“Isaalang-alang Yaong mga Nagpapagal sa Gitna Ninyo”
“Isaalang-alang Yaong mga Nagpapagal sa Gitna Ninyo”
“Isaalang-alang yaong mga nagpapagal sa gitna ninyo at namumuno sa inyo sa Panginoon at nagpapaalaala sa inyo.”—1 TES. 5:12.
1, 2. (a) Ano ang sitwasyon ng kongregasyon sa Tesalonica nang una silang sulatan ni Pablo? (b) Ano ang ipinayo ni Pablo sa mga taga-Tesalonica?
ISIPING kabilang ka sa unang-siglong kongregasyon sa Tesalonica, isa sa mga unang itinatag sa Europa. Gumugol si apostol Pablo ng maraming panahon para patibayin ang mga kapatid doon. Maaaring nag-atas siya ng matatandang lalaking mangunguna, gaya ng ginawa niya sa ibang mga kongregasyon. (Gawa 14:23) Pero nang maitatag ang kongregasyon, ang mga Judio ay bumuo ng pangkat ng mga mang-uumog para mapaalis sina Pablo at Silas. Malamang na inisip ng mga Kristiyanong naiwan doon na wala na silang masasandigan, at sila’y natakot.
2 Kaya naman mauunawaan natin kung bakit nag-aalala si Pablo nang iwan niya ang bagong-tatag na kongregasyon sa Tesalonica. Tinangka niyang bumalik, pero “humarang si Satanas” sa kaniyang landas. Kaya isinugo niya si Timoteo para patibayin ang kongregasyon. (1 Tes. 2:18; 3:2) Nang mag-uwi si Timoteo ng mabuting ulat, napasigla si Pablo na sulatan ang mga taga-Tesalonica. Kasama sa mga isinulat ni Pablo ang payo na ‘isaalang-alang yaong mga namumuno sa kanila.’—Basahin ang 1 Tesalonica 5:12, 13.
3. Ano ang mga dahilan ng mga Kristiyano sa Tesalonica para bigyan ng higit pa kaysa di-pangkaraniwang konsiderasyon ang matatandang lalaki?
3 Ang mga kapatid na nangunguna sa mga Kristiyano sa Tesalonica ay mga baguhan kung ikukumpara kay Pablo at sa mga kasama niyang naglalakbay. Hindi pa rin sila gaanong makaranasan kung ihahambing sa matatanda sa Jerusalem. Wala pa kasing isang taon ang kongregasyon! Pero angkop lang na pahalagahan Efe. 4:8.
ng mga miyembro ng kongregasyon ang matatandang lalaking ito, na “nagpapagal” at “namumuno” sa kongregasyon at “nagpapaalaala” sa mga kapatid. Oo, may mabuting dahilan sila para “bigyan [ang matatanda] ng higit pa kaysa di-pangkaraniwang konsiderasyon sa pag-ibig.” Ang kahilingang ito ni Pablo ay sinundan ng payo na ‘makipagpayapaan sa isa’t isa.’ Kung naroon ka sa Tesalonica noon, lubusan mo kayang pahahalagahan ang ginagawa ng matatanda? Ano ang pangmalas mo sa “kaloob na mga tao” na inilaan ng Diyos sa kongregasyon sa pamamagitan ni Kristo?—“Nagpapagal”
4, 5. Bakit isang ‘pagpapagal’ para sa matatandang lalaki noong panahon ni Pablo ang pagtuturo sa kongregasyon? Bakit ganiyan din ang sitwasyon sa ngayon?
