Manatili sa Pagsang-ayon ng Diyos sa Kabila ng mga Pagbabago
Manatili sa Pagsang-ayon ng Diyos sa Kabila ng mga Pagbabago
MAYROON bang mga pagbabago sa buhay mo? Nahihirapan ka bang tanggapin ang mga iyon? Marami sa atin ang napaharap na o mapapaharap pa lang sa ganiyang sitwasyon. Mula sa ilang tauhan sa Bibliya noon, malalaman natin kung anong mga katangian ang makakatulong sa atin.
Ang isang halimbawa ay si David. Maraming naging pagbabago sa buhay niya. Isa lamang siyang batang pastol nang hirangin siya ni Samuel para maging hari. Bata pa lang din siya nang magprisintang lumaban sa higanteng Filisteo na si Goliat. (1 Sam. 17:26-32, 42) Pinatira si David sa palasyo ni Haring Saul at inatasang maging pinuno ng hukbo. Hindi man lang sumagi sa isip ni David na mangyayari sa kaniya ang mga pagbabagong ito; at hindi rin niya alam ang susunod na mangyayari.
Pinag-initan ni Saul si David. (1 Sam. 18:8, 9; 19:9, 10) Para iligtas ang kaniyang buhay, kinailangan ni David na mamuhay bilang takas sa loob ng maraming taon. Kahit noong hari na siya sa Israel, nakaranas pa rin siya ng malalaking pagbabago, lalo na nang mangalunya siya, at pumatay para mapagtakpan ang kasalanang iyon. Bunga nito, patung-patong ang kapahamakang dinanas ng kaniyang pamilya. Kasali na rito ang pagrerebelde ng anak niyang si Absalom. (2 Sam. 12:10-12; 15:1-14) Pero nang pagsisihan ni David ang nagawa niyang pangangalunya at pagpatay, pinatawad naman siya at muling sinang-ayunan ni Jehova.
Baka magbago rin ang kalagayan mo. Ang pagkakasakit, kahirapan, o problema sa pamilya—maging ang sarili nating mga desisyon—ay nagpapabago sa ating buhay. Ano kayang mga katangian ang tutulong sa atin na maharap ang gayong mga hamon?
Makakatulong ang Kapakumbabaan
Kasama sa kapakumbabaan ang pagiging mapagpasakop. Tinutulungan tayo ng tunay na kapakumbabaan na makilala ang ating sarili, gayundin ang iba. Kung hindi natin ipagwawalang-bahala ang mga katangian at mga nagagawa ng iba, lalo nating mapahahalagahan kung sino sila at kung ano ang nagagawa nila. Sa katulad na paraan, makakatulong ang kapakumbabaan para maunawaan kung bakit nangyari sa atin ang isang bagay at para malaman kung paano ito haharapin.
1 Sam. 15:28; 16:1, 12, 13) Si David ang pinili ng Diyos na maging hari ng Israel. Sa paanuman, may epekto kay Jonatan ang pagsuway ni Saul. Kahit wala siyang kinalaman sa mga ginawa ng kaniyang ama, hindi pa rin siya ang magmamana ng trono. (1 Sam. 20:30, 31) Ano ang naging reaksiyon ni Jonatan? Nagtanim ba siya ng galit at nainggit kay David? Hindi. Bagaman mas matanda siya at mas makaranasan, tapat pa rin niyang sinuportahan si David. (1 Sam. 23:16-18) Natulungan siya ng kapakumbabaan na maunawaan kung sino ang pinili ng Diyos, at ‘hindi siya nag-isip nang higit tungkol sa kaniyang sarili kaysa sa nararapat isipin.’ (Roma 12:3) Naunawaan ni Jonatan kung ano ang inaasahan sa kaniya ni Jehova at tinanggap ang Kaniyang pasiya sa bagay na ito.
