Maaari Ka Bang Tumawid sa Macedonia?
Maaari Ka Bang Tumawid sa Macedonia?
SA DAUNGANG lunsod ng Troas sa Asia Minor, tumanggap ng pangitain si apostol Pablo. Nakiusap sa kaniya ang isang lalaking taga-Macedonia: “Tumawid ka sa Macedonia at tulungan mo kami.” Pagkakita sa pangitain, ‘ipinalagay ni Pablo at ng kaniyang mga kasama na tinawag sila ng Diyos upang ipahayag ang mabuting balita’ sa mga taga-Macedonia. Ang resulta? Sa Filipos, na unang lunsod sa Macedonia, naging mananampalataya si Lydia at ang kaniyang sambahayan. May iba pang naging mananampalataya sa Romanong lalawigan ng Macedonia.—Gawa 16:9-15.
Gayon din kasigasig ang mga Saksi ni Jehova sa ngayon. Marami ang handang lumipat sa mga lugar kung saan mas malaki ang pangangailangan, kahit sarili pa nilang gastos. Halimbawa, gustong unahin ni Lisa ang ministeryo. Kaya mula sa Canada, lumipat siya sa Kenya. Sina Trevor at Emily, na mga taga-Canada rin, ay lumipat naman sa Malawi para mapalawak ang kanilang ministeryo. Nang magretiro sina Paul at Maggie, na taga-Inglatera, naisip nilang magandang pagkakataon ito para higit pang makapaglingkod kay Jehova kung kaya lumipat sila sa Silangang Aprika. Mapagsakripisyo ka ba? Puwede ka bang lumipat sa ibang bansa? Kung oo, ano kayang mga simulain sa Bibliya at praktikal na mga mungkahi ang makakatulong sa iyo?
Suriin ang Sarili
Kailangan mong suriin kung ano ang iyong motibo. Ang pinakadakilang utos, ayon kay Jesus, ay: “Iibigin mo si Jehova na iyong Diyos Mat. 22:36-39; 28:19, 20) Karaniwan nang mahirap maglingkod sa ibang bansa at kailangan dito ang pagsasakripisyo. Hindi ito para magpasarap lang. Ito’y ginagawa udyok ng pag-ibig. Sinabi nina Remco at Suzanne, mga taga-Netherlands na naglilingkod ngayon sa Namibia, “Nananatili kami rito dahil sa pag-ibig.”
nang iyong buong puso at nang iyong buong kaluluwa at nang iyong buong pag-iisip.” Kaya ang paglilingkod sa ibang bansa ay dapat na udyok ng pag-ibig sa Diyos at ng pagnanais na tuparin ang atas na gumawa ng mga alagad. Sinabi pa ni Jesus: “Ang ikalawa, na tulad niyaon, ay ito, ‘Iibigin mo ang iyong kapuwa gaya ng iyong sarili.’” Kapag taimtim ang pagnanais nating makatulong, naipakikita natin ang pag-ibig sa kapuwa. (Sinabi ni Willie, tagapangasiwa ng sirkito sa Namibia: “Ang mga tumagal sa paglilingkod sa ibang bansa ay ang mga hindi umasa na aalagaan sila ng mga kapatid sa lugar na iyon. Nagpunta sila roon para maglingkod kasama ng mga kapatid at tumulong sa pangangaral.”
Matapos suriin ang iyong motibo, tanungin ang sarili: ‘May karanasan ba ako na magagamit sa paglilingkod sa ibang bansa? Mabisa ba akong ministro? Anu-anong wika ang alam ko? Handa ba akong mag-aral ng ibang wika?’ Ipakipag-usap ito sa iyong pamilya at sa mga elder sa kongregasyon. Ipanalangin din ito kay Jehova. Sa tulong ng gayong tapat na pagsusuri sa sarili, maaari mong malaman kung talaga ngang kaya mong maglingkod sa ibang bansa at kung determinado kang gawin ito.—Tingnan ang kahong “Kilalanin ang Sarili.”
