Ito ang “Paraan na Sinang-ayunan Mo”
“Maingat mong ikinubli ang mga bagay na ito mula sa marurunong at matatalino, at isiniwalat ang mga ito sa mga sanggol.”—LUC. 10:21.
1. Bakit “nag-umapaw [si Jesus] sa kagalakan sa banal na espiritu”? (Tingnan ang larawan sa simula ng artikulo.)
ANO kaya ang hitsura ni Jesu-Kristo noong “nag-umapaw siya sa kagalakan sa banal na espiritu”? Marahil ay maaliwalas ang mukha niya habang nakangiti, at nagniningning ang kaniyang mga mata. Bakit? Katatapos pa lang niyang isugo ang 70 sa kaniyang mga alagad para ipangaral ang mabuting balita ng Kaharian ng Diyos. Gustong-gusto niyang malaman kung paano nila gagampanan ang kanilang atas. Maraming makapangyarihang kaaway ang mabuting balita, gaya ng tuso at edukadong mga eskriba at mga Pariseo. Inimpluwensiyahan nila ang marami na ituring si Jesus bilang hamak na karpintero lang at ang mga alagad niya bilang “mga taong walang pinag-aralan at pangkaraniwan.” (Gawa 4:13; Mar. 6:3) Sa kabila nito, masayang-masaya ang mga alagad nang bumalik sila mula sa kanilang atas. Nakapangaral sila kahit sinalansang sila, maging ng mga demonyo! Bakit napanatili nila ang kanilang kagalakan at lakas ng loob?—Basahin ang Lucas 10:1, 17-21.
2. (a) Bakit maihahalintulad sa mga bata ang mga alagad ni Jesus? (b) Paano naunawaan ng mga tagasunod ni Kristo ang mahahalagang espirituwal na katotohanan?
2 Pansinin ang sinabi ni Jesus kay Jehova: “Hayagan kitang pinupuri, Ama, Panginoon ng langit at lupa, sapagkat itinago mo ang Mat. 11:25, 26) Siyempre pa, hindi naman ibig sabihin ni Jesus na ang kaniyang mga alagad ay literal na mga sanggol, o bata. Sa halip, alam niya na ang mga ito ay parang mga bata kumpara sa intelektuwal at edukadong mga eskriba at mga Pariseo, na mataas ang tingin sa sarili. Pero ang mas mahalaga, tinuruan ni Jesus ang mga tagasunod niya na maging gaya ng bata, na mapagpakumbaba at madaling turuan. (Mat. 18:1-4) Paano sila nakinabang sa pagiging mapagpakumbaba? Sa pamamagitan ng banal na espiritu, tinulungan sila ni Jehova na maunawaan ang mahahalagang espirituwal na katotohanan. Pero ang marurunong at matatalino, na nanghahamak sa kanila, ay patuloy na nabulag ni Satanas at ng kanilang pagmamataas.
mga bagay na ito mula sa marurunong at matatalino at isiniwalat ang mga ito sa mga sanggol. Oo, O Ama, sapagkat ang paggawa nang gayon ay siyang naging paraan na sinang-ayunan mo.” (3. Ano ang tatalakayin natin sa artikulong ito?
3 Hindi nga kataka-takang gayon na lang ang kagalakang nadama ni Jesus! Natuwa siyang makita kung paano isiniwalat ni Jehova ang malalalim na espirituwal na katotohanan sa mapagpakumbabang mga tao, anuman ang kanilang pinag-aralan o intelektuwal na kakayahan. Sinang-ayunan ng kaniyang Ama ang paraang ito ng pagtuturo, at hindi pa rin nagbabago si Jehova. Paano ipinakikita ni Jehova na sinasang-ayunan niya ang ganitong paraan ng pagtuturo? Habang sinusuri natin ang sagot, tiyak na magdudulot ito sa atin ng kasiyahan, gaya ng nadama noon ni Jesus.
IPINALILIWANAG SA LAHAT ANG MALALALIM NA KATOTOHANAN
4. Bakit isang maibiging regalo ang pinasimpleng edisyon ng Ang Bantayan?
4 Sa nakalipas na mga taon, mapapansin na ginawang mas simple at mas malinaw ang pagtuturo ng organisasyon ni Jehova. Tingnan ang tatlong halimbawa. Una, nariyan ang pinasimpleng edisyon ng Ang Bantayan sa Ingles. * Ang edisyong ito ay isang maibiging regalo para sa mga nahihirapang intindihin o basahin ang isang wika. Nakita ng mga ulo ng pamilya na mas naiintindihan na ngayon ng kanilang mga anak ang mga pinag-aaralan sa magasing ito, na pangunahing instrumento para pakainin tayo sa espirituwal. Marami ang sumulat para magpasalamat. Isang sister ang nagsabi na dati’y takot siyang magkomento sa Pag-aaral sa Bantayan. Pero hindi na ngayon! Nang masubukan niyang gumamit ng pinasimpleng edisyon, isinulat niya: “Hindi lang isang beses akong nagkokomento ngayon, at hindi na ako kinakabahan! Salamat kay Jehova at sa inyo.”
