Para sa mga Kabataan
Isang Lalaking May Pananampalataya sa mga Pangako ng Diyos
Tagubilin: Gawin ito sa tahimik na lugar. Habang binabasa mo ang mga teksto, isipin mong naroroon ka. Ilarawan sa iyong isip ang eksena. Isipin mong naririnig mo sila. Damhin mo ang nadarama ng pangunahing mga tauhan.
PAG-ISIPAN ANG EKSENA.—BASAHIN ANG GENESIS 12:1-4; 18:1-15; 21:1-5; 22:15-18.
Ilarawan kung ano ang maaaring nadama ni Abraham nang ipangako sa kaniya ng Diyos na magiging ninuno siya ng “binhi” na magdudulot ng kapakinabangan sa buong daigdig.
․․․․․
Ano kaya ang hitsura ng tatlong bisita ni Abraham na inilarawan sa Genesis 18:2?
․․․․․
Paano mo ilalarawan sa iyong isip ang ulat sa Genesis 18:6-8? (Tandaan na halos 100 taon na si Abraham noon.)
․․․․․
PAG-ARALANG MABUTI.
Gaano katagal ang lumipas mula nang ipangako ni Jehova kay Abraham na magkakaroon siya ng anak hanggang sa maipanganak si Isaac? (Basahing muli ang Genesis 12:4 at 21:5.)
․․․․․
Anong mga katiyakan ang ibinigay ni Jehova kay Abraham habang hinihintay nitong matupad ang pangako sa kaniya? (Basahin ang Genesis 12:7; 13:14-17; 15:1-5, 12-21; 17:1, 2, 7, 8, 15, 16.)
․․․․․
Ano ang ginawa ni Jehova nang makita Niyang parang hindi makapaniwala si Abraham na magkakaroon siya ng anak? (Basahing muli ang Genesis 15:3-5, 12-21.)
․․․․․
Paano unti-unting ipinaalam ni Jehova ang mga detalye tungkol sa “binhi”?
․․․․․
GAMITIN ANG IYONG NATUTUHAN. ISULAT ANG IYONG NATUTUHAN TUNGKOL . . .
Sa pangangailangang manampalataya sa mga pangako ng Diyos.
․․․․․
Sa unti-unting pagsisiwalat ni Jehova ng kaniyang kalooban.
․․․․․
ANONG BAHAGI NG KUWENTONG ITO ANG PINAKAGUSTO MO, AT BAKIT?
․․․․․