Saan Ka Maglilingkod?
Sa pangitain, pinapupunta si Pablo sa Macedonia. Sa ngayon, hindi na gumagamit si Jehova ng makahimalang paraan para tagubilinan tayo. Pero sa tulong ng magasing ito at ng iba pang publikasyon, nalalaman ng bayan ng Diyos kung saan may mas malaking pangangailangan. Kaya ilista mo ang mga lugar na iyon. Kung hindi ka pa handang mag-aral ng ibang wika o kung hindi ka naman mamamalagi sa ibang bansa, bakit hindi ka maglingkod sa lugar na alam mo na ang wika? Magtanung-tanong din tungkol sa visa, transportasyon, seguridad, ekonomiya, at klima. Makakatulong kung makikipag-usap ka sa mga lumipat na sa ibang bansa. Ipanalangin ang mga bagay na ito. Tandaan na si Pablo at ang kaniyang mga kasama ay ‘pinagbawalan ng banal na espiritu na salitain ang salita sa distrito ng Asia.’ Bagaman sinikap nilang magpunta sa Bitinia, “hindi sila pinahintulutan ng espiritu ni Jesus.” Sa katulad na paraan, baka kailangan ang panahon para malaman kung saan ka talaga makakatulong.—Gawa 16:6-10.
Baka may naiisip ka nang ilang bansang mapagpipilian. Gumawa ng liham para sa tanggapang pansangay ng mga bansang iyon. Banggitin ang mga pribilehiyo mo noon at ngayon pati na ang mga gusto mong itanong tungkol sa ekonomiya, tirahan, pagamutan, at trabaho sa mga bansang iyon. Pagkatapos, ibigay ang liham o mga liham sa komite sa paglilingkod ng inyong kongregasyon. Ipadadala nila ito sa mga tanggapang pansangay na napili mo kasama ang kanilang liham ng rekomendasyon. Malalaman mo sa sagot ng mga sangay na ito kung saang bansa ka mas makakatulong.
Sinabi ni Willie, na nabanggit kanina: “Ang mga nagtagumpay sa paglilingkod sa ibang bansa ay karaniwan nang pumunta muna sa bansang napili nila para makita kung talagang magugustuhan nila ang lugar na iyon. Napag-isip-isip ng isang mag-asawa na mahihirapan silang mamuhay sa liblib na lugar. Kaya pinili nila ang isang maliit na bayan na malaki ang pangangailangan pero makakapamuhay pa rin sila nang masaya.”
Pagharap sa Bagong mga Hamon
Tiyak na isang hamon na iwan ang nakasanayan mong lugar. “Napakahirap labanan ang lungkot,” ang sabi ni Lisa, na nabanggit kanina. Ano ang nakatulong sa kaniya? Nanatili siyang malapít sa mga kapatid sa bago niyang kongregasyon. Ginawa niyang tunguhin na alamin ang pangalan nilang lahat. Kaya maaga siyang dumarating sa pulong at hindi agad umuuwi para makausap sila. Sumama siya sa kanila sa paglilingkod at nag-anyaya sa kaniyang bahay, kaya nagkaroon siya ng bagong mga kaibigan. Sinabi niya: “Sulit ang pagsasakripisyo
ko. Talagang pinagpala ako ni Jehova.”Matapos magretiro, nagpasiya sina Paul at Maggie na iwan ang kanilang tahanan na 30 taon na nilang tinitirhan. Sinabi ni Paul: “Madali lang palang magdispatsa ng mga gamit. Ang mahirap ay ang iwan ang pamilya. Hindi namin akalaing ganoon kahirap ’yon. Iyak kami nang iyak sa eroplano. Parang gusto na naming bumalik. Pero nagtiwala kami kay Jehova. Lalong tumibay ang aming determinasyon dahil sa bago naming mga kaibigan.”
