Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Espesyal na Pahayag Pangmadla

Sino ang Kuwalipikadong Mamahala sa Sangkatauhan?

Sino ang Kuwalipikadong Mamahala sa Sangkatauhan?

Sinong Tagapamahala ang

• makalulunas sa kahirapan sa buhay, anupat tiyak na maglalaan ng saganang pagkain at maayos na tirahan para sa lahat ng tao?

• makapipigil sa likas na mga kasakunaan at makapagliligtas sa mga tao mula sa hagupit ng tsunami, bagyo, at mga pinsalang dulot ng lindol?

• makapag-aalis ng lahat ng sakit, maging ng katandaan?

• makapagwawakas sa lahat ng digmaan upang makapamuhay nang payapa at tiwasay ang kaniyang mga sakop?

• makapagpapanauli ng dating magandang kalagayan ng lupa upang gawin itong paraiso?

May isang Tagapamahala lamang na makapagdudulot ng lahat ng pagpapalang ito. Sino ang Tagapamahalang ito? Sasagutin ang tanong na ito sa pahayag pangmadla na pinamagatang “Sino ang Kuwalipikadong Mamahala sa Sangkatauhan?” Ang pahayag na ito na salig sa Bibliya ay bibigkasin sa buong daigdig sa mahigit 230 lupain. Sa karamihan ng mga lugar, mapapakinggan ang pahayag sa Kingdom Hall ng mga Saksi ni Jehova sa Linggo, Abril 6, 2008. Malulugod ang mga Saksi sa inyong lugar na ipaalam sa iyo ang oras at adres. Malugod ka naming inaanyayahan.