Isang magandang halimbawa si Jonatan na anak ni Saul. Nagbago ang kalagayan niya dahil sa mga pangyayaring hindi niya kontrolado. Nang sabihin ni Samuel kay Saul na aalisin ni Jehova sa kaniya ang pagiging hari, hindi nito sinabi na si Jonatan ang ipapalit sa kaniya. (Siyempre pa, marami sa mga pagbabago ang hindi madaling harapin. May panahon na kailangang manimbang si Jonatan sa pagitan ng dalawang taong malapít sa kaniya—si David, ang kaniyang kaibigang itinalaga ni Jehova na maging hari, at si Saul, ang kaniyang amang itinakwil na ni Jehova pero nakaluklok pa rin bilang hari. Tiyak na napakahirap ng sitwasyong ito para kay Jonatan habang sinisikap niyang manatili sa pagsang-ayon ni Jehova. Ang mga pagbabagong nararanasan natin ay baka magdulot din ng kabalisahan at takot. Pero kung sisikapin nating maunawaan ang pangmalas ni Jehova, makapaglilingkod pa rin tayo nang tapat sa kabila ng mga pagbabago.
Mahalaga ang Kahinhinan
Ang kahinhinan ay ang pagkilala sa sariling mga limitasyon. Iba ito sa kapakumbabaan. Ang isang tao ay puwedeng maging mapagpakumbaba pero baka hindi naman niya lubusang alam ang kaniyang mga limitasyon.
Isang magandang halimbawa si David pagdating sa kahinhinan. Bagaman pinili siya ni Jehova na maging hari, lumipas pa ang maraming taon bago nailuklok si David. Wala tayong mababasa sa Bibliya na ipinaliwanag sa kaniya ni Jehova ang dahilan ng pagkaantala. Pero kahit waring nakakainip nga, hindi niya ito naging problema. Alam niya ang kaniyang mga limitasyon, at nauunawaan niyang kontrolado ni Jehova ang sitwasyon. Kaya kahit pinagbabantaan ni Saul ang kaniyang buhay, hindi pa rin maatim ni David na patayin ang hari, at pinigilan pa nga niya ang kaniyang kasamang si Abisai na gawin ito.—1 Sam. 26:6-9.
Kung minsan, baka may sitwasyon sa ating kongregasyon na hindi natin nauunawaan o baka sa tingin natin ay hindi naaasikaso sa pinakamahusay o pinakaorganisadong paraan. May-kahinhinan ba nating kikilalanin na si Jesus ang Ulo ng kongregasyon at na ginagamit niya ang lupon ng matatanda na inatasang manguna? Magpapakita ba tayo ng kahinhinan anupat kinikilalang para manatili sa pagsang-ayon ni Jehova, kailangang hintayin natin ang kaniyang pangunguna sa pamamagitan ni Kaw. 11:2.
Jesu-Kristo? May-kahinhinan ba tayong maghihintay kahit na hindi ito madaling gawin?—Tinutulungan Tayo ng Kaamuan na Maging Positibo
Ang kaamuan ay ang pagkakaroon ng mahinahong kalooban. Tinutulungan tayo nito na mabata ang masamang ginawa sa atin nang hindi naiinis, hindi naghihinanakit, o hindi nag-iisip na gumanti. Mahirap linangin ang kaamuan. Kapansin-pansin, sa isang teksto sa Bibliya, pinapayuhan ang “maaamo sa lupa” na ‘hanapin ang kaamuan.’ (Zef. 2:3) Ang kaamuan ay kaugnay ng kapakumbabaan at kahinhinan, pero saklaw din nito ang iba pang katangiang gaya ng kabutihan at kahinahunan. Ang isang taong maamo ay tumatanggap ng pagsasanay at tagubilin, kaya susulong siya sa espirituwal.
Paano makakatulong ang kaamuan para maharap ang mga pagbabago sa buhay? Napapansin mo siguro na maraming tao ang ayaw ng pagbabago. Pero ang totoo, baka maging daan ito para sa higit pang pagsasanay mula kay Jehova. Makikita ito sa naging buhay ni Moises.
