Si Jesus ba ay Diyos?
PARA sa marami, ang Trinidad “ang pangunahing doktrina ng relihiyong Kristiyano.” Ayon sa turong ito, ang Ama, Anak, at banal na espiritu ay tatlong persona sa iisang Diyos. Ganito ang sinabi ni Cardinal John O’Connor tungkol sa Trinidad: “Alam natin na ito ay isang napakalaking misteryo, na hindi natin mauunawaan.” Bakit napakahirap maunawaan ng Trinidad?
Ganito ang isang dahilan na ibinibigay ng The Illustrated Bible Dictionary: “Ang doktrinang ito ay hindi turo ng Bibliya dahil wala ito sa Bibliya.” Yamang ang Trinidad ay “hindi turo ng Bibliya,” pinipilit ng mga Trinitaryo na makahanap ng mga teksto sa Bibliya—pinipilipit pa nga ang mga ito—upang suportahan ang kanilang turo.
Isang Tekstong Nagtuturo ng Trinidad?
Ang isang talata sa Bibliya na kadalasang mali ang pagkakagamit ay ang Juan 1:1. Sa Magandang Balita Biblia, ganito ang mababasa natin: “Sa pasimula pa’y naroon na ang Salita. Kasama ng Diyos [Griego, ton the·onʹ] ang Salita at ang Salita ay Diyos [the·osʹ].” Ang talatang ito ay may dalawang anyo ng pangngalang Griego na the·osʹ (diyos). Ang una ay may ton (ang), isang pamanggit na pantukoy sa wikang Griego, at dito ang salitang the·onʹ ay tumutukoy sa Diyos na Makapangyarihan-sa-lahat. Pero sa ikalawa naman, ang the·osʹ ay walang pamanggit na pantukoy. Nakaligtaan ba lamang ilagay ang pantukoy?
Bakit napakahirap maunawaan ang doktrina ng Trinidad?
Ang Ebanghelyo ni Juan ay isinulat sa wikang Koine, o karaniwang Griego, na may espesipikong mga tuntunin hinggil sa paggamit ng pamanggit na pantukoy. Sinabi ng iskolar ng Bibliya na si A. T. Robertson na kapag ang simuno at Mateo 13:38 bilang halimbawa, na ganito ang mababasa: “Ang bukid [Griego, ho a·grosʹ] ay ang sanlibutan [Griego, ho koʹsmos].” Bago ang salitang ‘bukid’ (a·grosʹ) at ‘sanlibutan’ (koʹsmos) ay may pamanggit na pantukoy (ho). Kaya tinutulungan tayo ng balarila na maunawaang ang sanlibutan at ang bukid ay iisa.
panaguri ay may mga pantukoy, “pareho silang tiyak, itinuturing na iisa, magkapareho, at maaaring pagpalitin.” Binanggit ni Robertson angPero paano kung ang simuno ay may pamanggit na pantukoy samantalang ang panaguri ay wala, gaya sa Juan 1:1? Sa pagbanggit sa talatang iyon bilang halimbawa, idiniin ng iskolar na si James Allen Hewett: “Sa gayong pangungusap, ang simuno at panaguri ay magkaiba, hindi pareho, hindi iisa.”
Bilang halimbawa, ginamit ni Hewett ang 1 Juan 1:5, na nagsasabi: “Ang Diyos ay liwanag.” Sa wikang Griego, ang “Diyos” ay ho the·osʹ at sa gayo’y may pamanggit na pantukoy. Subalit ang phos para sa “liwanag” ay walang pantukoy. Sinabi ni Hewett: “Laging masasabi . . . tungkol sa Diyos na Siya ay liwanag; pero hindi masasabi tungkol sa liwanag na ito ay Diyos.” Katulad din iyan ng mababasa sa Juan 4:24, “Ang Diyos ay Espiritu,” at sa 1 Juan 4:16, “Ang Diyos ay pag-ibig.” Sa mga talatang ito, ang mga simuno ay may pamanggit na pantukoy samantalang ang mga panaguring “Espiritu” at “pag-ibig” ay wala. Kaya ang mga simuno at panaguri ay hindi maaaring pagpalitin. Hindi puwedeng sabihing “ang Espiritu ay Diyos” o “ang pag-ibig ay Diyos.”
Sino “ang Salita”?
Kinikilala ng maraming Griegong iskolar at mga tagapagsalin ng Bibliya na itinatampok ng Juan 1:1 ang katangian at hindi kung sino “ang Salita.” Sinasabi ng tagapagsalin ng Bibliya na si William Barclay: “Dahil walang pamanggit na pantukoy na ginamit [si apostol Juan] sa unahan ng theos, naging pang-uri ito . . . Hindi sinasabi rito ni Juan na ang Salita ay siya ring Diyos. Sa maikli, hindi niya sinasabi na si Jesus ay Diyos.” Ganito rin ang sinabi ng iskolar na si Jason David BeDuhn: “Sa wikang Griego, kapag walang ginamit na pantukoy sa theos sa isang pangungusap gaya sa Juan 1:1c, iisipin ng inyong mga mambabasa na ito ay ‘isang diyos.’” Idinagdag pa ni BeDuhn na dahil walang pantukoy ang theos, ibang-iba ito sa ho theos, kung paanong ang ‘isang diyos’ ay iba sa ‘Diyos.’ Sinabi rin niya: “Sa Juan 1:1, ang Salita ay hindi ang iisa-at-tanging Diyos, kundi isang diyos, o isang personang gaya ng Diyos.” Ayon naman kay Joseph Henry Thayer, isa sa mga iskolar na bumuo ng American Standard Version: “Ang Verbo [o, Salita] ay diyos, hindi ang Diyos mismo.”
Nilinaw ni Jesus na magkaiba sila ng kaniyang Ama
“Napakalaking misteryo” ba ang pagkakakilanlan ng Diyos? Para kay Jesus, hindi ito isang misteryo. Sa panalangin sa kaniyang Ama, nilinaw ni Jesus na magkaiba sila ng kaniyang Ama nang sabihin niya: “Ito ay nangangahulugan ng buhay na walang hanggan, ang kanilang pagkuha ng kaalaman tungkol sa iyo, ang tanging tunay na Diyos, at sa isa na iyong isinugo, si Jesu-Kristo.” (Juan 17:3) Kung naniniwala tayo kay Jesus at nauunawaan natin ang malinaw na turo ng Bibliya, igagalang natin kung sino talaga siya—ang Anak ng Diyos. Sasambahin din natin si Jehova bilang “ang tanging tunay na Diyos.”