Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pinunan ng Kanilang Labis ang Kakulangan

Pinunan ng Kanilang Labis ang Kakulangan

TAÓNG 49 C.E. noon. Sina Pedro, Santiago, at Juan​—na “waring mga haligi”​—ay nagbigay ng atas kay apostol Pablo at sa kaniyang kamanggagawa na si Bernabe. Dapat nilang ingatan sa isipan ang mga dukhang Kristiyano habang nangangaral sila sa mga bansa. (Gal. 2:9, 10) Paano nila inasikaso ang atas na ito?

Ipinakikita ng mga liham ni Pablo na binigyang-pansin niya ang atas na ito. Halimbawa, isinulat niya sa mga taga-Corinto: “May kinalaman sa paglikom na para sa mga banal, kung paanong nagbigay ako ng mga utos sa mga kongregasyon ng Galacia, gayon din ang gawin ninyo. Sa bawat unang araw ng sanlinggo ay magbukod ang bawat isa sa inyo sa kaniyang sariling bahay ng anumang maiipon ayon sa kaniyang kasaganaan, upang pagdating ko ay hindi gagawin sa pagkakataong iyon ang paglikom. Ngunit pagdating ko riyan, sinumang mga lalaki ang sang-ayunan ninyo sa pamamagitan ng mga liham, ang mga ito ang aking isusugo upang magdala ng inyong maibiging kaloob sa Jerusalem.”​—1 Cor. 16:1-3.

Sa kaniyang ikalawang kinasihang liham sa mga taga-Corinto, binanggit ni Pablo ang layunin ng paglikom​—upang “sa pamamagitan nga ng pagpapantay-pantay ay mapunan ng inyong labis sa ngayon ang kanilang kakulangan.”​—2 Cor. 8:12-15.

Nang sumulat si Pablo sa mga Kristiyano sa Roma noong mga 56 C.E., papatapos na ang paglikom. Sinabi niya: “Malapit na akong maglakbay patungong Jerusalem upang maglingkod sa mga banal. Sapagkat yaong mga nasa Macedonia at Acaya ay nalugod na ibahagi ang kanilang mga pag-aari sa pamamagitan ng pag-aabuloy sa mga dukha ng mga banal sa Jerusalem.” (Roma 15:25, 26) Lumilitaw na natapos ni Pablo ang atas di-nagtagal pagkaraan nito, dahil nang makarating siya sa Jerusalem at maaresto roon, sinabi niya sa Romanong gobernador na si Felix: “Dumating ako upang magdala ng mga kaloob ng awa sa aking bansa, at ng mga handog.”​—Gawa 24:17.

Makikita sa komento ni Pablo hinggil sa mga taga-Macedonia kung ano ang saloobin ng unang-siglong mga Kristiyano. Sinabi niya na “patuloy [silang] nagsumamo sa amin na may matinding pamamanhik upang magkaroon ng pribilehiyong magbigay nang may kabaitan.” Pinasigla ng apostol ang mga taga-Corinto na tularan ang halimbawang ito. Sinabi niya: “Gawin ng bawat isa ang ayon sa ipinasiya niya sa kaniyang puso, hindi mabigat sa loob o sa ilalim ng pamimilit, sapagkat iniibig ng Diyos ang masayang nagbibigay.” Bakit nagpakita ng pagkabukas-palad ang mga kongregasyong iyon? Hindi lamang para “ilaan nang sagana ang mga pangangailangan ng mga banal kundi upang maging mayaman din sa maraming kapahayagan ng pasasalamat sa Diyos.” (2 Cor. 8:4; 9:7, 12) Iyan din ang dahilan ng ating pagkabukas-palad. Ang mga nagpapakita ng gayong mainam na saloobin ay tiyak na tatanggap ng pagpapala ng Diyos na Jehova​—at iyan ang talagang nagpapayaman.​—Kaw. 10:22.

KUNG PAANO NAGBIBIGAY NG KONTRIBUSYON SA PAMBUONG-DAIGDIG NA GAWAIN ANG ILAN

Gaya noong panahon ni apostol Pablo, marami sa ngayon ang ‘nagbubukod’ ng perang ihuhulog sa kahon ng kontribusyon na may markang “Worldwide Work.” (1 Cor. 16:2) Bawat buwan, ipinadadala ng mga kongregasyon ang kontribusyong ito sa tanggapan ng mga Saksi ni Jehova na naglilingkod sa kani-kanilang bansa. Puwede ka ring tuwirang magpadala ng donasyon sa legal na korporasyong ginagamit ng mga Saksi ni Jehova sa inyong bansa. Para malaman ang pangalan ng pangunahing legal na korporasyong ginagamit ng mga Saksi ni Jehova sa inyong bansa, pakisuyong makipag-ugnayan sa tanggapang pansangay na naglilingkod sa inyong bansa. Makikita sa www.pr418.com ang adres ng tanggapang pansangay. Narito ang mga donasyon na puwede mong tuwirang ipadala:

TUWIRANG DONASYON

  • Donasyong salapi, alahas, o iba pang mahahalagang ari-arian.

