Ginagabayan ng Espiritu ng Diyos—Noong Unang Siglo at Ngayon
Ginagabayan ng Espiritu ng Diyos—Noong Unang Siglo at Ngayon
“Ang lahat ng gawaing ito ay isinasagawa ng mismong espiritu ring iyon.”—1 COR. 12:11.
1. Ano ang tatalakayin natin sa artikulong ito?
KAPANA-PANABIK ang mga nangyari noong Pentecostes 33 C.E.! (Gawa 2:1-4) Ang pagbubuhos ng banal na espiritu ay hudyat ng napakalaking pagbabago sa pakikitungo ng Diyos sa kaniyang mga lingkod. Sa naunang artikulo, tinalakay natin kung paano tinulungan ng espiritu ng Diyos ang tapat na mga lingkod niya para magampanan ang mahihirap na atas. Pero ano ang pagkakaiba ng pagkilos ng espiritu ng Diyos bago ang panahong Kristiyano at noong unang siglo? At paano nakikinabang ang mga Kristiyano sa pagkilos ng banal na espiritu ng Diyos sa ngayon? Tingnan natin.
“Narito! Ang Aliping Babae ni Jehova!”
2. Paano nalaman ni Maria ang kamangha-manghang mga bagay na nagagawa ng banal na espiritu?
2 Naroroon si Maria sa Jerusalem sa malaking silid sa itaas nang ibuhos ang ipinangakong banal na espiritu. (Gawa 1:13, 14) Pero mahigit tatlong dekada bago ang pangyayaring ito, alam na niya ang kamangha-manghang mga bagay na nagagawa ng espiritu ni Jehova. Inilipat ni Jehova ang buhay ng Kaniyang Anak mula sa langit tungo sa lupa, kung kaya nagdalang-tao si Maria bagaman siya’y isang birhen. Naglihi siya “sa pamamagitan ng banal na espiritu.”—Mat. 1:20.
3, 4. Anong saloobin ang ipinakita ni Maria, at paano natin siya matutularan?
3 Bakit si Maria ang pinili ni Jehova? Matapos ipaliwanag sa kaniya ng anghel ang kalooban ni Jehova, sinabi ni Maria: “Narito! Ang aliping babae ni Jehova! Maganap nawa ito sa akin ayon sa iyong kapahayagan.” (Luc. 1:38) Masasalamin sa sinabi ni Maria ang kaniyang saloobin. Handa niyang gawin ang kalooban ng Diyos para sa kaniya, anuman ang isipin ng mga tao tungkol sa pagdadalang-tao niya o sa magiging epekto nito sa relasyon niya sa kaniyang kasintahan. Nang tukuyin niya ang sarili bilang alipin, ipinakita ni Maria na lubusan siyang nagtitiwala kay Jehova bilang kaniyang Panginoon.
4 Kung minsan, nadarama mo bang masyadong mabigat ang mga pananagutan mo sa paglilingkod sa Diyos? Makabubuting itanong natin: ‘Lubusan ba akong nagtitiwala na pangyayarihin ni Jehova ang mga bagay-bagay ayon sa kaniyang kalooban? Talaga bang handa akong gawin ang kalooban ni Jehova?’ Makatitiyak kang ibinibigay ng Diyos ang kaniyang espiritu sa mga nagtitiwala sa kaniya nang buong puso at kumikilala sa kaniya bilang Soberano.—Gawa 5:32.
Tinulungan si Pedro ng Banal na Espiritu
5. Sa anu-anong paraan nakita ni Pedro ang pagkilos ng banal na espiritu bago ang Pentecostes 33 C.E.?
5 Gaya ni Maria, nakita at nadama ni apostol Pedro ang kapangyarihan ng banal na espiritu ng Diyos bago ang Pentecostes 33 C.E. Binigyan ni Jesus si Pedro at ang iba pang apostol ng awtoridad na magpalayas ng mga demonyo. (Mar. 3:14-16) At bagaman hindi detalyado ang ulat ng Kasulatan, malamang na ginamit ni Pedro ang awtoridad na iyon. Nakita rin ang kapangyarihan ng Diyos nang makapaglakad si Pedro sa ibabaw ng Dagat ng Galilea patungo kay Jesus. (Basahin ang Mateo 14:25-29.) Maliwanag na nakagawa si Pedro ng mga himala sa tulong ng banal na espiritu. Di-magtatagal, ang espiritung iyon ay kikilos kay Pedro at sa kaniyang mga kapuwa alagad sa iba pang paraan.
