Pinagkaisa ng Pag-ibig—Report ng Taunang Miting
Pinagkaisa ng Pag-ibig—Report ng Taunang Miting
DAMANG-DAMA ang pananabik sa loob ng Assembly Hall ng mga Saksi ni Jehova sa Jersey City, New Jersey, E.U.A. Noong umaga ng Oktubre 3, 2009, mahigit 5,000 ang nagtipon para sa ika-125 taunang miting ng Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania. Bukod dito, libu-libong iba pa ang nakapakinig at nakapanood ng programa na naka-hook-up sa tatlong pasilidad ng Bethel sa Estados Unidos at sa Bethel sa Canada. Sa kabuuan, 13,235, na pinagkaisa ng kanilang pag-ibig kay Jehova, ang nasiyahan sa tatlong-oras na miting.
Si Geoffrey Jackson ng Lupong Tagapamahala ang chairman. Bilang pasimula ng programa, ipinakilala niya ang koro ng mga Bethelite na umawit mula sa ating bagong aklat-awitan. Si David Splane, isa ring miyembro ng Lupong Tagapamahala, ang konduktor nila. Tinalakay niya sa maikli ang kahalagahan ng musika sa dalisay na pagsamba. Pagkatapos, inanyayahan ang mga tagapakinig na awitin ang tatlong bagong awit; inawit muna ito ng koro at saka sila sinabayan ng mga tagapakinig. Ang paggamit ng koro ay para lang sa espesyal na miting na ito; hindi ito dapat gayahin ng mga kongregasyon, sirkito, o distrito.
Ulat Mula sa mga Sangay
Nag-ulat ang mga panauhing miyembro ng Komite ng Sangay mula sa limang bansa. Binanggit ni Kenneth Little na malapit nang ilimbag sa Canada ang karamihan sa mga magasin para sa Estados Unidos at Canada, kaya tataas nang sampung ulit ang produksiyon sa sangay na iyon. Para magawa ito, isang bagong-biling makinang pang-imprenta ang paaandarin nang 16 na oras sa isang araw.
Iniulat ni Reiner Thompson ang gawaing pang-Kaharian sa Dominican Republic, at inilarawan naman ni Albert Olih ang gawain natin sa Nigeria. Ipinaliwanag ni Emile Kritzinger ng Mozambique na ang mga Saksi ni Jehova roon, matapos dumanas ng pag-uusig sa loob ng maraming dekada, ay nairehistro din noong 1992. Ang tatlong bansang ito ay nagkaroon ng malaking pagsulong sa bilang ng mga mamamahayag. Ikinuwento ni Viv Mouritz ng Australia ang pagsulong ng gawain sa East Timor, na nasa ilalim ng pangangalaga ng kanilang sangay.
Mga Komite ng Lupong Tagapamahala
Simula 1976, ang lahat ng gawain ng mga Saksi ni Jehova ay pinangangasiwaan ng anim na komite ng Lupong Tagapamahala. Nang maglaon, may mga kabilang sa ibang mga tupa na hinirang para tumulong. Sa ngayon, 23 ang tumutulong sa gawain. Anim sa kanila ang ininterbyu. Sa kabuuan, nakagugol na sila ng 341 taon sa buong-panahong paglilingkod—57 taon ang average ng bawat isa.
Ipinaliwanag ni Don Adams, naging Bethelite noong 1943, na ang Coordinators’ Committee ay binubuo ng mga koordineytor mula sa limang iba pang komite. Pinananatili nitong maayos at mahusay ang takbo ng lahat ng komite. Ang komiteng ito ang gumagawa ng aksiyon kapag may malulubhang kagipitan, pag-uusig, kaso sa korte, sakuna, at iba pang importanteng mga bagay may kinalaman sa mga Saksi ni Jehova.
