Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Para sa mga Kabataan

Pagkakaila ni Pedro kay Jesus

Pagkakaila ni Pedro kay Jesus

Tagubilin: Gawin ito sa tahimik na lugar. Habang binabasa mo ang mga teksto, isipin mong naroroon ka rin. Ilarawan sa iyong isip ang eksena. Isipin mong naririnig mo sila. Damhin mo ang nadarama ng pangunahing mga tauhan.

PAG-ISIPAN ANG EKSENA.—BASAHIN ANG MATEO 26:31-35, 69-75.

Ilang tao ang nakikita mo sa eksena?

․․․․․

Sa palagay mo, ang mga nakikipag-usap ba kay Pedro ay mabait? mausisa? galit? o iba pa?

․․․․․

Ano sa palagay mo ang nadama ni Pedro nang akusahan siya?

․․․․․

Bakit kaya ipinagkaila ni Pedro si Jesus? Dahil ba hindi niya mahal si Jesus o may ibang dahilan?

․․․․․

PAG-ARALANG MABUTI.—BASAHIN ANG LUCAS 22:31-34; MATEO 26:55-58; JUAN 21:9-17.

Bakit maaaring dahil sa sobrang tiwala sa sarili kung kaya nagkamali si Pedro?

․․․․․

Paano ipinakita ni Jesus na may tiwala siya kay Pedro kahit na alam niyang ipagkakaila siya nito?

․․․․․

Bagaman ipinagkaila ni Pedro si Jesus, bakit masasabing mas malakas ang loob niya kaysa sa ibang mga alagad?

․․․․․

Paano ipinakita ni Jesus na pinatawad niya si Pedro?

․․․․․

Sa palagay mo, bakit tatlong ulit na tinanong ni Jesus si Pedro: “Iniibig mo ba ako?”

․․․․․

Ano sa palagay mo ang nadama ni Pedro pagkatapos siyang kausapin ni Jesus, at bakit?

․․․․․

GAMITIN ANG IYONG NATUTUHAN. ISULAT ANG IYONG NATUTUHAN TUNGKOL . . .

Sa pagkatakot sa tao.

․․․․․

Sa kabaitang ipinakita ni Jesus sa kaniyang mga alagad, kahit na nagkamali sila.

․․․․․

Anong punto sa ulat na ito ang mapapakinabangan mo, at bakit?

․․․․․

․․․․․