Paano Makakayanan ang Pagtataksil ng Asawa?
Paano Makakayanan ang Pagtataksil ng Asawa?
SINA Margarita at Raúl ay matagal nang naglilingkod kay Jehova bilang mga buong-panahong ministro. * Pero mula nang isilang ang kanilang panganay, unti-unti nang lumayo si Raúl kay Jehova. Nang maglaon, naging imoral si Raúl at natiwalag. “Halos ikamatay ko ito,” ang sabi ni Margarita. “Napakabigat sa dibdib, at hindi ko alam ang gagawin ko.”
Hindi pa natatagalan matapos ikasal si Jane, nasira ang pagtitiwala at pagmamahal niya sa kaniyang asawa. Binubugbog siya nito. “Nang una niya akong saktan,” ang sabi ni Jane, “nagulat ako, napahiya sa aking sarili, at para bang tinapakan ang aking pagkatao. Paulit-ulit niya akong sinasaktan at paulit-ulit din naman siyang humihingi ng tawad. Bilang Kristiyano, inisip kong dapat na lagi akong magpatawad at kalimutan ang nangyari. Inisip ko rin na magiging taksil ako kung sasabihin ko ang aming problema sa iba—kahit na sa mga elder sa kongregasyon. Tumagal nang mahabang panahon ang paulit-ulit na pananakit at pagpapatawad. Inisip kong may magagawa pa ako para mahalin ako ng aking asawa. Nang iwan niya kaming mag-ina, pakiramdam ko’y nagkulang ako, na sana’y may ginawa ako o sinabi para maisalba ang aming pagsasama.”
2 Tim. 3:1-5) Nararanasan din ng mga tunay na Kristiyano ang mga problemang ito; kung gayon, ano ang makakatulong sa iyo kung pinagtaksilan ka ng iyong asawa?
Gaya nina Margarita at Jane, baka nanlulumo ka rin, nagigipit sa pinansiyal, at nanghihina sa espirituwal dahil sa pagtataksil ng iyong asawa. O baka ikaw naman ay isang asawang lalaki na nasasaktan at nahihirapan dahil hindi naging tapat ang iyong asawa. Oo, nabubuhay tayo ngayon sa “mga panahong mapanganib na mahirap pakitunguhan,” gaya ng inihula sa Bibliya. Sinasabi sa hulang ito na sa “mga huling araw,” ang mga pamilya ay mamomroblema, anupat mawawala na ang likas na pagmamahal sa isa’t isa. Ang ilan ay naglilingkod sa Diyos pero pakitang-tao lang. (Tingnan ang Iyong Sarili Ayon sa Tingin ni Jehova
Sa simula, baka hindi mo matanggap na sinaktan ka ng taong mahal mo. Baka sinisisi mo pa nga ang sarili mo sa ginawa niya.
Pero tandaan, maging ang sakdal na si Jesus ay pinagtaksilan din ng taong pinagkakatiwalaan at minamahal niya. Pinili ni Jesus ang kaniyang matatalik na kasama, ang mga apostol, matapos itong pag-isipang mabuti at ipanalangin. Ang lahat ng 12 ito ay mapagkakatiwalaang mga lingkod ni Jehova. Kaya tiyak na masamang-masama ang loob ni Jesus nang ‘magtraidor’ si Judas. (Luc. 6:12-16) Pero hindi pinanagot ni Jehova si Jesus sa ginawa ni Judas.
Walang masasabing sakdal na asawa sa ngayon. Ang mag-asawa ay parehong nagkakamali. Totoong-totoo ang sinabi ng isang salmista: “Kung mga kamalian ang binabantayan mo, O Jah, O Jehova, sino ang makatatayo?” (Awit 130:3) Bilang pagtulad kay Jehova, dapat palampasin ng mag-asawa ang di-kasakdalan ng isa’t isa.—1 Ped. 4:8.
Gayunman, “ang bawat isa sa atin ay magsusulit sa Diyos para sa kaniyang sarili.” (Roma 14:12) Kung ang isang kabiyak ay patuloy sa mapang-abusong pananalita o pananakit, siya mismo ang mananagot kay Jehova. Hinahatulan ni Jehova ang karahasan at mapang-abusong pananalita, kaya walang dahilan para pakitunguhan ang kabiyak sa ganitong paraan—walang pag-ibig at paggalang. (Awit 11:5; Efe. 5:33; Col. 3:6-8) Sa katunayan, kung ang isang Kristiyano ay paulit-ulit at walang-pagsisising nagpapadala sa silakbo ng galit at hindi magbabago, dapat siyang itiwalag sa kongregasyong Kristiyano. (Gal. 5:19-21; 2 Juan 9, 10) Hindi dapat makonsiyensiya ang isa na isumbong sa mga elder ang ginagawang ito ng kaniyang asawa. Oo, nahahabag si Jehova sa mga biktima ng ganitong pagmamaltrato.
