Para sa mga Kabataan
Makahimalang Nagpagaling si Jesus
Tagubilin: Gawin ito sa tahimik na lugar. Habang binabasa mo ang mga teksto, isipin mong naroroon ka. Ilarawan sa iyong isip ang eksena. Isipin mong naririnig mo sila. Isipin mong aktuwal na nangyayari ang ulat na ito.
PAG-ISIPAN ANG EKSENA.—BASAHIN ANG MATEO 15:21-28.
Ano sa palagay mo ang nadama ng ina?
․․․․․
Ano ang tono ng boses ni Jesus na “narinig” mo sa sumusunod na mga talata?
24 ․․․․․ 26 ․․․․․ 28 ․․․․․
PAG-ARALANG MABUTI.
Ilang ulit ipinahiwatig ni Jesus—sa salita o sa kilos—na hindi niya pagagalingin ang anak ng babae?
․․․․․
Noong una, bakit ayaw siyang pagalingin ni Jesus?
․․․․․
Pero nang bandang huli, bakit pinagaling din siya ni Jesus?
․․․․․
GAMITIN ANG IYONG NATUTUHAN. ISULAT ANG IYONG NATUTUHAN TUNGKOL . . .
Sa pagiging makatuwiran ni Jesus.
․․․․․
Paano mo matutularan ang katangiang ito sa iyong pakikitungo sa iba?
․․․․․
PAG-ISIPAN ANG EKSENA.—BASAHIN ANG MARCOS 8:22-25.
Ano ang naiisip mong maaaring makita at marinig sa loob at labas ng nayon?
․․․․․
PAG-ARALANG MABUTI.
Sa palagay mo, bakit kaya inilabas muna ni Jesus sa nayon ang lalaki bago niya ito pagalingin?
․․․․․
GAMITIN ANG IYONG NATUTUHAN. ISULAT ANG IYONG NATUTUHAN TUNGKOL . . .
Sa nadarama ni Jesus para sa mga may kapansanan—kahit hindi niya kailanman naranasan na magkaroon ng kapansanan.
․․․․․
ANU-ANONG BAHAGI NG DALAWANG ULAT NA ITO NG BIBLIYA ANG PINAKAGUSTO MO, AT BAKIT?
․․․․․