Alam Mo Ba?
Noong panahon ng Bibliya, bakit pinupunit ng isang tao ang kaniyang kasuutan?
SA Kasulatan, may mga ulat na nagsasabing hinapak o pinunit ng isa ang kaniyang damit. Maaaring kakatwa ito sa ngayon, pero para sa mga Judio noon, pagpapakita ito ng matinding emosyon dahil sa pamimighati, kahihiyan, galit, o pagdadalamhati.
Halimbawa, “hinapak [ni Ruben] ang kaniyang mga kasuutan” nang malaman niyang hindi na niya maililigtas ang kapatid niyang si Jose dahil naipagbili na ito para maging alipin. Inakala ng kanilang amang si Jacob na nilapa ng mabangis na hayop si Jose kaya “hinapak [niya] ang kaniyang mga balabal.” (Gen. 37:
Noong nililitis si Jesus, ‘hinapak ng mataas na saserdoteng si Caifas ang kaniyang mga panlabas na kasuutan’ matapos niyang marinig ang inaakala niyang pamumusong ni Jesus. (Mat. 26:
Siyempre pa, kahit punitin ng isa ang kaniyang damit, wala itong saysay sa paningin ng Diyos kung hindi siya tunay na nagdadalamhati. Kaya naman sinabi ni Jehova sa kaniyang bayan na ‘hapakin ang kanilang mga puso, at hindi ang kanilang mga kasuutan, at manumbalik sa kaniya.’