Kung ang isang kabiyak ay nangalunya, nagkasala siya hindi lang sa kaniyang asawa kundi pati kay Jehova. (Mat. 19:4-9; Heb. 13:4) Kung ang pinagkasalahang asawa ay nagsisikap na mamuhay ayon sa mga simulain ng Bibliya, walang dahilan para sisihin niya ang kaniyang sarili sa pagtataksil ng kaniyang asawa.
Alam ni Jehova ang iyong nadarama. Itinuring niya ang kaniyang sarili bilang asawang nagmamay-ari sa bansang Israel, at mababasa sa kaniyang Salita ang maraming nakaaantig na pananalitang naglalarawan sa sakit na nadama niya nang magtaksil ang bansang iyon. (Isa. 54:5, 6; Jer. 3:1, 6-10) Tiyak na nakikita ni Jehova ang iyong mga luha, dulot ng pagtataksil ng iyong asawa. (Mal. 2:13, 14) Alam niyang kailangan mo ng kaaliwan at pampatibay-loob.
Paano Naglalaan ng Kaaliwan si Jehova?
Ang isang paraan ay sa pamamagitan ng kongregasyong Kristiyano. Naranasan ito ni Jane. “Lumung-lumo ako noon at nagkataon namang dalaw ng aming tagapangasiwa ng sirkito,” ang sabi ni Jane. “Alam niya kung gaano ako ka-depress dahil nakikipagdiborsiyo 1 Corinto 7:15. Ang ganitong mga teksto at ang kaniyang mababait na payo ay nakatulong upang mapanatag ang aking isip at huwag sisihin ang aking sarili.” *
na ang asawa ko. Tinulungan niya akong pag-isipan ang mga tekstong gaya ngNakita rin ni Margarita, nabanggit kanina, na naglalaan si Jehova ng praktikal na tulong sa pamamagitan ng kongregasyon. “Nang mahalata kong hindi nagsisisi ang aking asawa,” ang sabi ni Margarita, “lumipat kaming mag-iina sa ibang lunsod. Nakakita ako ng dalawang kuwartong mauupahan namin. Kinabukasan, habang lungkot na lungkot kong inaayos ang aming mga dala-dalahan, may kumatok sa pinto. Akala ko’y ang kaserang nakatira sa kabilang kuwarto. Nagulat ako nang makita ko ang sister na nagturo noon ng Bibliya kay Inay at tumulong sa aming pamilya na matuto ng katotohanan. Hindi niya inaasahang naroroon ako. Nagpunta siya para mag-study sa aking kasera. Para akong nabunutan ng tinik—hindi ko mapigil ang aking damdamin. Ikinuwento ko ang nangyari sa akin at nag-iyakan kami. Isinaayos niya agad na makadalo kami sa pulong sa araw na iyon. Malugod kaming tinanggap ng kongregasyon, at gumawa ng kaayusan ang mga elder para tulungan kami sa espirituwal.”
Paano Makakatulong ang Iba?
Ang mga kapatid sa kongregasyon ay makakatulong sa maraming paraan. Halimbawa, kailangan nang magtrabaho noon ni Margarita. Nagprisinta ang isang pamilya sa kongregasyon na kung kailangan, sila ang mag-aalaga sa kaniyang mga anak pagkagaling ng mga ito sa eskuwela.
“Ang lalo nang pinahahalagahan ko sa mga kapatid,” ang sabi ni Margarita, “ay kapag sinasamahan nila kaming mag-iina sa larangan.” Sa ganitong paraan, nakakatulong ang mga kapatid sa ‘pagdadala ng mga pasanin ng isa’t isa’ at sa gayo’y tinutupad ang “kautusan ng Kristo.”—Gal. 6:2.
Ang mga nagdurusa dahil sa kasalanan ng iba ay tunay na nagpapahalaga sa ganitong tulong. Si Monique ay iniwan ng kaniyang asawa. Kasamang iniwan sa kaniya ang $15,000 na utang at apat na anak. Sinabi niya: “Mahal na mahal ako ng mga kapatid. Ewan ko kung ano na ang nangyari sa amin kung wala sila. Ibinigay ni Jehova ang pinakamababait na kapatid na handang magsakripisyo para sa aking mga anak. Natutuwa akong makita Mar. 10:29, 30.
silang sumusulong sa espirituwal dahil sa tulong na ito. Kung kailangan ko ng payo, naririyan ang mga elder. Kung kailangan ko ng kausap, nakikinig sila.”—Siyempre pa, alam ng isang mabait na kaibigan kung kailan hindi dapat ungkatin ang problema. (Ecles. 3:7) Sinabi ni Margarita: “Madalas na ang pinag-uusapan namin ng mga sister sa bago kong kongregasyon ay ang tungkol sa pangangaral, mga Bible study, mga anak—kahit ano maliban sa aking mga problema. Nagpapasalamat ako dahil tinutulungan nila akong kalimutan ang nakaraan at harapin ang panibagong buhay.”
