Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Para sa mga Kabataan

Manindigan sa Iyong mga Paniniwala!

Manindigan sa Iyong mga Paniniwala!

Tagubilin: Gawin ito sa tahimik na lugar. Habang binabasa mo ang mga teksto, isipin mong naroroon ka. Ilarawan sa iyong isip ang eksena. Isipin mong naririnig mo sila. Damhin mo ang nadarama ng pangunahing mga tauhan. Gawing buháy na buháy sa iyong isipan ang kuwento.

Pangunahing mga tauhan: Jeremias, Ebed-melec, Haring Zedekias

Sumaryo: Napaharap si Jeremias sa matinding pagsalansang nang ipahayag niya ang mensahe ng Diyos sa bayan ng Juda na dapat silang sumuko sa mga Caldeo.

1 PAG-ISIPAN ANG EKSENA.​—BASAHIN ANG JEREMIAS 38:1-5.

Ano kaya ang nadarama ni Jeremias nang magsalita siya sa bayan ng Juda?

․․․․․

Anong damdamin ang mahahalata mo sa tinig ni Jeremias habang ipinahahayag niya ang babala ni Jehova?

․․․․․

PAG-ARALANG MABUTI.

Anong matibay na paniniwala ang taglay ni Jeremias upang maipahayag niya nang may katapangan ang gayong mensahe?

․․․․․

2 PAG-ISIPAN ANG EKSENA.​—BASAHIN ANG JEREMIAS 38:6-13.

Ilarawan ang isang imbakang-tubig​—ang lapad, lalim, at amoy nito.

․․․․․

Ano kaya ang naiisip ni Jeremias nang ‘magsimula siyang lumubog sa lusak’? (Basahing muli ang talata 6.)

․․․․․

PAG-ARALANG MABUTI.

Magsaliksik at alamin ang mga bagay na hindi mo pa alam tungkol sa mga imbakang-tubig noong panahon ng Bibliya.

․․․․․

Bakit nanindigan si Ebed-melec na iligtas si Jeremias? (Basahing muli ang talata 7-9.)

․․․․․

Bakit madaling naimpluwensiyahan si Zedekias, una ng mga prinsipe at nang maglaon ni Ebed-melec? (Basahing muli ang talata 5 at 10.) Ano ang masasabi mo tungkol sa kaniyang pagkatao? sa kaniyang kawalan ng paninindigan?

․․․․․

Sinong mga tauhan sa kuwento ang may matinding paninindigan? Sino ang walang paninindigan? Bakit iyan ang sagot mo?

․․․․․

3 GAMITIN ANG IYONG NATUTUHAN. ISULAT ANG IYONG NATUTUHAN TUNGKOL . . .

Sa lakas ng loob.

․․․․․

Sa paninindigan.

․․․․․

Sa proteksiyon ni Jehova sa mga walang-takot na sumusunod sa kaniya.

․․․․․

Kapag ginigipit, paano makatutulong ang paninindigan para magawa mo ang tama?

․․․․․

4 ANONG BAHAGI NG KUWENTONG ITO ANG PINAKAGUSTO MO, AT BAKIT?

․․․․․

KUNG WALA KANG BIBLIYA, HUMILING NITO SA MGA SAKSI NI JEHOVA, O BASAHIN ITO SA WEB SITE NA www.watchtower.org