Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Oo, Ito Nga ang Edisyon Para sa Pag-aaral!

Oo, Ito Nga ang Edisyon Para sa Pag-aaral!

Binago namin ang disenyo ng edisyon para sa pag-aaral upang pagandahin ito at mas makatulong sa pag-aaral mo ng mahalagang Salita ng katotohanan ni Jehova.​—Awit 1:2; 119:97.

Apat na taon na ang lumipas mula nang simulan namin ang paglalathala ng dalawang edisyon ng Ang Bantayan, isa para sa publiko at isa para sa atin na mga Saksi ni Jehova, kasama ang ating mga inaaralan sa Bibliya.

Ganito ang isinulat ng isang matagal nang lingkod ni Jehova: “Napakaganda at nakaaantig​—iyan ang impresyon ko sa unang edisyon para sa pag-aaral ng Ang Bantayan. Tumatagos sa puso ko ang detalyadong pagtalakay sa mga katotohanan sa Bibliya. Maraming salamat sa napakagandang bagong paglalaan na ito.” Ganito naman ang isinulat ng isa pang brother: “Nasasabik akong pag-aralan ang edisyong ito gamit ang aking Reference Bible.” Alam naming ganiyan din ang nadarama mo.

Gaya ng alam mo, inilalathala ang magasing Ang Bantayan mula pa noong 1879, at naging posible lamang ito dahil sa espiritu at pagpapala ni Jehova. (Zac. 4:6) Sa nakalipas na 133 taon, nagkaroon ng ilang pagbabago sa pabalat ng magasing ito. Ngayong 2012, itatampok sa pabalat ng bawat edisyon para sa pag-aaral ang isang makulay na ipinintang larawan ng isang eksena sa pangangaral. Ipaaalaala nito sa atin ang ating bigay-Diyos na atas na lubusang magpatotoo tungkol sa Kaharian ni Jehova. (Gawa 28:23) Sa pahina 2, makikita mo ang litratong pinagbatayan ng iginuhit na larawan, pati na ang maikling paliwanag tungkol dito. Ipaaalaala nito sa atin na ang bayan ni Jehova ay nangangaral ng mabuting balita “sa buong tinatahanang lupa.”​—Mat. 24:14.

Ano pang mga pagbabago ang ginawa sa magasing ito? Ang kahon para sa repaso ay inilipat sa simula ng bawat araling artikulo. Itatawag-pansin nito sa iyo ang pangunahing mga punto na dapat mong hanapin habang binabasa at pinag-aaralan mo ang artikulo. Siyempre, gagamitin pa rin ng mga konduktor ng Pag-aaral sa Bantayan ang mga tanong na ito para repasuhin ang materyal sa pagtatapos ng pag-aaral. Mapapansin mo na mas litaw ang numero ng mga pahina at parapo.

Gaya ng ipinaliliwanag sa isyung ito, isang bagong seksiyon, “Mula sa Aming Archive,” ang idinagdag para ipakita ang mahahalagang pagsulong sa makabagong-panahong kasaysayan ng mga Saksi ni Jehova. Sa pana-panahon, may itatampok ding mga karanasan sa ilalim ng seksiyong “Kusang-loob Nilang Inihandog ang Kanilang Sarili.” Ipakikita ng mga ito ang kagalakan at kasiyahang nadarama ng mga kapatid na naglilingkod kung saan mas malaki ang pangangailangan para sa mga tagapaghayag ng Kaharian.

Nawa’y masiyahan ka sa pag-aaral ng Salita ng Diyos sa tulong ng magasing ito.

Ang mga Tagapaglathala

[Larawan sa pahina 3]

1879

[Larawan sa pahina 3]

1895

[Larawan sa pahina 3]

1931

[Larawan sa pahina 3]

1950

[Larawan sa pahina 3]

1974

[Larawan sa pahina 3]

2008