Labanan ang Tuksong Maghiganti
Kung minsan, sa halip na sisihin ang sarili sa kasalanan ng iyong asawa, nagagalit ka dahil sa labis na paghihirap na dinaranas mo bunga ng kaniyang pagkakamali. Kung pananatilihin mo ang galit sa iyong dibdib, baka mahirapan kang makapanatiling tapat kay Jehova. Baka matukso kang humanap ng paraan para makaganti sa iyong taksil na asawa.
Kung natutukso kang gumanti, puwede mong pag-isipan ang halimbawa nina Josue at Caleb. Itinaya ng dalawang tapat na lalaking ito ang kanilang buhay nang maniktik sila sa Lupang Pangako. Nagkulang ng pananampalataya ang ibang tiktik at inimpluwensiyahan ang bayan na suwayin si Jehova. Binalak pa nga ng ilang Israelita na batuhin sina Josue at Caleb nang himukin ng mga ito ang bansa na manatiling tapat. (Bil. 13:25–14:10) Dahil sa pagkakamaling ito ng mga Israelita, pati sina Josue at Caleb na wala namang kasalanan ay nagpagala-gala rin sa ilang nang 40 taon.
Malamang na ikinalungkot ito nina Josue at Caleb, pero hindi sila nagalit. Nagtuon sila ng pansin sa paglilingkod kay Jehova. Nang matapos ang 40 taon sa ilang, sila at ang mga Levita ay kabilang sa henerasyong nakaligtas at nakapasok sa Lupang Pangako.—Bil. 14:28-30; Jos. 14:6-12.
Baka matagal mo nang pinagdurusahan ang mga ginawa ng iyong taksil na asawa. Maaaring putol na nga ang inyong pagsasama, pero kasunod nito’y paghihirap ng damdamin at problema sa pinansiyal. Sa halip na palabuin nito ang iyong isip, tandaan na alam ni Jehova kung ano ang gagawin sa mga kusang lumalabag sa kaniyang mga pamantayan, gaya ng naranasan ng walang-pananampalatayang mga Israelita sa ilang.—Heb. 10:30, 31; 13:4.
Kaya Mo Iyon!
Sa halip na pahinain ng negatibong mga bagay, punuin ang isip ng kaisipan ni Jehova. “Nakatulong sa akin ang pakikinig sa rekording ng Ang Bantayan at Gumising!,” ang sabi ni Jane. “Malaking pampatibay rin ang mga pulong. Dahil aktibo ako sa mga pulong, nalilimutan ko ang mga problema. Nakatulong din ang pangangaral. Sa pagtulong sa iba na manampalataya kay Jehova, napalalakas ko ang aking sariling pananampalataya. At sa pagtulong sa mga Bible study ko, naitutuon ko ang aking isip sa mas mahahalagang bagay.”
Si Monique, binanggit kanina, ay nagsabi: “Dahil sa regular na pagdalo sa mga pulong at madalas na paglilingkod sa larangan, nakapagbata ako. Naging malapít kaming mag-iina sa isa’t isa at sa kongregasyon. Nakatulong ang aking pinagdaanan para makita ko ang aking mga kahinaan. Dumanas ako ng pagsubok, pero nakayanan ko iyon sa tulong ni Jehova.”
Kaya mo rin iyon. Sa kabila ng kirot na dulot ng pagtataksil, sikaping sundin ang kinasihang payo ni Pablo: “Huwag tayong manghihimagod sa paggawa ng kung ano ang mainam, sapagkat sa takdang kapanahunan ay mag-aani tayo kung hindi tayo manghihimagod.”—Gal. 6:9.
[Mga talababa]
^ par. 2 Binago ang ilang pangalan.
^ par. 13 Para sa detalyadong pagtalakay sa pangmalas ng Bibliya tungkol sa paghihiwalay at diborsiyo, tingnan ang Manatili sa Pag-ibig ng Diyos, pahina 125-130, 219-221.
[Larawan sa pahina 31]
Pinahahalagahan ng mga iniwang kabiyak ang mga tumutulong sa kanila sa ministeryo sa larangan