Matuto Mula sa ‘Balangkas ng Katotohanan’
“[Taglay ninyo ang] balangkas ng kaalaman at ng katotohanan sa Kautusan.”—ROMA 2:20.
1. Bakit mahalagang maunawaan natin ang kahulugan ng Kautusang Mosaiko?
SA TULONG ng kinasihang mga liham ni apostol Pablo, nauunawaan natin ang maraming aspekto ng Kautusang Mosaiko. Halimbawa, sa kaniyang liham sa mga Hebreo, ipinaliwanag niya kung paanong si Jesus bilang ‘tapat na mataas na saserdote’ ay minsanang nakapaghandog ng “pampalubag-loob na hain” para magtamo ng “walang-hanggang katubusan” ang mga mananampalataya rito. (Heb. 2:17; 9:11, 12) Sinabi ni Pablo na ang tabernakulo ay “anino [lamang] ng makalangit na mga bagay” at na si Jesus ang naging Tagapamagitan ng ‘isang tipan na mas mabuti’ kaysa sa Kautusan ni Moises. (Heb. 7:22; 8:1-5) Ang mga paliwanag ni Pablo tungkol sa Kautusan ay malaking tulong para sa mga Kristiyano noong panahon niya, at maging sa atin ngayon. Matutulungan tayo nito na lubusang mapahalagahan ang lahat ng ginawa ng Diyos para sa atin.
2. Ano ang bentaha ng mga Judiong Kristiyano sa mga Gentil?
2 Sa kaniyang liham sa mga taga-Roma, may mga isinulat si Pablo na patungkol sa mga Judiong Kristiyano na nakatira doon at naturuan sa Kautusang Mosaiko. Sinabi niya na yamang alam ng mga ito ang Kautusan, may bentaha sila dahil taglay nila ang “balangkas ng kaalaman at ng katotohanan” hinggil kay Jehova at sa Kaniyang matuwid na mga simulain. Dahil nauunawaan at iginagalang nila ang ‘balangkas na iyon ng katotohanan,’ ang mga Judiong Kristiyanong iyon, gaya ng tapat na mga Judiong nauna sa kanila, ay makapagtuturo sa mga walang alam sa Kautusang ibinigay ni Jehova sa kaniyang bayan.—Basahin ang Roma 2:17-20.
MGA ANINO NG HAIN NI JESUS
3. Paano tayo makikinabang sa pag-aaral tungkol sa paghahain ng sinaunang mga Judio?
3 Para maunawaan ang mga layunin ni Jehova, kailangan natin ang balangkas ng katotohanang nabanggit ni Pablo. Mahalaga pa rin ang mga simulaing itinuro ni Jehova sa kaniyang bayan sa pamamagitan ng Kautusang Mosaiko. Kung gayon, talakayin natin ang isang aspekto ng Kautusang iyon—kung paano inakay ng iba’t ibang hain at handog ang mapagpakumbabang mga Judio tungo kay Kristo at kung paano sila tinulungan nito na maunawaan ang mga kahilingan ng Diyos. At yamang hindi nagbabago ang saligang mga kahilingan ni Jehova sa kaniyang mga lingkod, makikita rin natin kung paanong ang mga batas ng Diyos hinggil sa mga hain at handog ay makatutulong sa atin na suriin ang kalidad ng ating sagradong paglilingkod.—Mal. 3:6.
4, 5. (a) Ano ang ipinaalaala ng Kautusang Mosaiko sa bayan ng Diyos? (b) Sa ano lumalarawan ang mga haing itinakda ng Kautusan?
4 Maraming aspekto ng Kautusang Mosaiko ang nagpaalaala sa mga Judio na makasalanan sila. Halimbawa, sinumang humipo ng bangkay ng tao ay kailangang sumailalim sa pagpapadalisay. Para magawa ito, isang malusog na pulang baka ang kailangang patayin at sunugin. Ang mga abo nito ay inihahalo sa “tubig na panlinis,” na iwiwisik sa taong pinadadalisay sa ikatlo at ikapitong araw pagkatapos siyang marumhan. (Bil. 19:1-13) Ayon din sa Kautusan, ang mga babaing nagsilang ay nagiging marumi sa loob ng isang yugto ng panahon. Pagkatapos nito, kailangan nilang magbayad-sala sa pamamagitan ng paghahain. Ipinaalaala nito sa mga Judio na ang lahat ay ipinanganak na di-sakdal at makasalanan.—Lev. 12:1-8.
