Alam Mo Ba?
Ang templo ba sa Jerusalem ay naitayong muli pagkatapos ng 70 C.E.?
SINABI ni Jesus na walang bato ng templo ni Jehova ang maiiwang nakatayo sa ibabaw ng kapuwa bato
Si Julian ay kilala bilang ang huling paganong emperador ng Roma. Siya ay pamangkin ni Constantinong Dakila, at tinuruan ng mga diumano’y Kristiyano noong panahon niya. Pero pagkatapos maiproklamang emperador noong 361 C.E., hayagan niyang itinakwil ang itinuro nila sa kaniya. Tinutukoy siya sa mga aklat ng kasaysayan bilang “Apostata.”
Kinamuhian ni Julian ang Kristiyanismo. Maaaring ang isang dahilan ay ang nangyari noong anim na taóng gulang siya. Pinatay ng mga taong nag-aangking Kristiyano ang kaniyang ama at mga kamag-anak. Ayon sa mga istoryador ng simbahan, hinimok ni Julian ang mga Judio na itayong muli ang templo, sa paniniwalang patutunayan nito na huwad na propeta si Jesus. *
Tiyak na gustong maitayong muli ni Julian ang templo. Pinagdedebatehan ng mga istoryador kung talaga bang nasimulan niya ang pagtatayong muli nito. At kung nasimulan nga niya, pinagtatalunan nila kung ano ang naging dahilan kung bakit hindi ito natuloy. Anuman ang totoo, si Julian ay pinatay wala pang dalawang taon matapos siyang maupo sa trono, at ang templo ay hindi na kailanman naitayong muli.
^ par. 5 Hindi sinabi ni Jesus na ang templo ay hindi kailanman itatayong muli. Sa halip, sinabi niyang mawawasak ito, na nangyari noong 70 C.E.