Espesyal na Pahayag Pangmadla
Tunay na Kapayapaan at Katiwasayan—Kailan?
Sa loob ng libu-libong taon, inaasam-asam ng mga tao na magkaroon ng kapayapaan at katiwasayan. Pero mailap ang tunay na kapayapaan. Bakit? Sinasabi ng Bibliya ang dalawang dahilan. Tinitiyak din sa atin ng Bibliya: Ipinangako ng Diyos na magkakaroon ng tunay at walang-hanggang kapayapaan at katiwasayan sa buong daigdig.
Paano at kailan magkakaroon ng tunay na kapayapaan at katiwasayan? Ano ang kailangan mong gawin upang matamasa ang ganitong magandang kalagayan? Sasagutin ang mga tanong na ito sa pahayag pangmadla na “Tunay na Kapayapaan at Katiwasayan—Kailan?” Ang paksang ito na salig sa Bibliya ay ipapahayag sa buong daigdig sa mahigit 230 lupain. Sa maraming lugar, ipapahayag ito sa mga Kingdom Hall ng mga Saksi ni Jehova sa Abril 18, 2010, araw ng Linggo. Matutuwa ang mga Saksi sa inyong lugar na sabihin sa iyo kung anong oras at saan ito gaganapin. Ikaw ay malugod na inaanyayahang dumalo.