 4. (a) Ano ang dapat na maging saloobin natin kapag nananalangin sa Diyos? (b) Ano ang dapat nating gawin kapag pinahihirapan tayo ng “mga nakababalisang kaisipan” dahil sa nagawa nating malubhang kasalanan?
3 Para sagutin ang ating panalangin, kailangang mapagpakumbaba tayong lumapit sa Diyos. (Awit 138:6) Dapat nating hilingin kay Jehova na suriin tayo, gaya ng ginawa ni David nang sabihin niya: “Siyasatin mo ako, O Diyos, at kilalanin mo ang aking puso. Suriin mo ako, at alamin mo ang aking mga nakababalisang kaisipan, at tingnan mo kung sa akin ay may anumang nakasasakit na lakad, at patnubayan mo ako sa daan ng panahong walang takda.” (Awit 139:23, 24) Bukod sa pananalangin, hayaan din nating suriin tayo ni Jehova at sundin natin ang payo ng kaniyang Salita. Kaya niya tayong akayin sa “daan ng panahong walang takda,” anupat tinutulungan tayong maging karapat-dapat sa buhay na walang hanggan.
4 Paano kung pinahihirapan tayo ng “mga nakababalisang kaisipan” dahil sa nagawa nating malubhang kasalanan? (Basahin ang Awit 32:1-5.) Kung pilit mong nilalabanan ang pang-uusig ng iyong budhi, manghihina kang gaya ng punungkahoy na natutuyot dahil sa matinding init ng tag-araw. Dahil sa kasalanan ni David, lungkot na lungkot siya at baka nagkasakit pa nga. Pero nang ipagtapat niya ito sa Diyos, para siyang nabunutan ng tinik! Tiyak na tuwang-tuwa si David nang ‘pagpaumanhinan ang kaniyang pagsalansang’ at patawarin siya ni Jehova. Magiginhawahan ang isa kung ipagtatapat niya sa Diyos ang kaniyang kasalanan, at makakatulong din ang mga elder para muli siyang lumakas sa espirituwal.—Kaw. 28:13; Sant. 5:13-16.
Magsumamo at Magpasalamat sa Diyos
5. Ano ang ibig sabihin ng pagsusumamo kay Jehova?
5 Anuman ang ating ikinababalisa, dapat nating sundin ang payo ni Pablo: “Huwag kayong mabalisa sa anumang bagay, kundi sa lahat ng bagay sa pamamagitan ng panalangin at pagsusumamo na may kasamang pasasalamat ay ipaalam ang inyong mga pakiusap sa Diyos.” (Fil. 4:6) Ang “pagsusumamo” ay nangangahulugang “mapagpakumbabang pakikiusap.” Dapat tayong magsumamo kay Jehova na tulungan tayo at patnubayan lalo na kapag may panganib o pag-uusig.
6, 7. Bakit dapat samahan ng pasasalamat ang ating panalangin?
6 Pero kung nananalangin lamang tayo dahil may kailangan tayo, ano ang isinisiwalat nito 1 Cro. 29:11-13.
tungkol sa ating motibo? Sinabi ni Pablo na dapat nating ipaalam ang ating mga pakiusap sa Diyos “na may kasamang pasasalamat.” Nararapat lamang na magpasalamat tayo gaya ni David, na nagsabi: “Sa iyo, O Jehova, ang kadakilaan at ang kalakasan at ang kagandahan at ang kagalingan at ang dangal; sapagkat ang lahat ng bagay sa langit at sa lupa ay sa iyo. Sa iyo ang kaharian, O Jehova, ang Isa rin na nagtataas ng iyong sarili bilang ulo ng lahat. . . . O aming Diyos, nagpapasalamat kami sa iyo at pinupuri namin ang iyong magandang pangalan.”—7 Nagpasalamat si Jesus sa Diyos para sa pagkain at sa tinapay at alak na ginamit sa Hapunan ng Panginoon. (Mat. 15:36; Mar. 14:22, 23) Bukod sa ganitong pasasalamat, dapat din nating ‘pasalamatan si Jehova dahil sa kaniyang mga kamangha-manghang gawa sa mga anak ng mga tao,’ sa kaniyang “matuwid na mga hudisyal na pasiya,” at sa kaniyang salita na mababasa ngayon sa Bibliya.—Awit 107:15; 119:62, 105.
Ipanalangin ang Iba
8, 9. Bakit dapat nating ipanalangin ang ating mga kapatid?