5. Ano ang ilang bentaha ng nirebisang edisyong Ingles ng Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan?
5 Ikalawa, nariyan ang nirebisang edisyon ng Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan, na inilabas sa wikang Ingles sa taunang miting noong Oktubre 5, 2013. * Nabawasan ng mga salita ang maraming teksto, pero ang kahulugan ay hindi naman nabago at mas madali pa ngang maintindihan. Halimbawa, ang 27 salita sa Job 10:1 ay naging 19; ang 20 salita sa Kawikaan 8:6 ay naging 13. Mas malinaw ang mga tekstong ito sa bagong edisyon. Isang pinahirang brother na maraming taon nang naglilingkod kay Jehova ang nagsabi: “Binasa ko ang aklat ng Job sa bagong edisyon, at pakiramdam ko, ngayon ko lang ’yon naintindihan!” Halos ganiyan din ang sinasabi ng marami.
6. Ano ang nadarama mo tungkol sa mas malinaw na pagkaunawa natin sa Mateo 24:45-47?
6 Ikatlo, isaalang-alang ang ilang paglilinaw Mat. 24:45-47) Ipinaliwanag na ang tapat na alipin ay ang Lupong Tagapamahala, at ang “mga lingkod ng sambahayan” naman ay ang lahat ng pinakakain sa espirituwal, pinahiran man o “ibang mga tupa.” (Juan 10:16) Nakatutuwa ngang malaman ang ganitong mga katotohanan at ituro ang mga ito sa mga baguhan! Sa ano pang mga paraan ipinakikita ni Jehova na sinasang-ayunan niya ang simple at malinaw na pagtuturo?
sa ating pagkaunawa kamakailan. Halimbawa, natuwa tayo nang ilathala sa Bantayan, Hulyo 15, 2013, ang mas malinaw na pagkaunawa tungkol sa “tapat at maingat na alipin.” (MAS SIMPLE AT MAS MALINAW NA PALIWANAG SA MGA ULAT NG BIBLIYA
7, 8. Ano ang ilang halimbawa ng makahulang paglalarawan sa Bibliya?
7 Kung matagal ka nang naglilingkod kay Jehova, malamang na napansin mo na may pagbabago sa paraan ng pagpapaliwanag ng ating mga literatura sa mga ulat ng Bibliya. Noon, karaniwan nang mababasa sa ating mga literatura ang tipiko at antitipikong paliwanag tungkol sa mga pangyayari sa Bibliya. Ang ulat sa Bibliya ang itinuturing na tipiko, at ang makahulang katuparan nito ang itinuturing na antitipiko. May batayan ba sa Bibliya ang makahulang mga paglalarawan? Oo. Halimbawa, may binanggit si Jesus na “tanda ni Jonas na propeta.” (Basahin ang Mateo 12:39, 40.) Ipinaliwanag ni Jesus na ang panahon ng pamamalagi ni Jonas sa tiyan ng isda—na naging libingan sana ni Jonas kung hindi siya iniligtas ni Jehova—ay lumalarawan sa panahon ng pamamalagi ni Jesus sa libingan.
8 May iba pang makahulang paglalarawan sa Bibliya. Tinalakay ni apostol Pablo ang ilan sa mga ito. Halimbawa, ang kaugnayan ni Abraham kina Hagar at Sara ay makahulang lumalarawan sa kaugnayan ni Jehova sa bansang Israel at sa makalangit na bahagi ng organisasyon ng Diyos. (Gal. 4:22-26) Sa katulad na paraan, ang tabernakulo at templo, Araw ng Pagbabayad-Sala, mataas na saserdote, at ang iba pang aspekto ng Kautusang Mosaiko ay nagsilbing “anino ng mabubuting bagay na darating.” (Heb. 9:23-25; 10:1) Nakapagpapatibay ng pananampalataya na pag-aralan ang ganitong makahulang mga paglalarawan. Pero ibig bang sabihin, ang bawat tauhan, pangyayari, at bagay na binabanggit sa Bibliya ay may inilalarawan?
