ANG BANTAYAN—EDISYON PARA SA PAG-AARAL Pebrero 2015
Ang mga araling artikulo sa isyung ito ay para sa Abril 6 hanggang Mayo 3, 2015.
Isang Di-inaasahang Regalo Para sa Japan
Inilabas sa Japan ang isang bagong aklat na “Ang Bibliya—Ang Ebanghelyo Ayon kay Mateo.” Ano ang kapansin-pansin sa aklat na ito? Bakit ito ginawa?
Tularan ang Kapakumbabaan at Pagkamagiliw ni Jesus
Hinihimok tayo ng 1 Pedro 2:21 na maingat na sundan ang mga yapak ni Jesus. Paano natin matutularan ang kapakumbabaan at pagkamagiliw ni Jesus kahit hindi tayo sakdal?
Tularan ang Lakas ng Loob at Kaunawaan ni Jesus
Sa ulat ng Bibliya, makikilala natin kung sino si Jesus. Alamin kung paano natin matutularan ang kaniyang lakas ng loob at kaunawaan.
Panatilihin ang Iyong Sigasig sa Ministeryo
Alam natin na ang pangangaral ng mabuting balita ang pinakamahalagang gawain sa ngayon. Paano natin mapananatili o higit pang mapasusulong ang ating sigasig sa ministeryo?
Inihanda ang mga Bansa Para sa “Turo ni Jehova”
Ano ang resulta ng pangangaral ng mga unang Kristiyano? Ano ang ilang bagay na nakatulong para maging mas madali ang pangangaral noong unang siglo?
Pinapatnubayan ni Jehova ang Ating Pambuong-Daigdig na Pagtuturo
Anong mga kaganapan sa panahon natin ang nakatulong para maipangaral ng mga lingkod ni Jehova ang mabuting balita sa buong daigdig?
Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa
Paano natin matutulungan ang mga kapatid na sensitibo sa amoy ng pabango? Kailan maglalambong ang isang babaeng mamamahayag ng Kaharian?
MULA SA AMING ARCHIVE
“Isang Napakahalagang Panahon”
Tinawag ng Zion’s Watch Tower na “isang napakahalagang panahon” ang Memoryal ng kamatayan ni Kristo at hinimok ang mga mambabasa nito na ipagdiwang iyon. Paano ipinagdiwang noon ang Memoryal?