Para sa mga Kabataan
Nilabanan ni Jesus ang Tukso
Tagubilin: Gawin ito sa tahimik na lugar. Habang binabasa mo ang mga teksto, isipin mong naroroon ka. Ilarawan sa iyong isip ang eksena. Isipin mong naririnig mo sila. Damhin mo ang nadarama ng pangunahing mga tauhan.
PAG-ISIPAN ANG EKSENA.—BASAHIN ANG MATEO 4:1-11.
Ilarawan ang ilang kung saan nanatili si Jesus nang 40 araw.
․․․․․
Anong saloobin ang naguguniguni mo sa tono ng boses ng Manunukso? sa tono ng boses ni Jesus?
․․․․․
PAG-ARALANG MABUTI.
Paano ipinakita ni Satanas na isa siyang oportunista? (Basahing muli ang talata 2.)
․․․․․
Bakit inialok ng Diyablo kay Jesus hindi lamang ang lahat ng kaharian sa sanlibutan kundi pati na ang “kanilang kaluwalhatian”? (Basahing muli ang talata 8.)
․․․․․
Bakit kaya napili ni Satanas na ialok kay Jesus ang pamamahala sa sanlibutan?
․․․․․
(a) Ano ang isinisiwalat ng bawat tukso ni Satanas tungkol sa kaniyang pag-iisip? ․․․․․
(b) Ano naman ang isinisiwalat ng bawat sagot ni Jesus? ․․․․․
GAMITIN ANG IYONG NATUTUHAN. ISULAT ANG IYONG NATUTUHAN TUNGKOL . . .
Sa kung anong kalagayan malamang na tuksuhin tayo ni Satanas.
․․․․․
Sa iba’t ibang paraan na maaaring gamitin ni Satanas para tuksuhin tayo.
․․․․․
Sa kung paano lalabanan ang tukso.
․․․․․
ANONG BAHAGI NG KUWENTONG ITO ANG PINAKAGUSTO MO, AT BAKIT?
․․․․․