4 Nang makaalis na sina Pablo at Silas patungong Berea, paano ‘nagpagal’ ang matatandang lalaki sa Tesalonica? Bilang pagtulad kay Pablo, tiyak na nagturo sila sa kongregasyon gamit ang Kasulatan. ‘Pinahahalagahan ba ng mga Kristiyano sa Tesalonica ang Salita ng Diyos?’ baka maitanong mo. Binabanggit kasi sa Bibliya na “higit na mararangal ang pag-iisip ng mga [taga-Berea] kaysa roon sa mga nasa Tesalonica,” anupat “maingat na sinusuri ang Kasulatan sa araw-araw.” (Gawa 17:11) Gayunman, ang tinutukoy rito ay ang mga Judiong taga-Tesalonica sa pangkalahatan, hindi ang mga Kristiyano roon. ‘Tinanggap ng mga naging mananampalataya roon ang salita ng Diyos, hindi bilang salita ng mga tao, kundi bilang ang salita ng Diyos.’ (1 Tes. 2:13) Tiyak na nagpagal ang matatandang lalaking iyon para mapakain sa espirituwal ang kongregasyon.
5 Sa ngayon, ang tapat at maingat na alipin ay naglalaan ng “pagkain sa tamang panahon” para sa kawan ng Diyos. (Mat. 24:45) Sa pangangasiwa ng uring alipin, ang mga elder ay nagpapagal para mapakain sa espirituwal ang kanilang mga kapatid. Ang mga miyembro ng kongregasyon ay maaaring sagana sa salig-Bibliyang literatura, at sa ilang wika, may makukuha silang Watch Tower Publications Index at Watchtower Library sa CD-ROM. Para matugunan ang espirituwal na pangangailangan ng kongregasyon, ang mga elder ay gumugugol ng maraming oras sa paghahanda ng mga bahagi sa pulong upang maiharap ito sa epektibong paraan. Naisip mo na ba kung gaano kahabang panahon ang ginugugol ng mga elder sa paghahanda ng mga bahagi sa mga pulong, asamblea, at kombensiyon?
6, 7. (a) Anong halimbawa ni Pablo ang tinularan ng matatandang lalaki sa Tesalonica? (b) Bakit maaaring maging hamon sa mga elder sa ngayon na tularan si Pablo?
6 Naaalaala ng matatandang lalaki sa Tesalonica ang halimbawang ipinakita ni Pablo sa pagpapastol sa kawan. Hindi lang siya naobligang gawin ito. Gaya ng tinalakay sa naunang artikulo, si Pablo ay “naging banayad . . . , gaya ng isang nagpapasusong ina na nag-aaruga ng kaniyang sariling mga anak.” (Basahin ang 1 Tesalonica 2:7, 8.) Handa pa nga niyang ‘ibahagi ang kaniyang sariling kaluluwa’! Dapat siyang tularan ng matatandang lalaki sa Tesalonica.
7 Bilang pagtulad kay Pablo, inaalagaan ng mga Kristiyanong pastol sa ngayon ang kawan. Maaaring may mga kapatid na hindi likas na palakaibigan. Gayunman, sinisikap pa rin ng mga elder na maging maunawain at ‘makasumpong ng mabuti’ sa kanila. (Kaw. 16:20) Palibhasa’y di-sakdal, maaaring mahirap sa isang elder na magkaroon ng positibong pangmalas sa bawat kapatid. Pero habang ginagawa niya ang buong makakaya na maging banayad sa lahat, hindi ba dapat siyang papurihan sa pagsisikap niyang maging mahusay na pastol sa ilalim ni Kristo?
8, 9. Paano masasabing ang mga elder sa ngayon ay ‘nagbabantay sa ating mga kaluluwa’?
8 Tayong lahat ay may dahilan para “maging mapagpasakop” sa mga elder. Gaya ng isinulat ni Pablo, ‘nagbabantay sila sa ating mga kaluluwa.’ (Heb. 13:17) Ipinaaalaala niyan sa atin ang isang pastol na hindi natutulog para protektahan ang kaniyang kawan. Sa katulad na paraan, ang mga elder sa ngayon ay napupuyat din sa pagtulong sa mga may problema sa kalusugan, emosyon, o espirituwalidad. Halimbawa, ang mga brother na kasama sa Hospital Liaison Committee ay ginigising kapag may emergency. Talagang pinahahalagahan natin ang kanilang tulong kapag napapaharap tayo sa gayong sitwasyon!