Ipinasiya nina Greg at Crystal, mga taga-Canada, na sa Namibia lumipat dahil Ingles ang opisyal na wika roon. Pero nang bandang huli, napag-isip-isip nilang maganda ring matuto ng lokal na wika. “May mga panahong nasisiraan kami ng loob. Pero nang matuto kami ng lokal na wika, naunawaan na namin ang kultura nila. Nakatulong ang pakikisama sa mga kapatid para masanay kami sa bagong kapaligiran.”
May positibong epekto rin sa mga kapatid ang gayong pagpapakumbaba at pagkukusa. Naaalala pa ni Jenny ang mga pamilyang lumipat sa Ireland, kung saan siya lumaki. “Sila pa itong mapagpatuloy sa amin,” ang sabi niya. “Talagang lumipat sila para maglingkod, hindi para paglingkuran. Napakasigasig nila at napakasaya kung kaya gusto ko rin itong subukan.” Si Jenny, kasama ng kaniyang asawa, ay naglilingkod ngayon bilang misyonera sa Gambia.
“Nagpapayaman” ang Pagpapala ni Jehova
Napakaganda ng naging karanasan ni Pablo sa Macedonia! Makalipas ang mga sampung taon, sumulat siya sa mga kapatid sa Filipos: “Ako ay laging nagpapasalamat sa aking Diyos sa tuwing maaalaala kayo.”—Fil. 1:3.
Ganiyan din ang nadarama nina Trevor at Emily, na naglingkod sa Malawi bago maanyayahan sa Watchtower Bible School of Gilead. “Kung minsan, iniisip namin kung tama ba ang naging desisyon namin, pero masaya naman kami. Naging mas malapít kami sa isa’t isa at pinagpapala kami ni Jehova.” Sinabi naman nina Greg at Crystal, na nabanggit kanina, “Wala nang hihigit pa sa gawaing ito.”
Siyempre pa, hindi lahat ay makapaglilingkod sa ibang bansa. Baka mas makakatulong ang ilan kung lilipat sila sa isang lugar na mas malaki ang pangangailangan doon mismo sa kanilang bansa. Puwede rin namang gawing tunguhin ng iba na maglingkod sa ibang kongregasyon na malapit sa kanila. Basta ang importante, ginagawa mo ang iyong buong makakaya sa paglilingkod kay Jehova. (Col. 3:23) Sa gayon, magkakatotoo sa iyo ang kinasihang mga salitang ito: “Ang pagpapala ni Jehova—iyon ang nagpapayaman, at hindi niya iyon dinaragdagan ng kirot.”—Kaw. 10:22.
[Kahon/Larawan sa pahina 5]
Kilalanin ang Sarili
Para malaman kung puwede kang maglingkod sa ibang bansa, isaalang-alang ang sumusunod na mga tanong at tapatang suriin ang iyong kalagayan sa tulong ng panalangin. Makakatulong sa iyo ang nakaraang mga isyu ng Ang Bantayan.
• Ako ba’y isang taong espirituwal?—“Mga Hakbang Tungo sa Kaligayahan” (Oktubre 15, 1997, pahina 6)
• Ako ba’y mabisang ministro?—“Kung Paano Magtatagumpay sa Ministeryo ng Pagpapayunir” (Mayo 15, 1989, pahina 21)
• Kaya ko bang mapalayo sa aking pamilya at mga kaibigan?—“Pakikipagpunyagi sa Pananabik na Umuwi Kapag Naglilingkod sa Diyos” (Mayo 15, 1994, pahina 28)
• Kaya ko bang matuto ng ibang wika?—“Paglilingkod Kasama ng Kongregasyon na Banyaga ang Wika” (Marso 15, 2006, pahina 17)
• Kaya ko bang tustusan ang sarili ko?—“Makapaglilingkod Ka ba sa Isang Banyagang Lupain?” (Oktubre 15, 1999, pahina 23)
[Larawan sa pahina 6]
May positibong epekto sa mga kapatid ang pagpapakumbaba at pagkukusa
[Larawan sa pahina 7]
Ang mga lumilipat para maglingkod ang siyang nagtatagumpay