5 May iba pang mga pagkakataon na kailangang maghandog ang mga Judio ng mga haing hayop para sa kapatawaran ng kanilang mga kasalanan. Naunawaan man nila o hindi, ang mga haing inihandog sa tabernakulo—at yaong mga inihandog nang maglaon sa templo ni Jehova—ay “anino” ng sakdal na hain ni Jesus.—Heb. 10:1-10.
ANG TAMANG SALOOBIN SA PAGHAHAIN
6, 7. (a) Ano ang dapat tandaan ng mga Israelita kapag pumipili ng ihahandog, at ano ang ipinahihiwatig ng kahilingang ito? (b) Anong mga tanong ang maaari nating pag-isipan?
6 Mahalagang kahilingan ni Jehova sa mga Israelita ang paghahandog ng mga hayop na “malusog”—hindi bulag, walang kapansanan, sakit, o pinsala. (Lev. 22:20-22) Ang mga bunga o butil na ihahandog ay kailangang “mga unang bunga,” ang “pinakamainam” sa kanilang ani. (Bil. 18:12, 29) Hindi katanggap-tanggap kay Jehova ang segunda-klaseng handog. Ang mahalagang kahilingang ito hinggil sa mga haing hayop ay nagpapahiwatig na walang batik at walang dungis ang magiging hain ni Jesus. Ipinahihiwatig din nito na ang pantubos na ibibigay ni Jehova para sa sangkatauhan ay ang pinakamainam at pinakamahalaga sa Kaniya.—1 Ped. 1:18, 19.
7 Kung ang naghahain ay talagang nagpapasalamat kay Jehova sa lahat ng Kaniyang kabutihan, pipiliin niya ang pinakamainam sa pag-aari niya, hindi ba? Bagaman siya ang magpapasiya, alam niyang hindi malulugod ang Diyos sa mga handog na may depekto. Malakias 1:6-8, 13.) Kaya naman dapat nating suriin ang ating paglilingkod sa Diyos: ‘Ano ang saloobin ko sa paglilingkod kay Jehova? Kailangan ko bang pag-isipan ang kalidad ng aking paglilingkod at ang aking motibo?’
Ipahihiwatig nito na itinuturing niyang pormalidad lang, o pabigat pa nga, ang paghahain. (Basahin ang8, 9. Ano ang matututuhan natin hinggil sa saloobin ng mga Israelita kapag naghahain?
8 Ang isang Israelita ay maaaring kusang-loob na maghandog kay Jehova para ipakita ang kaniyang pasasalamat. O maaari din niyang hilingin ang pagsang-ayon ni Jehova sa pamamagitan ng kusang-loob na pagbibigay ng handog na sinusunog. Sa gayong mga kaso, malamang na hindi siya magdadalawang-isip na ihandog kay Jehova ang pinakamainam. Sa ngayon, ang mga Kristiyano ay hindi na naghahandog ng literal na mga haing itinakda ng Kautusan; pero naghahain pa rin sila, sa diwa na isinasakripisyo nila ang kanilang panahon, lakas, at ari-arian para paglingkuran si Jehova. Sinabi ni apostol Pablo na ang “pangmadlang pagpapahayag” ng ating pag-asa at ang “paggawa ng mabuti at ang pagbabahagi ng mga bagay-bagay sa iba” ay mga haing nagpapalugod sa Diyos. (Heb. 13:15, 16) Ipinahihiwatig ng saloobin natin sa gayong mga gawain kung gaano kalaki ang ating pagpapahalaga sa lahat ng ginawa ng Diyos para sa atin. Kaya tulad ng mga Israelita, kailangang suriin natin ang ating saloobin at motibo sa paglilingkod sa Diyos.
9 Sa ilang sitwasyon, kahilingan ng Kautusang Mosaiko na ang isang Israelita ay magbigay ng handog ukol sa kasalanan o handog ukol sa pagkakasala. Yamang obligasyon niya ito, may pagkakataon kayang napipilitan lang siyang maghandog? (Lev. 4:27, 28) Hindi magkakagayon kung talagang gusto niyang mapanatili ang mabuting kaugnayan niya kay Jehova.