8 Tiyak na nananalangin tayo para sa ating sarili, pero dapat din nating ipanalangin ang iba—kahit ang mga Kristiyanong hindi natin kilala. Bagaman hindi lahat ng kapatid sa Colosas ay kilala ni apostol Pablo, isinulat niya: “Pinasasalamatan naming lagi ang Diyos na Ama ng ating Panginoong Jesu-Kristo kapag nananalangin kami para sa inyo, yamang narinig namin ang tungkol sa inyong pananampalataya may kaugnayan kay Kristo Jesus at sa pag-ibig na taglay ninyo para sa lahat ng mga banal.” (Col. 1:3, 4) Ipinanalangin din ni Pablo ang mga Kristiyano sa Tesalonica. (2 Tes. 1:11, 12) Ang gayong panalangin ay maraming isinisiwalat tungkol sa atin at sa nadarama natin sa ating mga kapatid.
9 Kapag ipinapanalangin natin ang pinahirang mga Kristiyano at ang kasama nilang “ibang mga tupa,” ipinakikita nating mahalaga sa atin ang organisasyon ng Diyos. (Juan 10:16) Hiniling ni Pablo sa mga kapatid na ipanalangin nilang ‘ang kakayahang magsalita ay maibigay sa kaniya upang ipahayag ang sagradong lihim ng mabuting balita.’ (Efe. 6:17-20) Ganito rin ba ang ipinapanalangin natin para sa ating mga kapatid?
10. Ano ang maaaring maging epekto sa atin kapag ipinapanalangin natin ang iba?
10 Maaaring mabago ang saloobin natin sa iba kapag ipinapanalangin natin sila. Kung naiinis tayo sa isang tao pero ipinapanalangin natin siya, paano natin magagawang magalit sa taong iyon? (1 Juan 4:20, 21) Ang ganitong panalangin ay nakapagpapatibay at nakatutulong para makasundo natin ang mga kapatid. Ipinakikita rin nito na mayroon tayong tulad-Kristong pag-ibig. (Juan 13:34, 35) Ang katangiang iyan ay isa sa mga bunga ng espiritu ng Diyos. Hinihiling ba natin kay Jehova na bigyan tayo ng banal na espiritu at maipakita natin ang mga bunga nito na pag-ibig, kagalakan, kapayapaan, mahabang pagtitiis, kabaitan, kabutihan, pananampalataya, kahinahunan, at pagpipigil sa sarili? (Luc. 11:13; Gal. 5:22, 23) Kung oo, makikita sa ating salita at gawa na lumalakad tayo at namumuhay ayon sa espiritu.—Basahin ang Galacia 5:16, 25.
11. Bakit masasabing angkop na hilingin sa iba na ipanalangin tayo?
2 Cor. 13:7) Ang gayong mapagpakumbabang panalangin ay nakalulugod kay Jehova dahil katibayan ito ng ating magandang katangian. (Basahin ang Kawikaan 15:8.) Puwede rin nating hilingin sa iba na ipanalangin tayo, gaya ng ginawa ni apostol Pablo. Isinulat niya: “Magpatuloy kayo sa pananalangin para sa amin, sapagkat nagtitiwala kami na kami ay may matapat na budhi, yamang nais naming gumawi nang matapat sa lahat ng bagay.”—Heb. 13:18.
11 Kapag nalaman nating hinihikayat ang ating mga anak na mandaya sa exam, dapat natin silang ipanalangin at payuhan mula sa Bibliya para maging tapat sila at huwag gumawa ng masama. Sinabi ni Pablo sa mga Kristiyano sa Corinto: “Nananalangin kami sa Diyos na huwag kayong makagawa ng anumang kamalian.” (May Iba Pang Isinisiwalat ang Ating Panalangin
12. Anu-ano ang dapat na maging pangunahin sa ating panalangin?
12 Nakikita ba sa ating panalangin na tayo ay maligaya at masigasig na mga Saksi ni Jehova? Ang atin bang pagsusumamo ay nakatuon sa pagsunod sa kalooban ng Diyos, pangangaral ng mensahe ng Kaharian, pagbabangong-puri sa soberanya ni Jehova, at pagpapabanal sa kaniyang pangalan? Ang mga ito ang dapat na maging pangunahin sa ating panalangin, gaya ng ipinakikita ng modelong panalangin ni Jesus, na ganito ang pasimula: “Ama namin na nasa langit, pakabanalin nawa ang iyong pangalan. Dumating nawa ang iyong kaharian. Mangyari nawa ang iyong kalooban, kung paano sa langit, gayundin sa lupa.”—Mat. 6:9, 10.