9 Ang mga elder sa mga Regional Building Committee at sa mga relief committee ay nagpapagal sa pagtulong sa mga kapatid. Karapat-dapat sila sa ating buong-pusong pagsuporta! Kuning halimbawa ang ginawang pagtulong nang humagupit ang Bagyong Nargis sa Myanmar noong 2008. Para makarating sa Kongregasyon ng Bothingone sa nasalantang rehiyon ng Irrawaddy Delta, ang relief team ay dumaan sa lugar kung saan nagkalat ang mga bangkay. Nang makita ng mga kapatid ang unang relief team na dumating sa Bothingone kasama ang dati nilang tagapangasiwa ng sirkito, napasigaw sila: “Nandito ang circuit overseer natin! Iniligtas tayo ni Jehova!” Ipinagpapasalamat mo ba na araw at gabing nagpapagal ang mga elder? Ang ilang elder ay inaatasang maglingkod bilang miyembro ng mga espesyal na komite para humawak ng mabibigat na hudisyal na kaso. Hindi nila ipinagmamalaki ang kanilang nagagawa. Pero talagang pinahahalagahan ng mga natutulungan nila ang kanilang paglilingkod.—Mat. 6:2-4.
10. Anong mga gawain ng mga elder ang di-gaanong napapansin ng mga mamamahayag?
10 Maraming elder sa ngayon ang nag-aasikaso ng iba pang mga gawain. Halimbawa, ang koordineytor ng lupon ng matatanda ang gumagawa ng iskedyul ng mga pulong. Ang kalihim ng kongregasyon ang nag-aasikaso sa buwanan at taunang ulat ng paglilingkod sa larangan. Ang tagapangasiwa ng paaralan naman ang gumagawa ng iskedyul ng paaralan. Tuwing ikatlong buwan, ino-audit ang account ng kongregasyon. Binabasa ng mga elder ang mga liham mula sa tanggapang pansangay at sinusunod ang mga tagubiling nagtataguyod ng “pagkakaisa sa pananampalataya.” (Efe. 4:3, 13) Dahil sa pagsisikap ng masisipag na elder, ‘nagaganap ang lahat ng bagay nang disente at ayon sa kaayusan.’—1 Cor. 14:40.
“Namumuno sa Inyo”
11, 12. Sino ang namumuno sa kongregasyon, at ano ang nasasangkot dito?
11 Sinabi ni Pablo na ang masisipag na matatandang lalaki sa Tesalonica ay “namumuno” sa kongregasyon. Sa orihinal na wika, ang salitang ito ay nagpapahiwatig ng “pagtayo sa harap” at maisasaling “nangangasiwa; nangunguna.” (1 Tes. 5:12; tlb. sa Reference Bible) Sinabi rin ni Pablo na ang matatandang iyon ay “nagpapagal.” Hindi isang “punong tagapangasiwa” ang tinutukoy niya kundi ang lahat ng matatandang lalaki sa kongregasyon. Sa ngayon, ang karamihan sa mga elder ay tumatayo sa harap ng kongregasyon at nangangasiwa sa mga pulong. Ang bagong terminong “koordineytor ng lupon ng matatanda” ay tumutulong sa atin na ituring ang lahat ng elder bilang mga miyembro ng nagkakaisang lupon.
12 Ang ‘pamumuno’ sa kongregasyon ay hindi lang basta pagtuturo. Ginamit din ang salitang “namumuno” sa 1 Timoteo 3:4. Sinabi ni Pablo na ang tagapangasiwa ay dapat na “isang lalaking namumuno sa kaniyang sariling sambahayan sa mahusay na paraan, [na] may mga anak na nagpapasakop nang buong pagkaseryoso.” Dito, ang terminong ‘pamumuno’ ay maliwanag na sumasaklaw hindi lang sa pagtuturo sa kaniyang mga anak kundi pati sa pangunguna sa pamilya at sa pagkakaroon ng “mga anak na nagpapasakop.” Oo, ang mga elder ay nangunguna sa kongregasyon, anupat tinutulungan ang lahat na magpasakop kay Jehova.—1 Tim. 3:5.