9. Ano ang dating paliwanag sa ulat ng Bibliya tungkol kay Nabot?
9 Noon, madalas na ganiyan ang paliwanag sa ating mga literatura. Bilang halimbawa, tingnan natin ang ulat tungkol kay Nabot, na di-makatarungang nilitis at pinatay dahil sa pakana ng masamang si Reyna Jezebel para maangkin ng asawa niyang si Ahab ang ubasan ni Nabot. (1 Hari 21:1-16) Noong 1932, ang ulat na ito ay ipinaliwanag bilang makahulang drama. Sinasabing si Ahab at si Jezebel ay lumalarawan kay Satanas at sa organisasyon nito; si Nabot ay lumalarawan kay Jesus; ang kamatayan naman ni Nabot ay lumalarawan sa pagpatay kay Jesus. Pero makalipas ang ilang dekada, sa aklat na “Let Your Name Be Sanctified,” na inilathala noong 1961, sinabi na si Nabot ay lumalarawan sa mga pinahiran, at si Jezebel ay sa Sangkakristiyanuhan. Kaya ang pang-uusig ni Jezebel kay Nabot ay lumalarawan sa pang-uusig sa mga pinahiran sa mga huling araw. Sa loob ng maraming taon, napatibay ng ganitong mga paliwanag ang pananampalataya ng bayan ng Diyos. Pero bakit iba na ngayon ang paraan natin ng pagpapaliwanag?
10. (a) Sa paanong paraan naging mas maingat ang tapat na alipin sa pagpapaliwanag sa mga ulat ng Bibliya? (b) Saan mas nakapokus ngayon ang ating mga literatura?
10 Gaya ng inaasahan, sa nakalipas na mga *
taon, tinulungan ni Jehova ang “tapat at maingat na alipin” na maging mas maingat. Paano? Mas maingat ngayon ang tapat na alipin sa pagsasabing makahula ang isang ulat, malibang may malinaw na batayan sa Kasulatan. Bukod diyan, napansin na marami ang nahihirapang unawain ang ilang tipiko at antitipikong paliwanag. Ang detalye ng gayong mga turo—kung sino ang lumalarawan kanino at bakit—ay maaaring mahirap maintindihan, matandaan, at ikapit. Pero ang mas nakababahala, ang moral at praktikal na mga aral ng isang ulat ng Bibliya ay maaaring hindi makuha dahil sa sobrang pagpopokus sa posibleng antitipikong katuparan. Kaya naman, mapapansin na ang ating mga literatura ngayon ay mas nakapokus sa simple at praktikal na mga aral sa pananampalataya, pagbabata, makadiyos na debosyon, at iba pang mahahalagang katangian na matututuhan natin sa ulat ng Bibliya.11. (a) Ano ang pagkaunawa natin ngayon sa ulat tungkol kay Nabot? Bakit isa siyang mabuting halimbawa sa atin? (b) Sa nakalipas na mga taon, bakit bihira nang bumanggit ng tipiko at antitipikong paglalarawan ang mga publikasyon natin? (Tingnan ang “Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa” sa isyung ito.)
11 Ang pagkaunawa natin sa ulat tungkol kay Nabot ay mas malinaw at mas simple ngayon. Si Nabot ay namatay, hindi dahil lumalarawan siya kay Jesus o sa mga pinahiran, kundi dahil nanatili siyang tapat sa Diyos. Nanghawakan siya sa Kautusan ni Jehova kahit mahigpit siyang inusig ng mga nang-aabuso sa kapangyarihan. (Bil. 36:7; 1 Hari 21:3) Isa siyang mabuting halimbawa sa atin, dahil lahat tayo ay posibleng pag-usigin. (Basahin ang 2 Timoteo 3:12.) Madaling maunawaan, matandaan, at maikapit ng lahat ang ganitong mga aral na nakapagpapatibay ng pananampalataya.
12. (a) Ano ang hindi natin dapat isipin tungkol sa mga ulat ng Bibliya? (b) Bakit natin naipaliliwanag nang malinaw kahit ang malalalim na bagay? (Tingnan ang talababa.)
12 Dapat ba nating isipin na praktikal na mga aral lang ang matututuhan sa mga ulat ng Bibliya at wala na itong ibang kahulugan? Hindi. Sa halip na ipaliwanag ang mga ulat ng Bibliya bilang tipiko at antitipiko, mas itinuturo *
ngayon ng ating mga publikasyon kung paanong ang isang ulat ng Bibliya ay nagpapaalala o nakakahawig ng isa pang ulat. Halimbawa, ipinaaalaala sa atin ng katapatan ni Nabot sa harap ng pag-uusig at kamatayan ang katapatan ni Kristo at ng kaniyang mga pinahiran. Pero ipinaaalaala rin nito sa atin ang tapat na paninindigan ng marami sa “ibang mga tupa” ng Panginoon. Malinaw na makikita rito na tinuturuan tayo ni Jehova sa simpleng paraan.MAS SIMPLENG PALIWANAG SA ILUSTRASYON NI JESUS
13. Anong halimbawa ang nagpapakitang ipinaliliwanag natin ngayon sa mas malinaw at mas simpleng paraan ang ilang ilustrasyon ni Jesus?