6. Sa tulong ng espiritu ng Diyos, ano ang nagawa ni Pedro noong Pentecostes 33 C.E. at pagkatapos nito?
6 Noong Kapistahan ng Pentecostes 33 C.E., si Pedro at ang iba pa ay makahimalang nakapagsalita ng mga wika ng mga dumayo sa Jerusalem. Pagkatapos, tumayo si Pedro para magpahayag sa pulutong. (Gawa 2:14-36) Oo, ang taong ito na kung minsan ay padalus-dalos at kung minsan nama’y matatakutin ay binigyan ng lakas ng loob na magpatotoo kahit pinagbabantaan at pinag-uusig. (Gawa 4:18-20, 31) Tumanggap siya ng kaalaman sa pamamagitan ng pagsisiwalat ng Diyos. (Gawa 5:8, 9) Binigyan pa nga siya ng kapangyarihang bumuhay-muli ng patay.—Gawa 9:40.
7. Anong mga turo ni Jesus ang naunawaan lang ni Pedro nang pahiran siya ng banal na espiritu?
7 Bago pa man ang Pentecostes, nakuha na ni Pedro ang diwa ng maraming katotohanang itinuro ni Jesus. (Mat. 16:16, 17; Juan 6:68) Pero may mga turo si Jesus na naintindihan lang ni Pedro pagkatapos ng Pentecostes. Halimbawa, hindi naunawaan ni Pedro na bubuhaying muli si Kristo bilang espiritu sa ikatlong araw o na ang Kaharian ay itatatag sa langit. (Juan 20:6-10; Gawa 1:6) Hindi rin naunawaan ni Pedro na ang mga tao ay maaaring maging espiritung nilalang at maghari sa makalangit na Kaharian. Pero nang siya mismo ay mabautismuhan sa banal na espiritu at mabigyan ng makalangit na pag-asa, naunawaan niya ang mga turong iyon ni Jesus.
8. Anong kaalaman ang maaaring makuha kapuwa ng mga pinahiran at ng ibang mga tupa?
8 Nang tumanggap ng banal na espiritu ang mga alagad ni Jesus, naunawaan nila ang mga turo na dati’y hindi malinaw sa Efe. 3:8-11, 18) Sa ngayon, maaaring pag-aralan at maunawaan kapuwa ng mga pinahiran at ng ibang mga tupa ang mga katotohanang ito. (Juan 10:16) Pinahahalagahan mo ba ang kaalaman at kaunawaan sa Salita ng Diyos na tinatanggap mo sa tulong ng banal na espiritu?
kanila. Kinasihan ng espiritu ng Diyos ang mga manunulat ng Kristiyanong Griegong Kasulatan para maipaliwanag sa atin ang kamangha-manghang mga katotohanan tungkol sa layunin ni Jehova. (Si Pablo ay ‘Napuspos ng Banal na Espiritu’
9. Ano ang naisagawa ni Pablo sa tulong ng banal na espiritu?
9 Mga isang taon pagkatapos ng Pentecostes 33 C.E., may isa pang tumanggap ng kaloob ng Diyos na banal na espiritu. Siya si Saul, na nakilala nang maglaon bilang Pablo. Ang mga nagawa niya sa tulong ng banal na espiritu ay pinakikinabangan pa rin natin. Halimbawa, kinasihan siyang sumulat ng 14 na aklat ng Bibliya. Gaya ni Pedro, si Pablo ay tinulungan ng espiritu ng Diyos na maunawaan at maisulat ang tungkol sa pag-asa ng imortalidad at walang-kasiraang buhay sa langit. Sa tulong ng banal na espiritu, si Pablo ay nakapagpagaling, nakapagpalayas ng mga demonyo, at bumuhay ng patay! Pero mayroon pang mas mahalagang dahilan kung bakit nagbigay ang Diyos ng kapangyarihan sa pamamagitan ng banal na espiritu. Ito rin ang dahilan kung bakit tumatanggap ng kapangyarihan ang mga lingkod ng Diyos sa ngayon, bagaman hindi sa makahimalang paraan.
10. Paano tinulungan ng banal na espiritu si Pablo na magkaroon ng kakayahang magsalita?
10 “Nang mapuspos [si Pablo] ng banal na espiritu,” buong-tapang siyang nagsalita laban sa isang manggagaway. Malaki ang naging epekto nito sa punong administrador ng Ciprus na nakikinig noon. Tinanggap ng proconsul na iyon ang katotohanan, “sapagkat lubha siyang namangha sa turo ni Jehova.” (Gawa 13:8-12) Talagang alam na alam ni Pablo ang kahalagahan ng banal na espiritu ng Diyos pagdating sa pagsasalita ng katotohanan. (Mat. 10:20) Nang maglaon, hiniling niya sa kongregasyon sa Efeso na ipanalanging bigyan siya ng “kakayahang magsalita.”—Efe. 6:18-20.
