Inaanyayahan Ka!
Inaanyayahan Ka!
SAAN? Sa isa sa mga tanggapang pansangay ng mga Saksi ni Jehova—sa Bethel. May 118 nito sa buong mundo. Ang mga dumadalaw sa Bethel ay kadalasan nang humahanga sa kanilang mga naoobserbahan doon.
Hangang-hanga ang isang kabataang estudyante sa Bibliya nang makita ang masisipag at masasayang boluntaryo na naglilingkod kay Jehova sa tanggapang pansangay sa Mexico. Nagtanong ang kabataang lalaking ito: “Paano ba ako makakapagtrabaho dito?” Ang sagot sa kaniya: “Magpabautismo ka muna. Tapos, magpayunir ka—buong-panahong tagapaghayag ng Kaharian.” Sinunod niya ito, at makalipas ang dalawang taon, inanyayahan siyang maglingkod sa Bethel sa Mexico. Sa ngayon, 20 taon na siyang naglilingkod doon.
Ano ba ang Bethel?
Sa wikang Hebreo, ang “Bethel” ay nangangahulugang “Bahay ng Diyos.” (Gen. 28:19, tlb. sa Reference Bible) Ang mga pasilidad sa iba’t ibang sangay ay ginagamit sa pag-iimprenta at pagpapadala ng Bibliya at mga literatura sa Bibliya at sa pagbibigay ng espirituwal na tulong sa mahigit 100,000 kongregasyon ng mga Saksi ni Jehova sa buong daigdig. Halos 20,000 boluntaryo sa Bethel—mga lalaki’t babae mula sa iba’t ibang lugar—ang buong-panahong naglilingkod kay Jehova at sa kanilang espirituwal na mga kapatid. Magkakasama roon ang matatagal na sa Bethel at ang masisiglang kabataan. Nakaugnay ang mga miyembro ng pamilyang Bethel sa kalapit na mga kongregasyon. Masaya nilang nakakasama ang mga kapatid sa mga pulong at paglilingkod sa larangan. Ginagamit nila ang kanilang libreng panahon sa pag-aaral ng Bibliya, paglilibang, at pag-aasikaso sa personal na mga bagay.
Ang mga boluntaryo sa Bethel ay tumatanggap ng maliit na reimbursement buwan-buwan. Masarap at masustansiya ang kanilang pagkain; malinis at komportable ang tuluyan nila. Bagaman hindi magarbo ang mga tahanang Bethel, praktikal naman ang disenyo ng mga ito. Bukod sa malilinis na gusali’t kapaligiran at sa organisadong pamamalakad, hinahangaan din ng mga bisita ang kabaitan at pagtutulungan ng mga boluntaryo doon. Bagaman abala sa pagtatrabaho, Col. 3:23.
palakaibigan pa rin sila. Ang lahat ay pantay-pantay anumang atas ang ginagampanan nila. Mahalaga ang bawat atas—ito man ay paglilinis, paghahalaman, pagluluto, o pagtatrabaho sa opisina o sa palimbagan. Ang mga Bethelite, gaya ng tawag sa mga nakatira sa Bethel, ay nagtutulungan para suportahan ang pangangaral ng mga Saksi ni Jehova.—Kilalanin ang Ilang Bethelite
Alamin natin ang ilang bagay tungkol sa mga miyembro ng pambuong-daigdig na pamilyang ito. Bakit kaya gusto nilang maglingkod sa Bethel? Tingnan natin si Mario. Bago naging Saksi ni Jehova, malaki ang kinikita niya sa isang kilalang kompanya ng sasakyan sa Alemanya at may oportunidad na umasenso. Di-nagtagal matapos bautismuhan, isang linggo siyang nagboluntaryo sa Bethel sa kanilang bansa. Pinagtrabaho siya sa palimbagan. Nakita niya ang pagkakaiba ng mga nakatrabaho niya sa Bethel at ng mga katrabaho niya sa kompanya. Kaya nag-aplay siyang maglingkod sa Bethel nang buong panahon. Bagaman hindi maintindihan ng kaniyang mga kamag-anak at katrabaho ang pasiya niya, maligaya ngayon si Mario na naglilingkod sa Bethel sa Alemanya.
Marami ang nakapaglilingkod sa Bethel kahit walang natatanging edukasyon o kakayahan. Ganiyan si Abel, na 15 taon na sa Bethel sa Mexico. “Napakarami kong natutuhan sa Bethel,” ang sabi niya. “Natuto akong magpatakbo ng komplikadong makinang pang-imprenta. Kung gagamitin ko sa labas ng Bethel ang natutuhan ko, malaki nga ang kikitain ko, pero hindi naman ako panatag at kontento. Mapapaharap lang ako sa mga problema at kompetisyon. Alam kong ito na ang pinakamahusay na edukasyon na nagpasulong sa aking espirituwalidad at talino. Hindi ko ito makukuha kahit sa pinakamagaling na unibersidad.”
