Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

“Patuloy Ninyong Ituring na Mahalaga ang Gayong Uri ng mga Tao”

“Patuloy Ninyong Ituring na Mahalaga ang Gayong Uri ng mga Tao”

NOONG 1992, ang Lupong Tagapamahala ay nagsimulang mag-atas ng may-gulang at makaranasang mga Kristiyanong elder para tumulong sa gawain ng kanilang mga komite. * Ang mga katulong na ito, o helper, na mula sa “ibang mga tupa,” ay mahalagang suporta sa Lupong Tagapamahala. (Juan 10:16) Dumadalo sila sa lingguhang miting ng komite kung saan sila inatasan, at nagbibigay ng mga impormasyong kinakailangan at mga mungkahi. Pero ang mga miyembro ng Lupong Tagapamahala ang gumagawa ng pinal na desisyon. Tumutulong ang mga helper para aktuwal na maisagawa ang mga tagubilin ng komite at handa sila na gawin ang anumang iniatas sa kanila. Sumasama sila sa mga miyembro ng Lupong Tagapamahala sa espesyal at internasyonal na mga kombensiyon. Inaatasan din silang dumalaw sa mga tanggapang pansangay bilang kinatawan ng punong-tanggapan.

Isa sa mga unang naatasan bilang helper ang nagsabi: “Kapag ginagawa ko ang iniatas sa akin, mas nakakapagpokus sa espirituwal na mga bagay ang Lupong Tagapamahala.” Isang brother naman na dalawang dekada nang naglilingkod bilang helper ang nagsabi: “Napakalaking pribilehiyo nito, higit pa sa iniisip ko.”

Maraming pananagutang ipinagkatiwala ang Lupong Tagapamahala sa mga helper nito at pinahahalagahan nila ang mahusay na paglilingkod ng tapat at masisipag na brother na ito. Nawa’y “patuloy [nating] ituring na mahalaga ang gayong uri ng mga tao.”—Fil. 2:29.

^ par. 2 Para sa pananagutan ng anim na komite ng Lupong Tagapamahala, tingnan ang kahong “Kung Paano Inaasikaso ng Lupong Tagapamahala ang mga Kapakanan ng Kaharian” sa kabanata 12 ng aklat na Namamahala Na ang Kaharian ng Diyos!