11. Paano ginabayan si Pablo ng espiritu ng Diyos?
11 Hindi lang tinulungan ng banal na espiritu si Pablo na magsalita. Pinagbawalan din siya nito na magsalita sa ilang lugar. Ginabayan si Pablo ng espiritu ng Diyos sa kaniyang mga paglalakbay bilang misyonero. (Gawa 13:2; basahin ang Gawa 16:6-10.) Ginagabayan pa rin ni Jehova ang pangangaral sa pamamagitan ng kaniyang espiritu. Gaya ni Pablo, sinisikap ng lahat ng masunuring lingkod ni Jehova na ihayag ang katotohanan nang may katapangan at sigasig. Bagaman ang paraan ng pagbibigay ng Diyos ng tagubilin ay hindi katulad noong panahon ni Pablo, makasisiguro tayong ginagamit ni Jehova ang kaniyang banal na espiritu para tiyaking maririnig ng mga karapat-dapat ang katotohanan.—Juan 6:44.
“Sari-saring Gawain”
12-14. Pare-pareho ba ang pagkilos ng espiritu ng Diyos sa lahat ng kaniyang mga lingkod? Ipaliwanag.
12 Nakapagpapatibay ba sa nakaalay na mga lingkod ng Diyos sa ngayon ang ulat tungkol sa 1 Cor. 12:4-6, 11) Oo, maaaring kumilos sa mga lingkod ng Diyos ang banal na espiritu sa iba’t ibang paraan para sa espesipikong layunin. Kapuwa ang “munting kawan” at ang “ibang mga tupa” ni Kristo ay tumatanggap ng banal na espiritu. (Luc. 12:32; Juan 10:16) Pero hindi pare-pareho ang pagkilos nito sa bawat miyembro ng kongregasyon.
pagpapala ng Diyos sa kongregasyon ng mga pinahirang Kristiyano noong unang siglo? Tiyak iyon! Tandaan ang isinulat ni Pablo sa kongregasyon sa Corinto hinggil sa makahimalang mga kaloob ng espiritu noong panahon niya: “Ngayon ay may sari-saring kaloob, ngunit may iisang espiritu; at may sari-saring ministeryo, at gayunma’y may iisang Panginoon; at may sari-saring gawain, at gayunma’y iisang Diyos ang nagsasagawa ng lahat ng paggawa sa lahat ng mga tao.” (13 Halimbawa, ang mga elder ay hinihirang ng banal na espiritu. (Gawa 20:28) Pero hindi lahat ng Kristiyanong pinahiran ng espiritu ay naglilingkod bilang tagapangasiwa sa kongregasyon. Ano ang ibig sabihin nito? Na ang espiritu ng Diyos ay kumikilos sa mga miyembro ng kongregasyon sa iba’t ibang paraan.
14 Ang espiritu na nagkikintal sa isip ng mga pinahiran na sila’y inampon bilang mga anak ng Diyos ang siya ring espiritu na ginamit ni Jehova para buhaying-muli si Jesus sa langit. (Basahin ang Roma 8:11, 15.) Ang espiritung ito ang ginamit ni Jehova para lalangin ang buong uniberso. (Gen. 1:1-3) Ang banal na espiritu ring ito ang gumabay kay Bezalel sa kaniyang pantanging atas sa tabernakulo, nagbigay kay Samson ng pambihirang lakas, at tumulong kay Pedro na makalakad sa tubig. Kaya tandaan natin na hindi lahat ng ginagabayan ng espiritu ng Diyos ay pinahiran ng banal na espiritu, yamang ang huling nabanggit ay isa lang sa mga paraan ng pagkilos ng banal na espiritu. Ang Diyos ang pumipili ng pinapahiran niya ng kaniyang espiritu.
15. Magpapatuloy ba nang walang hanggan ang bautismo sa banal na espiritu? Ipaliwanag.
15 Malaon nang kumikilos ang aktibong puwersa ng Diyos sa kaniyang tapat na mga lingkod sa maraming iba’t ibang paraan, libu-libong taon bago pa magsimulang pahiran ng espiritu ng Diyos ang mga tao. Noong Pentecostes 33 C.E., nagsimula ang bagong pagkilos na ito ng espiritu, pero may katapusan ito. Ang bautismo sa espiritu ay titigil, pero patuloy na kikilos ang banal na espiritu sa bayan ng Diyos para magawa nila ang kaniyang kalooban magpakailanman.