Pumasyal at Mapatibay
Ang minsang pagdalaw sa Bethel ay may magandang epekto sa espirituwalidad ng isa.
Ganiyan ang nangyari kay Omar na taga-Mexico. Tinuruan siya ng nanay niya ng mga katotohanan sa Bibliya. Pero sa edad na 17, huminto na siya sa pagdalo at pangangaral. Nalulong siya sa mga bisyo at naging materyalistiko. Nang maglaon, nakasama siya sa grupong ipinadala ng kanilang kompanya sa Bethel sa Mexico para ipakita ang paggamit ng ilang aparato sa komunikasyon. Sinabi ni Omar: “Pagkatapos ng sadya namin, ipinasyal kami sa mga pasilidad doon. Dahil sa mga nakita ko at magandang pagtrato sa akin, natauhan ako at naalala si Jehova. Dumalo ulit ako sa mga pulong at nag-aral ng Bibliya. Anim na buwan matapos pumasyal sa Bethel, nabautismuhan ako. Salamat kay Jehova at nabuksan ang isip ko dahil sa pagdalaw sa Bethel.”Si Masahiko, taga-Hapon, ay pinalaki rin sa pamilyang Saksi. Pero para sa kaniya, sobrang higpit ng mga pamantayan ng Bibliya. Masyado siyang naging abala sa eskuwela, at hindi na dumalo sa mga pulong at hindi na rin nangaral. Natatandaan pa ni Masahiko: “Minsan, nagkayayaan ang pamilya ko at ilang kaibigang Saksi na mag-tour sa Bethel. Pinilit nila akong sumama. Pagkatapos mag-tour, gumaan ang pakiramdam ko; noon lang ako nakaramdam ng ganoon. Tuwang-tuwa akong makasama ang mga kapatid; hindi ko iyon nadama sa mga kaibigan kong di-Saksi. Gusto ko nang mamuhay ulit bilang Kristiyano, kaya nagpa-Bible study ako.” Si Masahiko ay buong-panahong ministro ngayon sa kanilang kongregasyon.
Isang Saksing taga-Pransiya ang lumipat sa Moscow para magtrabaho. Nawalan siya ng pakikipag-ugnayan sa mga Saksi at nanghina sa espirituwal. Nakagawa siya ng kasalanan at nakapag-asawa ng di-Saksi. Pagkaraan, dinalaw siya ng isang sister na kababayan niya, at isinama siya sa Bethel sa St. Petersburg, Russia. Sumulat siya: “Naantig ang damdamin ko nang malugod kaming tanggapin sa Bethel. Payapang-payapa doon. Damang-dama ko ang espiritu ni Jehova. Bakit nga ba ako lumayo sa organisasyon niya? Pag-uwi ko, nanalangin ako sa kaniya, at naging determinado akong turuan sa Bibliya ang mga anak ko.” Bukod sa iba pang espirituwal na tulong na natanggap ng sister na ito, talagang napatibay siya ng pagdalaw sa Bethel at patuloy na sumulong mula noon.
Ano naman kaya ang masasabi ng mga dumadalaw na hindi pamilyar sa mga Saksi ni Jehova? Noong 1988, pumasyal sa Bethel sa Brazil ang mahilig sa pulitikang si Alberto. Hangang-hanga siya sa kalinisan, kaayusan, at lalo na sa di-patagong mga gawain doon. Bago nito, pumasyal si Alberto sa isang seminaryong pinaglilingkuran ng bayaw niyang pari. Kitang-kita ni Alberto ang pagkakaiba. “Puro patagô ang ginagawa sa seminaryo,” ang sabi niya. Di-nagtagal, pagkatapos pumasyal sa Bethel, si Alberto ay nag-aral ng Bibliya, tumigil sa pulitika, at ngayon ay elder na sa kongregasyon.
Pasyal Ka sa Bethel!
Hindi biru-biro ang pagsisikap ng marami para lang makapasyal sa tanggapang pansangay sa kanilang bansa. Halimbawa, sa Brazil, apat na taóng nag-ipon sina Paulo at Eugenia para sa dalawang-araw na paglalakbay patungong Bethel na may layong 3,000 kilometro. Ang sabi nila: “Sulit na sulit! Mas naiintindihan na namin ngayon ang organisasyon ni Jehova. Kapag ipinapaliwanag namin sa aming mga Bible study ang gawain sa Bethel, nagtatanong sila, ‘Nakapunta na ba kayo roon?’ Masasagot na namin sila ng oo.”
Mayroon bang tanggapang pansangay o tahanang Bethel sa inyong bansa? Inaanyayahan ka naming pumasyal doon. Tiyak na malugod kang tatanggapin at mapapatibay.
[Larawan sa pahina 18]
Mario
[Larawan sa pahina 18]
Abel
[Larawan sa pahina 18]
Alemanya
[Larawan sa pahina 18]
Hapon
[Larawan sa pahina 18]
Brazil