10. Anong paghahain, o pagsasakripisyo, ang maaaring gawin ng mga Kristiyano para maisauli ang mga nasirang ugnayan?
10 Sa ngayon, baka dahil sa kawalang-ingat ay may masabi tayo o magawa na nakasasakit sa isang kapatid. Baka makonsensiya tayo dahil dito. Kung talagang gusto nating palugdan si Jehova, gagawin natin ang lahat para ayusin ang problema, hindi ba? Baka kailangan nating humingi ng tawad sa taong nasaktan natin, o sa kaso ng malubhang pagkakasala, kailangan nating humingi ng tulong sa maibiging mga tagapangasiwa sa kongregasyon. (Mat. 5:23, 24; Sant. 5:14, 15) Kapag nagkasala tayo laban sa isang kapatid o laban sa Diyos, kailangan tayong kumilos para ituwid ito. Para itong paghahain, o pagsasakripisyo. Sa paggawa nito, maisasauli natin ang ating nasirang kaugnayan kay Jehova at sa ating kapatid, at magkakaroon tayo ng malinis na budhi. Patitibayin naman nito ang ating pananalig na alam ni Jehova ang pinakamabuti para sa atin.
11, 12. (a) Ano ang mga haing pansalu-salo? (b) Ano ang kaugnayan ng mga ito sa ating dalisay na pagsamba sa ngayon?
Lev. 3:1; 7:31-33) Ginagawa ng mananamba ang paghahaing ito dahil gusto niyang magkaroon ng mabuting kaugnayan sa Diyos. Sa diwa, siya, ang kaniyang pamilya, ang mga saserdote, pati na si Jehova, ay masaya at payapang nagsasalu-salo sa pagkain.
11 Ang ilang haing itinakda ng Kautusang Mosaiko ay tinatawag na mga handog na pansalu-salo. Ang mga ito ay lumalarawan sa pakikipagpayapaan kay Jehova. Kakainin ng naghahandog at ng kaniyang pamilya ang karne ng inihaing hayop, marahil sa isa sa mga silid-kainan sa templo. Ang nanunungkulang saserdote at ang iba pang saserdoteng naglilingkod sa templo ay tumatanggap din ng takdang bahagi ng karne. (12 Kaya sa paghahandog ng haing pansalu-salo, sa diwa ay inaanyayahan ng mananamba si Jehova na kumaing kasama niya. Napakalaking karangalan nga kung tatanggapin ni Jehova ang kaniyang paanyaya! Tiyak na gugustuhin niyang ihain sa Diyos ang pinakamainam. Ang mga haing pansalu-salo ay bahagi ng balangkas ng katotohanan na nasa Kautusan, at ipinahihiwatig ng mga ito na ang mga tao ay maaaring magkaroon ng mapayapang kaugnayan sa Maylalang sa pamamagitan ng mas dakilang hain ni Jesus. Sa ngayon, maaari nating makamit ang pakikipagkaibigan ni Jehova kung kusang-loob nating isasakripisyo, o gagamitin, ang ating mga tinatangkilik at lakas sa paglilingkod sa kaniya.
MGA BABALANG HALIMBAWA HINGGIL SA PAGHAHAIN
13, 14. Bakit hindi tinanggap ni Jehova ang gustong ihandog ni Haring Saul?
13 Tinatanggap ni Jehova ang mga hain kung tama ang saloobin ng naghahandog. Pero sa Bibliya, may mga babalang halimbawa hinggil sa mga hain na hindi katanggap-tanggap sa Diyos. Bakit niya tinanggihan ang mga ito? Isaalang-alang natin ang dalawang sitwasyon.
14 Sinabi ni propeta Samuel kay Haring Saul na panahon na para ilapat ni Jehova ang Kaniyang hatol sa mga Amalekita. Kaya naman inutusan si Saul na lipulin ang mga kaaway na ito, pati na ang kanilang mga alagang hayop. Pero nang magtagumpay si Saul at ang kaniyang mga tauhan, hindi nila pinatay si Agag na hari ng mga Amalekita. Hindi rin nilipol ni Saul ang pinakamainam sa kawan ng mga ito para maihain diumano kay Jehova. (1 Sam. 15:2, 3, 21) Paano tumugon si Jehova? Itinakwil niya si Saul dahil sa pagkamasuwayin nito. (Basahin ang 1 Samuel 15:22, 23.) Ano ang matututuhan natin dito? Tatanggapin lang ng Diyos ang ating mga hain kung sinusunod natin ang kaniyang mga utos.