Ipinaliwanag ni Dan Molchan ang trabaho ng Personnel Committee, na nag-aasikaso sa espirituwal at pisikal na pangangailangan ng 19,851 Bethelite sa buong daigdig. Sinabi ni David Sinclair kung paano pinangangasiwaan ng Publishing Committee ang pagbili ng mga suplay at kagamitan para sa mga sangay. Pagkatapos, ipinaliwanag ni Robert Wallen, halos 60 *
taon nang naglilingkod sa Bethel, kung paano pinangangasiwaan ng Service Committee ang gawain ng bayan ni Jehova sa larangan at sa mga kongregasyon. Ipinaliwanag sa maikli ni William Malenfant ang pagsisikap na ginagawa ng Teaching Committee sa paghahanda ng programa ng kombensiyon. Pinakahuli, inilarawan ni John Wischuk kung paano pinangangasiwaan ng Writing Committee ang maingat na paghahanda ng mga materyal para sa ating mga publikasyon.Pag-ibig ang Itinatampok ng Taunang Teksto Para sa 2010
Ang sumunod na tatlong pahayag ay ibinigay ng mga miyembro ng Lupong Tagapamahala. Nagsimula si Gerrit Lösch sa tanong na “Gusto mo bang mahalin ka ng iba?” Ipinaliwanag niya na ang pag-ibig ay isang pangunahing pangangailangan ng tao. Pag-ibig ang dahilan kung bakit tayo umiiral—nilalang tayo ni Jehova dahil sa kaniyang walang-pag-iimbot na pag-ibig. Nangangaral tayo at nagtuturo pangunahin nang dahil sa pag-ibig kay Jehova.
Ang pag-ibig na salig sa simulain ay ipinakikita natin hindi lang sa ating kapuwa kundi maging sa ating mga kaaway. (Mat. 5:43-45) Pinasigla ang mga tagapakinig na pag-isipan ang pinagdaanan ni Jesus alang-alang sa atin—pinagpapalo siya, hinamak, dinuraan, at inulos. Sa kabila nito, ipinanalangin pa rin niya ang mga kawal na nagbayubay sa kaniya. Hindi ba’t lalo siyang napapamahal sa atin dahil dito? Pagkatapos, ipinatalastas ni Brother Lösch ang taunang teksto para sa 2010: 1 Corinto 13:7, 8, ‘Binabata ng pag-ibig ang lahat ng bagay. Hindi ito kailanman nabibigo.’ Ang pag-asa natin ay hindi lang mabuhay magpakailanman, kundi magmahal at mahalin din magpakailanman.
Nagbibiyahe Ka ba Kahit Paubos Na ang Gasolina?
Sinimulan ni Samuel Herd ang kaniyang pahayag sa isang ilustrasyon. Ipagpalagay nang sinundo ka ng kaibigan mo para magbiyahe nang 50 kilometro. Pag-upo mo sa kaniyang sasakyan, napansin mong paubos na ang gasolina nito. Sinabi mo ito sa kaniya. Sinabi naman niyang huwag kang mag-alala dahil mga apat na litro pa naman ang laman ng tangke. Pero mayamaya, nangyari na nga ang kinatatakutan mo. Dapat bang magbiyahe kahit paubos na ang gasolina at magbaka-sakaling hindi naman titirik ang sasakyan? Mas makasisiguro ka kung lagi itong full tank! Sa katulad na paraan, kailangang lagi tayong full tank, wika nga, sa kaalaman tungkol kay Jehova.
Paano natin ito magagawa? May apat na paraan. Una, personal na pag-aaral—maging pamilyar sa Bibliya sa pamamagitan ng pagbabasa nito araw-araw. Hindi ito basta papasadahan lang, dapat na nauunawaan natin ang ating binabasa. Ikalawa, gawing makabuluhan ang gabi ng Pampamilyang Pagsamba. Linggu-linggo ba Awit 143:5: “Naaalaala ko ang mga araw noong sinaunang panahon; binubulay-bulay ko ang lahat ng iyong mga gawa.”
tayong nagpapa-full tank o pakonti-konti lang tayo kung magpakarga? Ikatlo, pagdalo sa mga pagpupulong sa kongregasyon. Ikaapat, tahimik na pagbubulay-bulay, anupat pinag-iisipan ang mga daan ni Jehova. Sinasabi sa“Ang mga Matuwid ay Sisikat”
Binigkas ni John Barr ang ikatlo at huling pahayag, na nagpapaliwanag sa ilustrasyon ni Jesus tungkol sa trigo at sa panirang-damo. (Mat. 13:24-30, 38, 43) Sa ilustrasyong iyon, may tinutukoy na “pag-aani.” Sa panahong iyon, titipunin ang “mga anak ng kaharian” at ihihiwalay naman ang mga panirang-damo para sunugin.
