Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Turo 6: Sinasang-ayunan ng Diyos ang Pagsamba sa mga Imahen

Turo 6: Sinasang-ayunan ng Diyos ang Pagsamba sa mga Imahen

Turo 6: Sinasang-ayunan ng Diyos ang Pagsamba sa mga Imahen

Saan nagmula ang turong ito? “Ang mga unang Kristiyano ay hindi gumamit ng mga imahen sa kanilang pagsamba . . . Binigyang-katuwiran ng simbahan ang pagsamba sa mga imahen noong ika-4 at ika-5 siglo. Sinabi nilang mas matututo ang mga taong walang-alam sa mga turo ng Kristiyanismo sa pamamagitan ng mga imahen kaysa sa mga sermon o aklat.”​—Cyclopedia of Biblical, Theological, and Ecclesiastical Literature, ni McClintock at Strong, Tomo 4, pahina 503 at 504.

Ano ang sinasabi ng Bibliya? “Huwag kang gagawa ng imahen na kawangis ng anumang bagay sa langit, sa ibabaw ng lupa o sa ilalim ng tubig. Huwag mo silang yuyukuran o sasambahin.” (Exodo 20:4, 5, Ang Biblia, Bagong Salin sa Pilipino) Sumulat si apostol Juan sa mga Kristiyano noong unang siglo: “Mumunting mga anak, bantayan ninyo ang inyong sarili mula sa mga idolo.”​—1 Juan 5:21.

Gaya ng sinasabi ng simbahan, ang mga imahen ba ay talagang paraan lamang upang makalapit at maparangalan ang mga kinakatawan nito? Ganito ang sinabi ng The Encyclopedia of Religion: “Sa simula, ikinakatuwiran ng simbahan na ang mga imahen ay ginamit pangunahin na sa [pagtuturo] at bilang dekorasyon. Pero di-nagtagal, ito ay ginamit na sa pagsamba. Totoo ito sa mga imahen na naging pangunahing bahagi ng pagsamba sa Silanganing Ortodokso.” Angkop nga ang tanong ni propeta Isaias: “Kanino mo itutulad ang Dios? Anong larawan ang pagtutularan mo sa kanya?”​—Isaias 40:18, Ang Biblia, Bagong Salin sa Pilipino.

Ihambing ang mga talatang ito ng Bibliya: Isaias 44:13-19; Gawa 10:25, 26; 17:29; 2 Corinto 5:7

ANG TOTOO:

Hindi sinasang-ayunan ng Diyos ang pagsamba sa mga imahen

TANGGIHAN ANG MALING MGA TURO, MANGHAWAKAN SA KATOTOHANAN

Ano ang masasabi natin mula sa maikling pagtalakay tungkol sa maling mga turo ng maraming relihiyon? Ang mga turong ito na “katha lamang ng tao” ay hindi maihahambing sa simple at nakaaaliw na mga katotohanang itinuturo ng Bibliya.​—2 Pedro 1:16, Magandang Balita Biblia.

Kaya buksan ang iyong isipan, at ihambing ang itinuro sa iyo sa kung ano ang sinasabi ng Salita ng Diyos​—ang bukal ng katotohanan. (Juan 17:17) Kung gayon, magiging totoo sa iyo ang pangakong ito: “Malalaman ninyo ang katotohanan, at ang katotohanan ang magpapalaya sa inyo.”​—Juan 8:32.

[Picture Credit Line sa pahina 9]

Pictorial Archive (Near Eastern History) Est.