Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

‘Magbigay Tayo ng Handog kay Jehova’

‘Magbigay Tayo ng Handog kay Jehova’

‘Magbigay Tayo ng Handog kay Jehova’

KAPAG may gumawa ng mabuti sa iyo, paano mo ipinakikita ang pasasalamat? Pansinin kung paano ito ipinakita ng mga pinuno ng militar sa Israel matapos makipaglaban sa mga Midianita. Naganap ang labanan matapos magkasala ang Israel may kaugnayan sa Baal ng Peor. Ibinigay ng Diyos sa kaniyang bayan ang tagumpay, at ang samsam ay hinati sa pagitan ng 12,000 kawal at ng iba pang mga Israelita. Kaayon ng tagubilin ni Jehova, ibinigay ng mga kawal sa mga saserdote ang isang bahagi ng kanilang parte, at ang ibang mga Israelita naman ay nagbigay ng isang bahagi ng kanilang parte sa mga Levita.​—Bil. 31:1-5, 25-30.

Pero higit pa rito ang gustong gawin ng mga pinuno ng militar. “Kinuha ng iyong mga lingkod ang kabuuang bilang ng mga lalaking mandirigma na nasa aming pangangasiwa at walang isa man ang naiulat na nawawala mula sa amin,” ang sabi nila kay Moises. Ipinasiya nilang magbigay ng ginto at iba pang mga palamuti bilang handog kay Jehova. Tumitimbang nang mahigit 500 troy pound (190 kilo) ang mga palamuting ginto na ibinigay nila.​—Bil. 31:49-54.

Sa ngayon, marami rin ang nagpapahalaga sa mga paglalaan ni Jehova. Bukod sa mga lingkod ng Diyos, ginagawa rin ito ng ibang mga tao. Isa na rito ang drayber ng bus na nagmaneho para sa isang grupo ng mga delegado patungo at pauwi mula sa istadyum na pinagdausan ng internasyonal na kombensiyon sa Bologna, Italya, noong 2009. Dahil siya’y mabait at napakaingat magmaneho, binigyan siya ng mga delegado ng thank-you card at tip kasama ang isang aklat na Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya? Sinabi ng drayber: “Natutuwa akong tanggapin ang card at aklat, pero gusto kong isauli ang pera para iabuloy sa inyong gawain. Kahit hindi ako Saksi ni Jehova, gusto kong mag-abuloy dahil nakita kong ang mga ginagawa ninyo ay udyok ng pag-ibig.”

Kung pinahahalagahan mo ang mga paglalaan ni Jehova, maipakikita mo ang pasasalamat sa pamamagitan ng pag-aabuloy sa pambuong-daigdig na gawain ng mga Saksi ni Jehova. (Mat. 24:14) Nakatala sa kahon sa ibaba ang ilang paraan kung paano nagbibigay ng donasyon ang iba.

[Kahon sa pahina 20, 21]

KUNG PAANO NAGBIBIGAY NG DONASYON ANG IBA

MGA KONTRIBUSYON SA PAMBUONG-DAIGDIG NA GAWAIN

Marami ang nagbubukod ng halagang inihuhulog nila sa mga kahon ng kontribusyon na may markang “Pambuong-Daigdig na Gawain.”

Bawat buwan, ipinadadala ng mga kongregasyon ang mga pondong ito sa tanggapan ng mga Saksi ni Jehova na naglilingkod sa kani-kanilang bansa. Ang kusang-loob na mga donasyong salapi ay maaari ding tuwirang ipadala sa Watch Tower Bible and Tract Society of the Philippines, Inc., PO Box 2044, 1060 Manila, o sa tanggapang pansangay ng mga Saksi ni Jehova na naglilingkod sa inyong bansa. (Ang kusang-loob na mga donasyon na binanggit sa ibaba ay maaari ding ipadala sa tanggapang pansangay ng mga Saksi ni Jehova na naglilingkod sa inyong bansa.) Ang mga tseke na ipadadala sa nabanggit na adres ay dapat ipangalan sa “Watch Tower Society.” Ang mga alahas o iba pang mahahalagang bagay ay maaari ding iabuloy. Dapat ilakip sa mga abuloy na ito ang isang maikling liham na nagsasabing iyon ay isang tuwirang kaloob.