Nilinaw ni Brother Barr na may katapusan ang pagtitipon. Binanggit niya ang Mateo 24:34, na nagsasabi: “Ang salinlahing ito ay hindi lilipas sa anumang paraan hanggang sa maganap ang lahat ng mga bagay na ito.” Dalawang beses niyang binasa ang komento: “Maliwanag na gustong sabihin ni Jesus na magpapang-abot ang buhay ng mga pinahirang nakakita sa tanda nang magsimula itong lumitaw noong 1914 at ang buhay ng iba pang pinahirang makakakita naman sa pasimula ng malaking kapighatian.” Hindi natin alam ang eksaktong haba ng “salinlahing ito,” pero alam nating kabilang dito ang dalawang grupong ito na nagpang-abot ang buhay. Bagaman magkakaiba ang edad ng mga pinahiran, ang mga kabilang sa dalawang grupo na bumubuo sa salinlahing ito ay magkakontemporaryo sa isang bahagi ng mga huling araw. Nakatutuwang malaman na ang nakababatang mga pinahiran na kakontemporaryo ng nakatatandang mga pinahirang nakaunawa sa tanda nang magsimula itong maganap noong 1914 ay naririto pa sa lupa kapag nagsimula ang malaking kapighatian!
Sabik na hinihintay ng “mga anak ng kaharian” ang kanilang gantimpala sa langit, pero lahat tayo ay kailangang manatiling tapat, na sumisikat nang maliwanag hanggang sa wakas. Isang malaking pribilehiyo na makita ang pagtitipon ng “trigo” sa ating panahon.
Pagkatapos ng huling awit, si Theodore Jaracz ng Lupong Tagapamahala ang nagbigay ng pansarang panalangin. Talagang nakapagpapatibay ang programa ng taunang miting!
[Talababa]
^ par. 10 Para sa paliwanag tungkol sa gawain ng anim na komite ng Lupong Tagapamahala, tingnan Ang Bantayan, Mayo 15, 2008, pahina 29.
[Kahon sa pahina 5]
PAARALAN PARA SA MGA ELDER
Sa taunang miting, ipinatalastas ni Anthony Morris ng Lupong Tagapamahala na magpapatuloy ang pagsasanay sa mga elder ng kongregasyon. Noong pasimula ng 2008, sa educational center sa Patterson, New York, nagsimula ang isang paaralan para sa mga elder sa Estados Unidos. Katatapos lang ng ika-72 klase, at umabot na nang 6,720 elder ang sinanay. Pero marami pang kailangang sanayin. Sa Estados Unidos pa lang, mahigit nang 86,000 ang mga elder. Kaya naman inaprubahan ng Lupong Tagapamahala na magkaroon din ng paaralan sa Brooklyn, New York, simula Disyembre 7, 2009.
Apat na naglalakbay na tagapangasiwa ang sasanayin nang dalawang buwan sa Patterson bilang mga instruktor. Ipadadala sila sa Brooklyn para magturo, at apat na iba pa ang sasanayin. Ang mga ito naman ang magtuturo sa paaralan sa Brooklyn, at ang apat na naunang sinanay ay magtuturo sa mga Assembly Hall at Kingdom Hall. Uulitin ang kaayusang ito hanggang sa magkaroon na ng 12 instruktor sa Estados Unidos na magtuturo sa anim na paaralan linggu-linggo sa wikang Ingles. Pagkatapos, apat na instruktor pa ang sasanayin para magturo sa wikang Kastila. Ang paaralang ito ay hindi naman kapalit ng Kingdom Ministry School; layunin nito na patibayin ang espirituwalidad ng mga elder. Sa 2011 taon ng paglilingkod, magkakaroon na rin nito sa mga sangay sa buong daigdig, na idaraos sa mga Assembly Hall at Kingdom Hall.
[Mga larawan sa pahina 4]
Sinimulan ang taunang miting sa pag-awit mula sa ating bagong aklat-awitan na “Umawit kay Jehova”