  • Maglakip ng liham na nagsasabing ang salapi o iba pang bagay ay tuwirang donasyon.

KAAYUSAN SA KONDISYONAL NA DONASYON

  • Donasyong salapi na may kalakip na kondisyon.

  • Maglakip ng liham na nagsasabing ang donasyon ay ibabalik sa nagbigay sakaling kailanganin niya ito.

MGA PLANO SA PAGKAKAWANGGAWA

Bukod sa tuwirang mga kaloob na salapi at mahahalagang ari-arian, may iba pang mga paraan ng pagbibigay para masuportahan ang gawaing pang-Kaharian sa buong daigdig. Nakatala sa ibaba ang mga ito. Pakisuyong makipag-ugnayan sa tanggapang pansangay na naglilingkod sa inyong bansa para malaman kung anong pamamaraan ang ginagamit sa inyong bansa. Yamang magkakaiba ang legal na mga kahilingan at batas sa buwis ng bawat bansa, mahalagang kumonsulta muna sa abogado at tagapayo sa buwis.

Insurance: Maaaring gawing benepisyaryo ng isang life insurance policy o ng isang retirement/pension plan ang isang korporasyong ginagamit ng mga Saksi ni Jehova.

Deposito sa Bangko: Mga deposito sa bangko, sertipiko ng deposito, o deposito sa pagreretiro na ipinangalan o ibibigay sa isang korporasyong ginagamit ng mga Saksi ni Jehova kapag namatay ang isa. Sundin ang mga kahilingan ng bangko sa inyong lugar.

Stock at Bond: Mga stock at bond na iniabuloy sa isang korporasyong ginagamit ng mga Saksi ni Jehova sa pamamagitan ng tuwirang pagkakaloob o kasunduang Transfer on Death.

Lupa’t Bahay: Maibebentang lupa’t bahay na ibinigay bilang donasyon sa isang korporasyong ginagamit ng mga Saksi ni Jehova sa pamamagitan ng tuwirang pagkakaloob. Kung nakatira pa roon ang nagkaloob, puwedeng magkaroon ng kasunduan na maninirahan siya roon hangga’t nabubuhay siya.

Gift Annuity: Mga stock, bond, o salapi na inilipat sa isang korporasyong ginagamit ng mga Saksi ni Jehova. Kapalit nito, ang nagkaloob, o sinumang itinalaga ng nagkaloob, ay tatanggap ng espesipikong annuity payment bawat taon habang siya’y nabubuhay. Ang nagkaloob ay makakakuha ng diskuwento sa buwis sa taon kung kailan isinaayos ang gift annuity.

Testamento at Trust: Ang mga ari-arian o salapi ay maaaring ipamana sa isang korporasyong ginagamit ng mga Saksi ni Jehova sa pamamagitan ng isang legal na testamento o pagpapangalan sa korporasyong iyon bilang benepisyaryo ng isang trust agreement. Sa kaayusang ito, maaaring mabawasan ang ilang bayarin sa buwis.

Gaya ng ipinahihiwatig ng pananalitang “mga plano sa pagkakawanggawa,” ang ganitong uri ng mga donasyon ay karaniwan nang nangangailangan ng pagpaplano ng nagkakaloob. Para matulungan ang mga gustong sumuporta sa pambuong-daigdig na gawain ng mga Saksi ni Jehova sa pamamagitan ng pagkakawanggawa, isang brosyur na pinamagatang Charitable Planning to Benefit Kingdom Service Worldwide ang inihanda sa wikang Ingles at Kastila. Ang brosyur ay naglalaan ng impormasyon tungkol sa iba’t ibang paraan ng pagkakaloob, ito man ay ibibigay na ngayon o ipamamana kapag namatay ang nagbigay ng donasyon. Baka may mga impormasyon sa brosyur na ito na hindi kapit sa sitwasyon mo dahil sa mga batas sa buwis at iba pang batas sa inyong bansa. Kaya matapos basahin ang brosyur, kumonsulta sa inyong abogado o tagapayo sa buwis. Sa pamamagitan ng mga paraang ito ng pag-aabuloy, marami ang nakatulong sa pagsuporta sa ating relihiyosong mga gawain at pagkakawanggawa sa buong daigdig at nakakuha rin sila ng malaking diskuwento sa buwis. Kung makukuha ang brosyur na ito sa inyong bansa, maaari kang humiling ng kopya sa kalihim ng inyong kongregasyon.

Para sa higit pang impormasyon, maaari kang makipag-ugnayan sa Charitable Planning Office, sa pamamagitan ng liham o telepono, sa adres na nakatala sa ibaba, o maaari kang makipag-ugnayan sa tanggapang pansangay na naglilingkod sa inyong bansa.