CONDITIONAL-DONATION TRUST ARRANGEMENT

Ang salapi ay maaaring ilagak sa Watch Tower Society para magamit sa pambuong-daigdig na gawain. Pero kung hihilingin ng nag-abuloy ang salapi, ito ay ibabalik sa kaniya. Para sa higit pang impormasyon, pakisuyong makipag-ugnayan sa Treasurer’s Office sa nabanggit na adres.

MGA PLANO SA PAGKAKAWANGGAWA

Bukod sa tuwirang mga kaloob na salapi, may iba pang mga paraan ng pagbibigay para masuportahan ang gawaing pang-Kaharian sa buong daigdig. Kasali sa mga ito ang:

Insurance: Ang Watch Tower Society ay maaaring gawing benepisyaryo ng isang life insurance policy o ng isang retirement/pension plan.

Deposito sa Bangko: Depende sa mga kahilingan ng bangko sa inyong lugar, ang mga deposito sa bangko, sertipiko ng deposito, o deposito sa pagreretiro ng isa ay maaaring ipangalan o ibigay sa Watch Tower Society kapag namatay siya.

Stock at Bond: Ang mga stock at bond ay maaaring iabuloy sa Watch Tower Society bilang tuwirang kaloob o maaaring ipangalan sa Watch Tower Society bilang Transfer on Death na benepisyaryo.

Lupa’t Bahay: Ang lupa’t bahay na madaling ibenta ay maaaring ibigay na donasyon sa pamamagitan ng tuwirang pagkakaloob. O kung nakatira pa roon ang nagkaloob, puwedeng magkaroon ng kasunduan na maninirahan muna siya roon hangga’t nabubuhay siya. Makipag-ugnayan muna sa tanggapang pansangay sa inyong bansa bago ilipat ang titulo ng anumang lupa’t bahay.

Gift Annuity: Ang mga stock, bond, o salapi ay maaaring ilipat sa isang itinalagang korporasyon na ginagamit ng mga Saksi ni Jehova. Kapalit nito, ang nagkaloob, o ang isa na itinalaga ng nagkaloob, ay tatanggap ng espesipikong annuity payment bawat taon habang siya’y nabubuhay. Ang nagkaloob ay makakakuha ng diskuwento sa buwis sa taon kung kailan naayos ang gift annuity.

Testamento at Trust: Ang mga ari-arian o salapi ay maaaring ipamana sa Watch Tower Society sa pamamagitan ng isang legal na testamento, o kaya’y puwedeng gawing benepisyaryo ang Watch Tower Society sa isang trust agreement. Maaaring mabawasan ang ilang bayarin sa buwis kapag ang trust ay napapakinabangan ng isang relihiyosong organisasyon.

Gaya ng ipinahihiwatig ng pananalitang “mga plano sa pagkakawanggawa,” ang ganitong uri ng mga donasyon ay karaniwan nang nangangailangan ng pagpaplano ng nagkakaloob. Para matulungan ang mga gustong sumuporta sa pambuong-daigdig na gawain ng mga Saksi ni Jehova sa pamamagitan ng isa sa mga plano sa pagkakawanggawa, isang brosyur na pinamagatang Charitable Planning to Benefit Kingdom Service Worldwide ang inihanda sa wikang Ingles at Kastila. Ang brosyur ay naglalaan ng impormasyon tungkol sa iba’t ibang paraan ng pagkakaloob, ito man ay ibibigay na ngayon o ipamamana kapag namatay ang nagbigay ng donasyon. Matapos basahin ang brosyur at konsultahin ang kanilang abogado o tagapayo sa buwis, marami ang nakatulong sa pagsuporta sa ating pagkakawanggawa at relihiyosong mga gawain sa buong daigdig at nakakuha rin sila ng malaking diskuwento sa buwis. Makakakuha ng brosyur na ito sa Charitable Planning Office.

Para sa higit pang impormasyon, maaari kang tumawag o sumulat sa Charitable Planning Office sa adres na nakatala sa ibaba. Maaari ka ring makipag-ugnayan sa tanggapang pansangay na naglilingkod sa inyong bansa.

Charitable Planning Office

Watch Tower Bible and Tract Society of the Philippines, Inc.

186 Roosevelt Avenue

San Francisco del Monte

1105 Quezon City

Telepono: (02) 411-6090