Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Natatandaan Mo Ba?

Natatandaan Mo Ba?

Natatandaan Mo Ba?

Nakinabang ka ba sa nakaraang mga isyu ng Bantayan? Tingnan kung masasagot mo ang mga sumusunod:

• Kaninong mga tagasunod ang naniniwala sa pagtatadhana?

Idiniriin ng Calvinismo ang doktrina ng pagtatadhana. Ang mga turo ng repormador na si Jean Cauvin (John Calvin) ay laganap sa mga denominasyong gaya ng Reformed, Presbyterian, Congregational, at Puritan.​—9/1, pahina 18-21.

• Saan kinuha ni Cain ang kaniyang asawa?

Tiyak na ang asawa ni Cain ay isang inapo ni Eva, na nagkaanak ng “mga lalaki at mga babae.” (Gen. 5:4)​—9/1, pahina 25.

• Sino ang anghel na isinugo ng Diyos sa unahan ng Israel nang ilabas sila sa Ehipto? (Ex. 23:20, 21)

Maliwanag na ang anghel na nagtataglay ng pangalan ni Jehova ay ang panganay na Anak ng Diyos, na naging si Jesus nang maglaon.​—9/15, pahina 21.

• Bakit tinalakay sa aklat ng 1 Corinto ang tungkol sa karneng inihain sa mga idolo?

Ang mga hayop ay inihahain sa mga templo ng mga Griego at Romano, pero ang karneng hindi nakain sa seremonya ay ibinebenta sa mga pamilihan ng karne. Hindi nakikibahagi sa paganong pagsamba ang mga Kristiyano, pero hindi nila dapat ituring na marumi ang karneng inihandog sa templo at pagkatapos ay ibinenta sa pamilihan. Isinulat ni Pablo: “Ang lahat ng bagay na ipinagbibili sa pamilihan ng karne ay patuloy ninyong kainin, na hindi nagtatanong dahil sa inyong budhi; sapagkat ‘kay Jehova ang lupa at ang lahat ng naririto.’” (1 Cor. 10:25, 26)​—10/1, pahina 12.

• May kaugnayan sa tunay na pagsamba, anong mga dahilan ang hindi katanggap-tanggap sa Diyos?

‘Napakahirap. Ayoko. Napakarami kong ginagawa. Hindi ko kaya. Masama ang loob ko sa isang kapatid.’ Ang mga ito ay hindi makatuwirang dahilan para hindi sundin ang mga utos ng Diyos.​—10/15, pahina 12-15.

• Ano ang ilang paraan para maging nakapagpapatibay sa iyo at sa iba ang mga pulong?

Maghanda. Dumalo nang regular. Dumating nang nasa oras. Dumalo nang kumpleto sa gamit. Iwasang magambala. Makibahagi. Magkomento nang maikli. Gampanan ang atas. Bigyan ng komendasyon ang mga may bahagi. Makihalubilo bago at pagkatapos ng pulong.​—10/15, pahina 22.

• Anong ulat sa Bibliya may kinalaman sa isang batang babae ang bumabanggit sa ketong na tinatawag ngayong Hansen’s disease?

Mababasa sa 2 Hari kabanata 5 ang tungkol sa batang babaing Israelita na alila sa bahay ng pinuno ng hukbo ng Sirya na si Naaman. Dahil may ketong ang pinunong ito, iminungkahi niya na pumunta ito kay propeta Eliseo para mapagaling.​—11/1, pahina 22.

• Ano ang matututuhan natin sa pagpapadala ni Aaron sa panggigipit ng mga kasama?

Habang wala si Moises, sinabihan ng mga Israelita si Aaron na igawa sila ng isang diyos. Nagpadala naman siya sa kanila. Ipinakikita nito na hindi lang mga kabataan ang apektado ng panggigipit ng mga kasama. Apektado rin nito ang mga adulto na gustong gumawa ng tama. Dapat nating labanan ang panggigipit ng mga kasama.​—11/15, pahina 8.

• Alin ang tama, at alin ang mali?

Talagang umiiral si Satanas: tama. (2 Cor. 11:14) May espiritung patuloy na nabubuhay pagkamatay ng isang tao: mali. (Ecles. 9:5) Ang tapat na mga anghel ay nagmamalasakit sa atin: tama. (Awit 34:7) Si Jesus ay kapantay ng Diyos: mali. (1 Cor. 11:3)​—12/1, pahina 8-9.