13, 14. Ano ang isinisiwalat tungkol sa atin ng ating panalangin?
13 Isinisiwalat ng ating panalangin sa Diyos ang ating motibo, interes, at hangarin. Kilalang-kilala tayo ni Jehova. Sinasabi sa Kawikaan 17:3: “Ang dalisayang kaldero ay para sa pilak at ang hurno ay para sa ginto, ngunit si Jehova ang tagasuri ng mga puso.” Alam ng Diyos ang laman ng ating puso. (1 Sam. 16:7) Alam niya kung ano ang nadarama natin sa ating mga kapatid, sa mga pulong, at sa ministeryo. Alam ni Jehova kung ano ang saloobin natin sa “mga kapatid” ni Kristo. (Mat. 25:40) Alam niya kung talaga ngang galing sa puso ang panalangin natin o kung nag-uulit lang tayo ng mga salita. Sinabi ni Jesus: “Kapag nananalangin, huwag ninyong sabihin ang gayunding mga bagay nang paulit-ulit, gaya ng ginagawa ng mga tao ng mga bansa, sapagkat inaakala nila na pakikinggan sila dahil sa kanilang paggamit ng maraming salita.”—Mat. 6:7.
14 Isinisiwalat din ng ating panalangin kung gaano kalaki ang tiwala natin sa Diyos. Sinabi ni David: “Ikaw [Jehova] ay naging isang kanlungan para sa akin, isang matibay na tore sa harap ng kaaway. Ako ay magiging panauhin sa iyong tolda hanggang sa mga panahong walang takda; manganganlong ako sa kublihan ng iyong mga pakpak.” (Awit 61:3, 4) Kapag ‘inilulukob sa atin ng Diyos ang kaniyang tolda,’ wika nga, nagiging panatag tayo. (Apoc. 7:15) Nakagiginhawa ngang lumapit kay Jehova taglay ang pananalig na ‘nasa panig natin’ siya anumang pagsubok ang dumating!—Basahin ang Awit 118:5-9.
15, 16. Paano makakatulong ang panalangin kapag may gusto tayong abuting pribilehiyo?
15 Makakatulong ang taimtim na panalangin para masuri kung ano talaga ang motibo natin. Halimbawa, ang hangarin ba nating maging tagapangasiwa sa bayan ng Diyos ay talagang para makatulong sa ating mga kapatid at lubusang makasuporta sa gawaing pang-Kaharian? O baka gusto lang nating magkaroon ng “unang dako” o ‘mamanginoon’ pa nga sa iba? Hindi 3 Juan 9, 10; Lucas 22:24-27.) Kung taimtim tayong nananalangin sa Diyos na Jehova, makikita natin kung mayroon tayong maling mga motibo at matutulungan tayong alisin ang mga ito bago pa man mag-ugat.
ito dapat mangyari sa bayan ni Jehova. (Basahin ang16 Maaaring gustung-gusto ng mga sister na ang kanilang asawa ay maging ministeryal na lingkod o elder. Puwede nila itong ipanalangin kasabay ng pagsisikap na maging huwaran sa kongregasyon. Mahalaga ito dahil ang pananalita at paggawi ng pamilya ng asawang lalaki ay makakaapekto sa reputasyon niya sa kongregasyon.
Pangunguna sa Pangmadlang Panalangin
17. Bakit magandang sa tahimik na lugar tayo manalanging mag-isa?
17 Madalas na humihiwalay si Jesus sa mga tao para manalanging mag-isa sa kaniyang Ama. (Mat. 14:13; Luc. 5:16; 6:12) Kailangan din nating gawin ito. Kung mananalangin tayong mag-isa sa tahimik na lugar, malamang na makagawa tayo ng mga pasiya na makalulugod kay Jehova at magpapatibay ng ating kaugnayan sa kaniya. Pero nanalangin din si Jesus sa harap ng mga tao, at makabubuting isaalang-alang natin kung paano ito gagawin sa tamang paraan.
