Kung Ano ang Matututuhan Natin Mula kay Jesus
Tungkol sa Kaharian ng Diyos
Ano ang Kaharian ng Diyos?
Ang Kaharian ng Diyos ay isang gobyerno na mamamahala sa buong lupa. Sinabi ni Jesus: “Manalangin kayo, kung gayon, sa ganitong paraan: . . . ‘Dumating nawa ang iyong kaharian. Mangyari nawa ang iyong kalooban, kung paano sa langit, gayundin sa lupa.’”—Mateo 6:9, 10; Daniel 2:44.
Sino ang magiging mga tagapamahala ng Kaharian ng Diyos?
Si Jesus ay isinilang para maging Tagapamahala ng Kaharian ng Diyos. Sinabi ng isang anghel sa ina ni Jesus: “Ibibigay sa kaniya ng Diyos na Jehova ang trono ni David na kaniyang ama, at siya ay mamamahala bilang hari.” (Lucas 1:30-33) Karagdagan pa, pinili ni Jesus ang ilan sa kaniyang mga tagasunod para mamahalang kasama niya. Sinabi niya sa kaniyang mga apostol: “Kayo ang mga nanatiling kasama ko sa aking mga pagsubok; at nakikipagtipan ako sa inyo, kung paanong ang aking Ama ay nakipagtipan sa akin, ukol sa isang kaharian.” (Lucas 22:28, 29; Daniel 7:27) May kabuuang bilang na 144,000 sa mga tagasunod ni Jesus ang mamamahalang kasama niya.—Apocalipsis 5:9, 10; 14:1.
Saan itatatag ang gobyernong ito?
Ang Kaharian ng Diyos ay mamamahala mula sa langit. Sinabi ni Jesus sa kaniyang mga alagad: “Kung ako ay pumaroon at makapaghanda ng dako [sa langit] para sa inyo, ako ay muling darating at tatanggapin ko kayo sa aking sarili, upang kung nasaan ako ay dumoon din kayo. . . . Ako ay paroroon sa Ama.”—Juan 14:2, 3, 12; Daniel 7:13, 14.
Ano ang gagawin ng Kaharian ng Diyos sa kasamaan?
Aalisin ni Jesus ang lahat ng masasamang tao sa lupa. Sinabi ni Jesus: “Kapag ang Anak ng tao [si Jesus] ay dumating sa kaniyang kaluwalhatian, at ang lahat ng mga anghel na kasama niya, kung magkagayon ay uupo siya Mateo 25:31-34, 46.
sa kaniyang maluwalhating trono. At ang lahat ng mga bansa ay titipunin sa harap niya, at pagbubukud-bukurin niya ang mga tao sa isa’t isa . . . At ang mga ito [masasama] ay magtutungo sa walang-hanggang pagkalipol, ngunit ang mga matuwid ay sa buhay na walang hanggan.”—Sino ang maninirahan sa lupa bilang mga sakop ng Kaharian?
Sinabi ni Jesus: “Maligaya ang mga mahinahong-loob, yamang mamanahin nila ang lupa.” (Mateo 5:5; Awit 37:29; 72:8) Ang lupa ay mapupuno ng mga taong nag-iibigan sa isa’t isa, kasama na rito ang mga taong ngayon pa lamang ay nagsisikap nang magpakita ng pag-ibig sa isa’t isa. Sinabi ni Jesus sa kaniyang mga tagasunod: “Binibigyan ko kayo ng isang bagong utos, na ibigin ninyo ang isa’t isa; kung paanong inibig ko kayo ay ibigin din ninyo ang isa’t isa. Sa ganito malalaman ng lahat na kayo ay aking mga alagad, kung kayo ay may pag-ibig sa isa’t isa.”—Juan 13:34, 35.
Ano ang gagawin ng Kaharian ng Diyos para sa mga tao sa lupa?
Aalisin ni Jesus ang lahat ng sakit. Nang nasa lupa si Jesus, inihayag niya sa mga tao ang “tungkol sa kaharian ng Diyos, at pinagaling niya yaong mga nangangailangan ng pagpapagaling.” (Lucas 9:11) Pagkatapos makita ang binuhay-muling si Jesus sa isang pangitain, sinabi ni apostol Juan: “Nakita ko ang isang bagong langit at isang bagong lupa . . . Narinig ko ang isang malakas na tinig mula sa trono na nagsasabi: ‘Narito! Ang tolda ng Diyos ay nasa sangkatauhan . . . At papahirin niya ang bawat luha sa kanilang mga mata, at hindi na magkakaroon ng kamatayan.’”—Apocalipsis 21:1-4.
Muling gagawing Paraiso ng Kaharian ng Diyos ang lupa. Ang isang manggagawa ng kasamaan na pinatay kasama ni Jesus ay nagsabi: “Jesus, alalahanin mo ako pagdating mo sa iyong kaharian.” At sinabi ni Jesus sa kaniya: “Katotohanang sinasabi ko sa iyo ngayon, Makakasama kita sa Paraiso.”—Lucas 23:42, 43; Isaias 11:4-9.
Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang kabanata 8 ng aklat na Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya? *
[Talababa]
^ Inilathala ng mga Saksi ni Jehova.