13 Si Jesu-Kristo ang pinakadakilang Guro na nabuhay sa lupa. Isa sa paborito niyang paraan ng pagtuturo ang paggamit ng ilustrasyon. (Mat. 13:34) Pinag-iisip tayo ng mga ilustrasyon at tumatagos ito sa puso. Sa nakalipas na mga taon, ipinaliliwanag din ba ng ating mga literatura sa mas simple at mas malinaw na paraan ang mga ilustrasyon ni Jesus? Oo! Halimbawa, tinulungan tayo ng Ang Bantayan, Hulyo 15, 2008, na maunawaan nang mas malinaw ang mga ilustrasyon ni Jesus tungkol sa lebadura, butil ng mustasa, at lambat na pangubkob. Naiintindihan na natin ngayon na ang mga ilustrasyong ito ay tumutukoy sa Kaharian ng Diyos at sa kamangha-manghang tagumpay nito sa pagtitipon sa mga tunay na tagasunod ni Kristo mula sa masamang sanlibutang ito.
14. (a) Paano natin ipinaliliwanag noon ang talinghaga tungkol sa madamaying Samaritano? (b) Paano natin inuunawa ngayon ang talinghaga ni Jesus?
14 Kumusta naman ang mas detalyadong mga kuwento, o talinghaga, ni Jesus? Ang ilan sa mga ito ay makasagisag at makahula. Ang iba naman ay nagtuturo ng praktikal na mga aral. Pero paano natin malalaman kung alin ang makasagisag at alin ang hindi? Sa paglipas ng panahon, unti-unting naging malinaw ang sagot. Halimbawa, isaalang-alang kung paano natin ipinaliliwanag noon ang talinghaga ni Jesus tungkol sa madamaying Samaritano. (Luc. 10:30-37) Noong 1924, sinabi ng The Watch Tower na ang Samaritano ay lumalarawan kay Jesus; ang daan mula Jerusalem papuntang Jerico, na pababa, ay lumalarawan sa lumalalang kalagayan ng mga tao mula noong mangyari ang rebelyon sa Eden; ang mga magnanakaw sa daan ay lumalarawan sa naglalakihang korporasyon at sakim na mga negosyante; at ang saserdote at ang Levita ay tumutukoy sa eklesyastikal na mga sistema. Sa ngayon, ginagamit ng ating mga literatura ang ilustrasyong ito para ipaalaala sa lahat ng Kristiyano na hindi tayo dapat magtangi. Dapat nating tulungan ang lahat ng nangangailangan, lalo na sa espirituwal. Hindi ba tayo natutuwa na nililinaw sa atin ni Jehova ang katotohanan?
15. Ano ang tatalakayin natin sa susunod na artikulo?
15 Sa susunod na artikulo, susuriin natin ang isa pang talinghaga ni Jesus—ang tungkol sa 10 dalaga. (Mat. 25:1-13) Paano kaya dapat unawain ng mga tagasunod ni Jesus sa mga huling araw ang mapuwersang ilustrasyong ito? Lahat ba ng tauhan, bagay, at pangyayari sa ilustrasyon ay may inilalarawang mas dakilang bagay? O gusto ba ni Jesus na turuan tayo ng praktikal na aral na makatutulong sa atin sa mga huling araw? Tingnan natin.
^ par. 4 Ang pinasimpleng edisyon ay unang inilabas sa wikang Ingles noong Hulyo 2011. Mula noon, nagkaroon na rin ng pinasimpleng edisyon sa iba pang wika.
^ par. 5 May paghahanda na ring ginagawa para magkaroon ng nirebisang edisyon sa ibang wika.
^ par. 10 Halimbawa, tinatalakay sa aklat na Tularan ang Kanilang Pananampalataya ang buhay ng 14 na tauhan sa Bibliya. Ang aklat ay nakapokus sa praktikal na mga aral, hindi sa makasagisag o makahulang kahulugan.
^ par. 12 Totoo, ang Salita ng Diyos ay naglalaman din ng mga bagay na parang “mahirap unawain,” kasali na riyan ang ilang bahagi ng mga isinulat ni Pablo. Pero lahat ng manunulat ng Bibliya ay ginabayan ng banal na espiritu. Ang espiritu ring iyan ang tumutulong sa mga tunay na Kristiyano ngayon na maunawaan ang mga katotohanan sa Bibliya, “maging ang malalalim na bagay ng Diyos.”—2 Ped. 3:16, 17; 1 Cor. 2:10.