Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Ang Pinakamahalagang Petsa sa Kasaysayan

Ang Pinakamahalagang Petsa sa Kasaysayan

Ang Pinakamahalagang Petsa sa Kasaysayan

Ito ang petsa ng kamatayan ni Jesu-Kristo. Bakit napakahalaga ng kamatayan ni Jesus? May ilang dahilan.

Ang katapatan ni Jesus hanggang kamatayan ay nagpapatunay na makapananatiling tapat sa Diyos ang isang tao.

Ang kamatayan ni Kristo ay nagbigay rin ng pagkakataon sa ilan mula sa sangkatauhan na maging kasama niyang mga tagapamahala sa langit. Nagbukas din ito ng daan para sa marami pang iba na mabuhay nang walang hanggan sa paraiso sa lupa.

Noong gabi bago mamatay si Jesus, gumamit siya ng tinapay na walang lebadura at pulang alak bilang mga sagisag ng kaniyang maibiging sakripisyo. At sinabi niya sa kaniyang mga alagad: “Patuloy ninyong gawin ito bilang pag-alaala sa akin.” (Lucas 22:19) Aalalahanin mo ba ang mahalagang okasyong ito?

Malugod kang inaanyayahan ng mga Saksi ni Jehova sa kanilang pagdiriwang ng Memoryal ng kamatayan ni Jesus. Ang petsa ng pagdiriwang sa taóng ito ay sa Huwebes, Abril 9, pagkalubog ng araw. Maaari kang dumalo sa Kingdom Hall na pinakamalapit sa inyong bahay. Pakisuyong itanong sa mga Saksi ni Jehova sa inyong lugar ang eksaktong oras at lugar.