18. Ano ang ilang punto na dapat tandaan ng mga brother kapag nangunguna sa panalangin sa kongregasyon?
18 Sa ating mga pulong sa kongregasyon, may tapat na mga lalaking nangunguna sa panalangin. (1 Tim. 2:8) Ang ating mga kapatid ay dapat magsabi ng “amen,” na nangangahulugang “mangyari nawa,” sa katapusan ng gayong panalangin. Pero para magawa ito, dapat na sang-ayon sila sa mga binanggit sa panalangin. Sa modelong panalangin ni Jesus, wala siyang sinabi na nakagugulat o nakasasakit ng damdamin. (Luc. 11:2-4) Hindi rin niya inisa-isa ang lahat ng pangangailangan o problema ng bawat isa sa kaniyang mga tagapakinig. Ang personal na mga álalahanín ay para lamang sa pribadong panalangin, hindi pangmadla. At kapag nangunguna sa panalangin, hindi tayo dapat bumanggit ng kompidensiyal na mga bagay.
19. Paano tayo dapat gumawi sa panahon ng pangmadlang panalangin?
19 Kapag may kumakatawan sa atin sa panalangin, dapat tayong magpakita ng mapagpitagang ‘takot sa Diyos.’ (1 Ped. 2:17) May mga bagay na maaaring angkop gawin sa ibang panahon o lugar, pero hindi sa Kristiyanong pagpupulong. (Ecles. 3:1) Halimbawa, baka may humiling na magkapit-bisig o maghawak-kamay ang mga dumalo habang nananalangin. Maaaring maasiwa rito ang ilan, kasali na ang mga panauhing di-Saksi. Puwede namang maghawak-kamay ang mga mag-asawa nang di-gaanong napapansin ng iba, pero kung magkayakap sila sa panahon ng panalangin, baka matisod ang mga makakakita nito. Baka isipin nilang mas importante pa sa mag-asawang ito ang kanilang pagmamahalan kaysa sa pagpipitagan kay Jehova. Para maipakita ang matinding paggalang sa Kaniya, ‘gawin natin ang lahat ng bagay sa ikaluluwalhati ng Diyos’ at iwasan ang paggawing makakaasiwa, makakagulat, o makakatisod sa iba.—1 Cor. 10:31, 32; 2 Cor. 6:3.
Ano ang Dapat Ipanalangin?
20. Paano mo ipaliliwanag ang Roma 8:26, 27?
20 May mga pagkakataong hindi natin alam kung ano ang ating sasabihin kapag nananalanging mag-isa. Isinulat ni Pablo: “Ang suliranin ng kung ano ang dapat nating ipanalangin ayon sa ating pangangailangan ay hindi natin alam, ngunit ang [banal na] espiritu mismo ang nakikiusap para sa atin na may mga daing na di-mabigkas. Gayunma’y siya [ang Diyos] na sumasaliksik sa mga puso ay nakaaalam kung ano ang pakahulugan ng espiritu.” (Roma 8:26, 27) Maraming panalangin ang ipinasulat ni Jehova sa Bibliya. Tinatanggap niya ang kinasihang mga panalanging ito bilang mga kahilingang gusto sana nating ipakiusap sa kaniya at sa gayo’y sinasagot ang mga ito. Kilala tayo ng Diyos at alam niya ang kahulugan ng mga ipinasulat niya sa Bibliya sa pamamagitan ng kaniyang espiritu. Sinasagot ni Jehova ang ating mga pagsusumamo kapag “nakikiusap,” o namamagitan, ang espiritu para sa atin. Pero habang nagiging pamilyar tayo sa Salita ng Diyos, mas madali na nating maiisip ang dapat nating ipanalangin.
21. Ano ang susuriin natin sa susunod na artikulo?
21 Natutuhan natin na maraming isinisiwalat tungkol sa atin ang ating panalangin. Halimbawa, maaaring isiwalat nito kung gaano tayo kalapít kay Jehova at kung gaano tayo kapamilyar sa kaniyang Salita. (Sant. 4:8) Sa susunod na artikulo, susuriin natin ang ilang panalanging nakaulat sa Bibliya. Ano kaya ang malamang na maging epekto nito sa ating panalangin?
Paano Mo Sasagutin?
• Ano ang dapat na maging saloobin natin kapag nananalangin kay Jehova?
• Bakit dapat nating ipanalangin ang ating mga kapatid?
• Ano ang maaaring isiwalat ng ating panalangin tungkol sa atin at sa ating mga motibo?
• Paano tayo dapat gumawi sa panahon ng pangmadlang panalangin?
[Mga Tanong sa Aralin]
[Larawan sa pahina 4]
Lagi mo bang pinupuri at pinasasalamatan si Jehova?
[Larawan sa pahina 6]
Dapat na laging makita sa ating paggawi sa panahon ng pangmadlang panalangin ang ating paggalang kay Jehova