13. Sa kanilang miting, bakit maaaring gumugol ang mga elder ng mahabang panahon bago makabuo ng desisyon?
13 Para makapamunong mabuti sa kawan, pinag-uusapan ng mga elder kung paano pangangalagaan ang kongregasyon. Baka nga mas mabilis kung isang elder lang ang gagawa ng lahat ng desisyon. Pero bilang pagsunod sa halimbawa ng unang-siglong lupong tagapamahala, malayang pinag-uusapan ng mga lupon ng matatanda ang mga bagay-bagay gamit ang Kasulatan. Tunguhin nilang ikapit ang mga simulain ng Bibliya sa pangangailangan Gawa 15:2, 6, 7, 12-14, 28.
ng kongregasyon. Mabisa itong magagawa kung ang bawat elder ay maghahanda para sa kanilang miting, anupat isinasaalang-alang ang Kasulatan at mga tagubilin ng uring tapat at maingat na alipin. Siyempre pa, gugugol ito ng panahon. Kapag magkakaiba sila ng opinyon, gaya ng nangyari noong pag-usapan ng unang-siglong lupong tagapamahala ang tungkol sa pagtutuli, baka kailangan ang karagdagang panahon at pagsasaliksik para makabuo ng desisyon salig sa Kasulatan.—14. Pinahahalagahan mo ba ang pagkakaisa ng lupon ng matatanda? Bakit?
14 Ano kaya ang mangyayari kung ipipilit ng isang elder ang gusto niya o hihikayatin niya ang iba na pumanig sa kaniyang mga ideya? O paano kung may maghasik ng pagkakabaha-bahagi, gaya ng ginawa ni Diotrepes noon? (3 Juan 9, 10) Siguradong maaapektuhan ang buong kongregasyon. Kung tinangka ni Satanas na guluhin ang unang-siglong kongregasyon, tiyak na gusto rin niyang sirain ang kapayapaan ng kongregasyon sa ngayon. Baka gamitin niya ang makasariling tendensiya ng tao, gaya ng paghahangad na maging prominente. Kaya naman kailangang linangin ng mga elder ang kapakumbabaan at gumawang magkakasama bilang nagkakaisang lupon. Talagang pinahahalagahan natin ang kapakumbabaan ng mga elder na nagtutulungan bilang isang lupon!
“Nagpapaalaala sa Inyo”
15. Ano ang motibo ng mga elder kapag nagpapayo sa mga kapatid?
15 Pagkatapos, itinampok ni Pablo ang isang mahirap pero mahalagang gawain ng matatandang lalaki: ang pagpapaalaala sa kawan. Sa Kristiyanong Griegong Kasulatan, si Pablo lang ang gumamit ng isang terminong Griego na isinaling “paalalahanan.” Maaari Gawa 20:31; 2 Tes. 3:15) Halimbawa, sumulat si Pablo sa mga taga-Corinto: “Isinusulat ko ang mga bagay na ito, hindi upang hiyain kayo, kundi upang paalalahanan kayo bilang minamahal kong mga anak.” (1 Cor. 4:14) Maibiging pagmamalasakit ang motibo niya sa pagpapayo.
itong tumukoy sa mariing payo pero hindi nagpapahiwatig ng galit. (16. Ano ang makabubuting isaisip ng mga elder kapag nagpapayo?
16 Laging isinasaisip ng mga elder na mahalaga ang paraan ng kanilang pagpapayo. Sinisikap nilang tularan ang pagiging mabait, maibigin, at matulungin ni Pablo. (Basahin ang 1 Tesalonica 2:11, 12.) Siyempre pa, ang mga elder ay ‘nanghahawakang mahigpit sa tapat na salita upang magawa nilang magpayo sa pamamagitan ng turo na nakapagpapalusog.’—Tito 1:5-9.