Sa edad na 40, marami nang magagandang katangian si Moises. Alam na alam niya ang pangangailangan ng bayan ng Diyos at nagpakita siya ng pagsasakripisyo. (Heb. 11:24-26) Pero bago siya atasan ni Jehova na ilabas ang Israel mula sa Ehipto, kailangan munang harapin ni Moises ang mga pagbabagong maglilinang ng kaniyang kaamuan. Kinailangan niyang tumakas mula sa Ehipto at tumira sa lupain ng Midian nang 40 taon bilang isang hamak na pastol. Ang resulta? Naging mas mabuti siyang tao dahil sa pagbabagong ito. (Bil. 12:3) Natutuhan niyang unahin ang kalooban ni Jehova bago ang kaniyang sarili.
Bilang halimbawa ng kaamuan ni Moises, tingnan natin ang nangyari nang sabihin ni Jehova na itatakwil Niya ang masuwaying bansa at gagawing makapangyarihang bansa ang mga inapo ni Moises. (Bil. 14:11-20) Namagitan si Moises para sa bansa. Mapapansin sa mga sinabi niya na ang mahalaga sa kaniya ay ang reputasyon ng Diyos at ang kapakanan ng kaniyang mga kapatid, hindi ang sarili niyang kapakanan. Bilang lider at tagapamagitan ng bansang Israel, kailangan niyang maging maamo. Nagbulung-bulungan sina Miriam at Aaron laban sa kaniya, pero sinasabi ng Bibliya na si Moises ay ‘totoong pinakamaamo sa lahat ng tao.’ (Bil. 12:1-3, 9-15) Lumilitaw na may-kaamuang tiniis ni Moises ang pang-iinsulto nila. Ano kaya ang nangyari kung hindi naging maamo si Moises?
Minsan, may ilang lalaking napuspos ng espiritu ni Jehova kung kaya nakapanghula sila. Sa tingin ni Josue na tagapaglingkod ni Moises, hindi tama ang ginagawa ng mga Israelitang ito. Pero dahil maamo si Moises, tiningnan niya ang mga bagay-bagay ayon sa pangmalas ni Jehova at hindi nabahalang baka mawalan siya ng awtoridad. (Bil. 11:26-29) Kung hindi maamo si Moises, matatanggap kaya niya ang pagbabagong ito sa kaayusan ni Jehova?
Dahil sa kaamuan ni Moises, nagampanan niyang mabuti ang papel at malaking awtoridad na ibinigay sa kaniya ng Diyos. Pinaakyat siya ni Jehova sa Bundok Horeb bilang kinatawan ng bayan. Nakipag-usap ang Diyos kay Moises sa pamamagitan ng isang anghel at inatasan siyang maging tagapamagitan ng tipan. Dahil sa kaniyang kaamuan, nakapanatili pa rin siya sa pagsang-ayon ng Diyos matapos tanggapin ang malaking pagbabagong ito sa awtoridad.
Kumusta naman tayo? Napakahalaga ng kaamuan sa ating pagsulong. Ang lahat ng pinagkatiwalaan ng mga pribilehiyo at awtoridad sa bayan ng Diyos ay dapat na maging maamo. Sa gayon, hindi tayo magiging mapagmataas kapag may mga pagbabago at mahaharap natin ang iba’t ibang sitwasyon nang may tamang saloobin. Mahalaga ang magiging reaksiyon natin. Tatanggapin ba natin ang pagbabago? Ituturing ba natin ito bilang pagkakataon para sumulong? Baka magandang pagkakataon na ito para malinang ang kaamuan!
Marami pa tayong haharaping pagbabago sa buhay. Kung minsan, hindi madaling maintindihan kung bakit nangyayari ang mga ito. Baka nahihirapan tayong patuloy na tingnan ang mga bagay-bagay ayon sa pangmalas ng Diyos dahil sa ating mga limitasyon at emosyon. Gayunman, ang mga katangiang gaya ng kapakumbabaan, kahinhinan, at kaamuan ay tutulong sa atin na tanggapin ang mga pagbabago at manatili sa pagsang-ayon ng Diyos.
[Blurb sa pahina 4]
Tinutulungan tayo ng tunay na kapakumbabaan na makilala ang ating sarili
[Blurb sa pahina 5]
Napakahalaga ng kaamuan sa ating pagsulong
[Larawan sa pahina 5]
Kailangang harapin ni Moises ang mga hamon na maglilinang ng kaniyang kaamuan