Ang Papel ni Maria sa Layunin ng Diyos
Ang Papel ni Maria sa Layunin ng Diyos
NANG minsang nangangaral si Jesus, isang babae ang sumigaw sa gitna ng nagkakaingay na pulutong: “Maligaya ang bahay-bata na nagdala sa iyo at ang mga dibdib na iyong sinusuhan!” Kung gusto ni Jesus na sambahin ng mga tao ang kaniyang ina, ito na ang napakagandang pagkakataon para sabihin iyon. Pero ganito ang sagot niya: “Hindi, sa halip, Maligaya yaong mga nakikinig sa salita ng Diyos at tumutupad nito!”—Lucas 11:27, 28.
Hindi binigyan ni Jesus ng anumang pantanging karangalan ang kaniyang ina; ni sinabi man niya sa kaniyang mga tagasunod na gawin iyon. Kaya makatuwiran ba na sambahin si Maria gaya ng ginagawa ng maraming taimtim na mánanampalatayá? Suriin natin kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan may kinalaman sa ilang kilalang turo tungkol sa ina ni Jesus.
“Punô ng Grasya,” ‘Pinagpala sa mga Babae’
Nang sabihin ng anghel na si Gabriel kay Maria kung ano ang papel nito sa layunin ng Diyos, ganito ang pagbati niya kay Maria: “Magandang araw, isa na lubhang kinalulugdan, si Jehova ay sumasaiyo.” (Lucas 1:28) Ganito ang ibang salin sa pananalitang ito: “Aba, punô ng grasya, ang Panginoon ay sumasaiyo.” Di-nagtagal pagkatapos nito, ganito naman ang pagbati ni Elisabet kay Maria: “Pinagpala ka sa gitna ng mga babae, at pinagpala ang bunga ng iyong bahay-bata!” (Lucas 1:42) Ipinahihiwatig ba nito na dapat pag-ukulan ng pantanging karangalan si Maria?
Hindi. Bagaman isinama ang mga salitang ito sa panalangin ng mga Katoliko para kay Maria, ang mismong Bibliya ay walang ibinibigay na dahilan para manalangin sa kaniya. Kinilala nina Gabriel at Elisabet ang Mateo 6:9.
namumukod-tanging pribilehiyo ni Maria na magsilang sa Mesiyas, pero walang binabanggit sa Kasulatan na dapat manalangin sa kaniya. Sa halip, nang hilingin ng mga alagad ni Jesus na turuan sila kung paano mananalangin, sinabi ni Jesus na ang mga panalangin ay dapat iukol sa kaniyang Ama. Sa katunayan, ang bantog na modelong panalangin ni Jesus ay nagsisimula sa pananalitang: “Ama namin na nasa langit.”—Isa sa mga Tagapamahala
Sinasabi ng isa pang kilalang turo hinggil kay Maria na siya ngayon ay “Reyna ng langit.” Walang binabanggit ang Bibliya hinggil sa titulong ito. Pero ipinakikita ng Bibliya na mayroon siyang pantanging papel sa makalangit na administrasyon, o kaharian, ng Diyos. Ano iyon?
Ipinahiwatig ni Jesus na ilan sa kaniyang tapat na mga alagad ay maghaharing kasama niya sa kaniyang Kaharian. (Lucas 22:28-30) Bibigyan ni Jesus ng awtoridad ang mga napiling iyon na maglingkod bilang “mga saserdote sa ating Diyos, at mamamahala sila bilang mga hari sa ibabaw ng lupa.” (Apocalipsis 5:10) Maliwanag na tinutulungan tayo ng Bibliya na maunawaan na si Maria ay kasama sa mga nabigyan ng malaking pribilehiyong ito. Paano natin nalaman?
Tandaan na matapos mamatay si Jesus, si Maria ay ‘nagpatuloy sa pananalangin’ kasama ng mga alagad ni Jesus at ng mga kapatid Niya. Mga 120 katao ang nagtipon para gawin ito, kasama na ang “ilang babae.” (Gawa 1:12-15) Samantalang “nagpapatuloy ang araw ng kapistahan ng Pentecostes,” ang sabi ng Bibliya, “silang lahat ay magkakasama sa iisang dako” nang ibuhos sa kanila ang banal na espiritu ng Diyos, at pagkalooban sila ng kakayahang magsalita ng ibang mga wika.—Gawa 2:1-4.
Yamang kasama si Maria sa mga pinagpalang iyon, ipinakikita nito na siya at ang ibang mga babae na tumanggap ng banal na espiritu ay napiling maging bahagi ng makalangit na Kaharian ni Jesus. Kaya may dahilan tayo upang maniwala na si Maria ay kasama ngayon ni Jesus sa makalangit na kaluwalhatian. (Roma 8:14-17) Pansinin ang ilan sa magiging pribilehiyo ni Maria at ng ibang maghaharing kasama ni Jesus sa pagsasakatuparan ng mga layunin ng Diyos.
Paglalaan ng Kahanga-hangang mga Pagpapala
Ayon sa aklat ng Bibliya na Apocalipsis, 144,000 indibiduwal ang bubuhaying muli sa makalangit na kaluwalhatian para makasama ni Jesus bilang mga saserdote, hukom, at mga hari. (Apocalipsis 14:1, 4; 20:6) Bilang mga saserdote, gagamitin nila ang halaga ng hain ni Jesus upang pasakdalin ang masunuring sangkatauhan sa espirituwal, moral, at pisikal na paraan. (Kawikaan 21:1-4) Isa ngang pribilehiyo para sa lahat ng tapat na mga mananamba ni Jehova na masaksihan ang napakagandang panahong iyon! *
Noon, at maging hanggang sa ngayon, may papel si Maria sa pagsasakatuparan ng mga layunin ni Jehova. Karapat-dapat tularan si Maria sa kaniyang kapakumbabaan, pananampalataya, pagkamasunurin, katapatan bilang ina, at pati na rin sa kaniyang pagbabata sa mga pagsubok. Dapat siyang lubos na igalang dahil sa kaniyang papel bilang ina ng Mesiyas at sa kaniyang bahagi sa paglalaan ng walang-hanggang mga pagpapala sa sangkatauhan.
Pero ang pinakamahalagang aral na matututuhan natin kay Maria ay na si Jehova lamang ang sinamba niya, gaya ng lahat ng ibang tapat na mga lingkod ng Diyos. Si Maria, kasama ng ibang makakasama ni Kristo na maghahari sa langit, ay bumulalas: “Sa Isa na nakaupo sa trono [Diyos na Jehova] at sa Kordero [Jesu-Kristo], sumakanila nawa ang pagpapala at ang karangalan at ang kaluwalhatian at ang kalakasan magpakailan-kailanman.”—Apocalipsis 5:13; 19:10.
[Talababa]
^ par. 13 Para sa higit pang impormasyon tungkol sa mga pagpapalang ito, tingnan ang kabanata 8 ng aklat na Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya? na inilathala ng mga Saksi ni Jehova.
[Blurb sa pahina 10]
Karapat-dapat tularan ang kapakumbabaan, pananampalataya, at pagkamasunurin ni Maria