15. Ano ang masasabi natin hinggil sa paghahandog ng mga Israelitang gumagawa ng masama noong panahon ni Isaias?
15 May isa pang halimbawa sa aklat ng Isaias. Ang mga Israelita noong panahon ni Isaias ay naghahandog para patawarin sila ni Jehova. Pero walang silbi ang mga ito dahil gumagawa naman sila ng masama. “Ano ang pakinabang ko sa karamihan ng inyong mga hain?” ang tanong ni Jehova. “Tama na sa akin ang mga buong handog na sinusunog na mga barakong tupa at ang taba ng mga patabaing hayop; at sa dugo ng mga guyang toro at mga lalaking kordero at mga kambing na lalaki ay hindi ako nalulugod. . . . Tigilan na ninyo ang pagdadala pa ng walang-kabuluhang mga handog na mga butil. Insenso—ito ay karima-rimarim sa akin.” Ano ang problema? Sinabi sa kanila ng Diyos: “Kahit nananalangin kayo ng marami, hindi ako nakikinig; ang inyo mismong mga kamay ay napuno ng pagbububo ng dugo. Maghugas kayo; magpakalinis kayo; alisin ninyo ang kasamaan ng inyong mga gawain mula sa harap ng aking mga mata; tigilan ninyo ang paggawa ng masama.”—16. Paano magiging katanggap-tanggap sa Diyos ang isang hain?
16 Hindi tinanggap ni Jehova ang mga hain ng mga makasalanang di-nagsisisi. Pero tinanggap niya ang mga panalangin at handog ng mga taimtim na nagsisikap na sumunod sa kaniyang mga utos. Itinuro ng balangkas ng Kautusan sa mga taong iyon na makasalanan sila at nangangailangan ng kapatawaran. (Gal. 3:19) Dahil dito, nagsisi sila. Dapat din nating kilalanin na kailangan natin ang hain ni Kristo—ang tanging makapagbabayad-sala sa ating mga kasalanan. Kapag nauunawaan at pinahahalagahan natin ito, “malulugod” si Jehova sa ating paglilingkod sa kaniya.—Basahin ang Awit 51:17, 19.
MANAMPALATAYA SA HAIN NI JESUS!
17-19. (a) Paano natin maipakikita kay Jehova ang pasasalamat para sa haing pantubos ni Jesus? (b) Ano ang tatalakayin sa susunod na artikulo?
17 “Anino” lamang ng mga layunin ng Diyos ang nakita ng mga Israelita. Pero nakikita na natin ang katuparan nito. (Heb. 10:1) Ang mga batas hinggil sa paghahain ay nagturo sa mga Israelita kung ano ang kailangan nilang gawin para magkaroon ng mabuting kaugnayan sa Diyos. Kailangan nilang ipakita sa kaniya ang kanilang pasasalamat, ibigay sa kaniya ang pinakamabuti, at kilalanin na kailangan nila ng pantubos. Sa ngayon, tinutulungan tayo ng Kristiyanong Griegong Kasulatan na maunawaang sa pamamagitan ng haing pantubos ni Jesus, aalisin ni Jehova ang kasalanan at kamatayan magpakailanman. Sa pamamagitan din nito, mapatatawad ang ating mga kasalanan para magkaroon tayo ng malinis na budhi ngayon. Kamangha-manghang kaloob nga ang haing pantubos!—Gal. 3:13; Heb. 9:9, 14.
18 Para makinabang sa haing pantubos, hindi sapat na basta maunawaan lang natin ito. Isinulat ni apostol Pablo: “Ang Kautusan ay naging tagapagturo natin na umaakay tungo kay Kristo, upang tayo ay maipahayag na matuwid dahil sa pananampalataya.” (Gal. 3:24) Kailangang ipakita natin ang pananampalatayang iyon sa pamamagitan ng mga gawa. (Sant. 2:26) Kaya naman pinasigla ni Pablo ang unang-siglong mga Judiong Kristiyano na ikapit sa kanilang buhay ang balangkas ng kaalamang naunawaan nila dahil sa Kautusang Mosaiko. Sa gayon, ang kanilang paggawi ay magiging kasuwato ng mga simulaing itinuturo nila.—Basahin ang Roma 2:21-23.
19 Bagaman hindi na kahilingan sa mga Kristiyano ngayon na sundin ang Kautusang Mosaiko, kailangan pa rin nating maghandog ng mga hain, o gumawa ng mga sakripisyo, na katanggap-tanggap kay Jehova. Tatalakayin sa susunod na artikulo kung paano natin ito magagawa.
[Mga Tanong sa Aralin]
[Blurb sa pahina 17]
Hindi nagbabago ang saligang mga kahilingan ni Jehova sa kaniyang mga lingkod
[Larawan sa pahina 18]
Aling hayop ang ihahandog mo kay Jehova?
[Larawan sa pahina 19]
Ang mga naghahandog ng katanggap-tanggap na hain ay may pagsang-ayon ni Jehova