Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Ibinigay ni Jesus ang Kaniyang Buhay Para sa Marami

Ibinigay ni Jesus ang Kaniyang Buhay Para sa Marami

Ibinigay ni Jesus ang Kaniyang Buhay Para sa Marami

Sinabi ni Jesu-Kristo sa kaniyang mga tagasunod na siya ay naparito sa lupa, “hindi upang paglingkuran, kundi upang maglingkod at ibigay ang kaniyang kaluluwa bilang pantubos na kapalit ng marami.” (Mateo 20:28) Kusa niyang ibinigay ang kaniyang buhay sa kapakinabangan ng iba.

Paano nagsilbing pantubos ang kamatayan ni Jesus? Bakit ito kailangan? Para kanino ito? At ano ang magagawa nito para sa iyo?

Malugod kang inaanyayahan ng mga Saksi ni Jehova na dumalo sa kanilang pagdiriwang ng anibersaryo ng kamatayan ni Jesus. Sa taóng ito, papatak ito sa Martes, Marso 30, pagkalubog ng araw. Sa okasyong iyon, sasagutin sa pamamagitan ng Bibliya ang mga tanong na nasa itaas.

Maaari kang dumalo sa Kingdom Hall na pinakamalapit sa iyong bahay. Pakisuyong alamin sa mga Saksi ni Jehova sa inyong lugar ang eksaktong oras at lugar.