Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Para sa mga Kabataan

Kung Paano Nawala ang Paraiso

Kung Paano Nawala ang Paraiso

Tagubilin: Gawin ito sa tahimik na lugar. Habang binabasa mo ang mga teksto, isipin mong naroroon ka. Ilarawan sa iyong isip ang eksena. Isipin mong naririnig mo sila. Damhin mo ang nadarama ng pangunahing mga tauhan. Gawing buháy na buháy sa iyong isipan ang kuwento.

PAG-ISIPAN ANG EKSENA.​—BASAHIN ANG GENESIS 3:1-24.

Ano kaya ang unang reaksiyon ni Eva nang kausapin siya ng serpiyente?

․․․․․

Dahil sinadyang magkasala nina Adan at Eva, ano sa palagay mo ang nadama nila, gaya ng nakaulat sa talata 7-10?

․․․․․

Paano mo ilalarawan ang pagpapalayas kina Adan at Eva sa hardin ng Eden, gaya ng sinasabi sa talata 22-24?

․․․․․

PAG-ARALANG MABUTI.

Paano naging dahilan ng pagkakasala ni Eva ang kaniyang mata? (Basahing muli ang talata 6.)

․․․․․

Bakit naging “kapana-panabik” ang bunga kay Eva? (Basahing muli ang talata 4 at 5.)

․․․․․

Bakit kumain din si Adan ng bunga ng punungkahoy? (Basahing muli ang talata 6.)

․․․․․

Ano ang naging epekto ng kasalanan sa ugnayan ng mga lalaki at babae sa sumunod na mga henerasyon? (Basahing muli ang talata 16.)

․․․․․

Paano masasabing nagkaroon ng problema sa ugnayan nina Adan at Eva pagkatapos nilang magkasala? (Basahing muli ang talata 12.)

․․․․․

Paano nilutas agad ni Jehova ang problema upang matupad ang kaniyang layunin? (Basahing muli ang talata 15.)

․․․․․

GAMITIN ANG IYONG NATUTUHAN. ISULAT ANG IYONG NATUTUHAN TUNGKOL . . .

Sa mga panganib ng malasariling saloobin.

․․․․․

Sa kung paanong ang pagtingin sa isang bagay ay nagpapatindi sa maling pagnanasa.

․․․․․

Sa pagiging mali na isisi sa iba ang ating pagkakamali.

․․․․․

ANONG BAHAGI NG KUWENTONG ITO ANG PINAKAGUSTO MO, AT BAKIT?

․․․․․