17, 18. Ano ang dapat mong tandaan kapag pinapayuhan ka ng isang elder?
17 Sabihin pa, ang mga elder ay di-sakdal at posibleng makapagsalita ng mga bagay na pagsisisihan nila sa bandang huli. (1 Hari 8:46; Sant. 3:8) Bukod diyan, alam ng mga elder na para sa mga kapatid, ang pagtanggap ng payo ay karaniwan nang hindi “nakagagalak, kundi nakapipighati.” (Heb. 12:11) Kaya malamang na nagbubulay-bulay muna ang mga elder at nananalangin bago lapitan ang isang kapatid para paalalahanan ito. Kapag pinaalalahanan ka ng isang elder, pahahalagahan mo ba ang kaniyang maibiging pagmamalasakit?
18 Ipagpalagay nang mayroon kang sakit na hindi matukoy. Pero may isang doktor na nakapagsabi kung ano talaga ang problema mo. Kaya lang, parang ang hirap tanggapin ng diyagnosis niya. Maghihinanakit ka ba sa doktor na iyon? Siyempre, hindi! Sa katunayan, kapag inirekomenda niyang magpaopera ka, malamang na papayag ka dahil naniniwala kang para sa kabutihan mo iyon. Maaaring sumamâ ang loob mo sa paraan ng pakikipag-usap ng doktor, pero dapat bang makaapekto iyon sa desisyon mo? Malamang na hindi. Sa katulad na paraan, huwag mong tanggihan ang payo ng mga elder dahil lang sa hindi mo nagustuhan ang kanilang paraan ng pagpapayo. Ginagamit sila ni Jehova at ni Jesus para tulungan kang maprotektahan ang iyong espirituwalidad.
Pahalagahan ang mga Elder na Inilalaan ni Jehova
19, 20. Paano mo maipakikita ang pagpapahalaga sa “kaloob na mga tao”?
19 Ano ang gagawin mo kapag nakatanggap ka ng isang kaloob na ginawa para sa iyo? Gagamitin mo ba iyon para ipakita ang iyong pagpapahalaga? Naglaan sa iyo si Jehova ng “kaloob na mga tao” sa pamamagitan ni Jesu-Kristo. Ang isang paraan para ipakitang nagpapahalaga ka ay ang pakikinig na mabuti sa mga pahayag ng mga elder at ang pagsisikap na ikapit ang mga puntong binanggit nila. Maipakikita mo rin ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng magagandang komento sa pulong. Suportahan ang gawaing pinangungunahan ng mga elder, gaya ng ministeryo sa larangan. Kung nakinabang ka sa payo ng isang elder, puwede mo itong sabihin sa kaniya. Bukod diyan, puwede mong ipakita ang iyong pagpapahalaga sa pamilya ng mga elder. Tandaan, kapag nagpapagal ang isang elder sa kongregasyon, isinasakripisyo ng kaniyang pamilya ang panahon na para sana sa kanila.
20 Oo, marami tayong dahilan para pahalagahan ang mga elder, na nagpapagal para sa atin, namumuno sa atin, at nagpapaalaala sa atin. Talagang isang maibiging paglalaan ni Jehova ang gayong “kaloob na mga tao”!
Natatandaan Mo Ba?
• Bakit dapat pahalagahan ng mga Kristiyano sa Tesalonica ang mga nangunguna sa kanila?
• Paano nagpapagal para sa iyo ang mga elder sa inyong kongregasyon?
• Paano ka nakikinabang sa pamumuno ng mga elder?
• Kapag pinaaalalahanan ka ng isang elder, ano ang dapat mong tandaan?
[Mga Tanong sa Aralin]
[Larawan sa pahina 27]
Pinahahalagahan mo ba ang iba’t ibang paraan ng pagpapastol ng mga elder sa kongregasyon?