16. Ano ang nagagawa ng mga lingkod ng Diyos sa ngayon sa tulong ng kaniyang espiritu?
16 Ano ang nagaganap ngayon sa lupa sa tulong ng banal na espiritu ni Jehova? Ganito ang sagot ng Apocalipsis 22:17: “Ang espiritu at ang kasintahang babae ay patuloy na nagsasabi: ‘Halika!’ At ang sinumang nakikinig ay magsabi: ‘Halika!’ At ang sinumang nauuhaw ay pumarito; ang sinumang nagnanais ay kumuha ng tubig ng buhay nang walang bayad.” Palibhasa’y pinakilos ng espiritu ng Diyos, ipinaaabot ngayon ng mga Kristiyano sa “sinumang nagnanais” ang paanyaya ni Jehova na tumanggap ng tubig ng buhay. Nangunguna sa gawaing ito ang mga pinahirang Kristiyano. Pero nag-aanyaya rin ang ibang mga tupa. Ang dalawang grupong ito ay nakikipagtulungan sa banal na espiritu sa pagsasagawa ng gawaing ito. Parehong sinagisagan ng dalawang grupong ito ang kanilang pag-aalay kay Jehova sa pamamagitan ng pagpapabautismo “sa pangalan ng Ama at ng Anak at ng banal na espiritu.” (Mat. 28:19) Nagpapagabay sila sa espiritu ng Diyos at ipinakikita nila ang bunga nito sa kanilang buhay. (Gal. 5:22, 23) Sa tulong ng espiritu ng Diyos, sinisikap nilang maabot ang mga pamantayan ni Jehova sa kabanalan.—2 Cor. 7:1; Apoc. 7:9, 14.
Patuloy na Humingi ng Banal na Espiritu
17. Paano mo maipakikitang taglay mo ang espiritu ng Diyos?
17 Ang pag-asa mo man ay buhay na walang hanggan sa langit o sa lupa, mabibigyan ka ni Jehova ng “lakas na higit sa karaniwan” para makapanatiling tapat at tumanggap ng 2 Cor. 4:7) Baka tuyain ka dahil sa pangangaral ng mabuting balita ng Kaharian. Pero tandaan mo na ‘kung dinudusta ka dahil sa pangalan ni Kristo, maligaya ka, sapagkat ang espiritu ng kaluwalhatian, ang espiritu mismo ng Diyos, ay namamalagi sa iyo.’—1 Ped. 4:14.
gantimpala. (18, 19. Paano ka tutulungan ni Jehova sa pamamagitan ng kaniyang banal na espiritu? Ano ang determinasyon mo?
18 Ang banal na espiritu ay walang-bayad na ipinagkakaloob ng Diyos sa mga taimtim na humihingi nito. Mapasusulong nito ang iyong mga kakayahan at mapasisidhi ang pagnanais mong gawin ang iyong buong makakaya sa paglilingkod sa Diyos. “Ang Diyos ang isa na alang-alang sa kaniyang ikinalulugod ay kumikilos sa loob ninyo upang kapuwa ninyo loobin at ikilos.” Sa tulong ng kaloob na banal na espiritu, pati na ng iyong marubdob na pagsisikap na manatiling “mahigpit na nakakapit sa salita ng buhay,” ‘patuloy kang makagagawa ukol sa iyong sariling kaligtasan nang may takot at panginginig.’—Fil. 2:12, 13, 16.
19 Kung gayon, lubusang magtiwala sa espiritu ni Jehova, dibdibin ang anumang atas niya sa iyo, at umasa sa kaniyang pag-alalay. (Sant. 1:5) Tutulungan ka niyang maunawaan ang kaniyang Salita, maharap ang mga problema sa buhay, at maipangaral ang mabuting balita. Nangako si Jesus: “Patuloy na humingi, at ibibigay ito sa inyo; patuloy na maghanap, at kayo ay makasusumpong; patuloy na kumatok, at bubuksan ito sa inyo.” (Luc. 11:9, 13) Kasali rito ang paghingi ng banal na espiritu. Kaya patuloy mong hilingin kay Jehova na matularan mo ang tapat na mga lingkod niya—noon at ngayon—na ginagabayan ng kaniyang banal na espiritu.
Maipaliliwanag Mo Ba?
• Anong saloobin ni Maria ang nagdudulot ng pagpapala at dapat nating tularan?
• Sa anong paraan ginabayan si Pablo ng espiritu ng Diyos?
• Paano ginagabayan ng banal na espiritu ang mga lingkod ng Diyos sa ngayon?
[Mga Tanong sa Aralin]
[Larawan sa pahina 24]
Sa tulong ng espiritu ng Diyos, buong-tapang na nagsalita si Pablo laban sa isang manggagaway
[Larawan sa pahina 26]
Sa ngayon, tinutulungan ng banal na espiritu ang mga Kristiyano, anuman ang pag-asa nila