Mga Apolohista—Mga Tagapagtanggol ng Kristiyanismo o mga Pilosopo?
Mga Apolohista—Mga Tagapagtanggol ng Kristiyanismo o mga Pilosopo?
INSESTO, pagpatay ng bata, kanibalismo—ilan lamang iyan sa mga ipinaratang sa mga Kristiyano noong ikalawang siglo C.E. Nagdulot ito ng sunud-sunod na pag-uusig, kaya ang mga manunulat na nag-aangking Kristiyano ay naobligang ipagtanggol ang kanilang pananampalataya. Nakilala sila nang maglaon bilang mga apolohista, o mga tagapagtanggol ng kanilang paniniwala. Ginagawa nila ito bilang patunay na hindi masama ang kanilang relihiyon at sa gayo’y makuha ang simpatiya ng mga Romanong awtoridad at ng publiko. Mahirap itong gawin dahil karaniwan nang mapapatahimik lamang ang imperyo at ang publiko kung susunod ka sa kanila. Nariyan din ang panganib na magkaroon ng higit pang pag-uusig o mabantuan ang Kristiyanong paniniwala dahil sa pakikipagkompromiso. Paano nga ba ipinagtanggol ng mga apolohista ang kanilang paniniwala? Anu-anong argumento ang ginamit nila? At ano ang naging resulta ng kanilang mga pagsisikap?
Ang mga Apolohista at ang Imperyo ng Roma
Ang mga apolohista ay mga edukadong lalaki noong ikalawang siglo at sa pasimula ng ikatlong siglo. Ang ilan sa naging pinakakilala sa kanila ay sina Justin Martyr, Clemente ng Alejandria, at si Tertullian. * Ang kanilang mga isinulat, na kadalasang may pagsipi sa Bibliya, ay pangunahin nang para sa mga pagano at mga Romanong awtoridad, sa layuning maipaliwanag ang paniniwalang Kristiyano. Bukod diyan, nanindigan din sila sa harap ng kanilang mga mang-uusig, pinabulaanan ang mga akusasyon sa kanila, at pinaganda ang imahe ng mga Kristiyano.
Isa sa mga pangunahing ikinababahala ng mga apolohista ay ang kumbinsihin ang pulitikal na mga awtoridad na hindi kaaway ng emperador o ng imperyo ang mga Kristiyano. Sinabi ni Tertullian na ang emperador ay “hinirang ng aming Diyos,” at itinaguyod naman ni Athenagoras na ang trono ng imperyo ay dapat ipamana sa kapamilya. Kaya nakialam sila sa takbo ng pulitika noon. Binale-wala nila ang sinabi ni Jesu-Kristo: “Ang kaharian ko ay hindi bahagi ng sanlibutang ito.”—Juan 18:36.
Sinasabi rin ng mga apolohista na may kaugnayan sa isa’t isa ang mga Romano at mga Kristiyano. Ayon kay Melito, nagtulungan ang mga ito para sa kapakanan ng imperyo. Sinabi ng di-kilalang manunulat ng The Epistle to Diognetus na ang mga Kristiyano ay mahalaga—‘binubuklod nila ang daigdig.’ At isinulat ni Tertullian na ipinanalangin ng mga Kristiyano ang kasaganaan ng imperyo at na hindi muna matapos ang sistema ng mga bagay. Bilang resulta, tila hindi pa kailangan ang Kaharian ng Diyos.—Naging Pilosopiya ang “Kristiyanismo”
May panunuyang inilarawan ng pilosopong si Celsus ang mga Kristiyano bilang “mga manggagawa, sapatero, magsasaka, pinakamangmang at katawa-tawang mga tao.” Para sa mga apolohista, sobra na ang panlalait na ito. Determinado silang makuha ang simpatiya ng publiko sa pamamagitan ng isang bagong taktika. Ang dating tinatanggihang karunungan ng sanlibutan ay ginagamit na ngayon para ipagtanggol ang mga “Kristiyano.” Halimbawa, “tunay na teolohiya” ang pangmalas ni Clemente ng Alejandria sa pilosopiya. Bagaman tinatanggihan ni Justin ang paganong pilosopiya, siya ang unang gumamit ng makapilosopong mga salita at konsepto para ipaliwanag ang mga ideyang “Kristiyano,” anupat itinuturing ang pilosopiyang ito na “ligtas at kapaki-pakinabang.”
Mula noon, naiba na ang kanilang estratehiya. Hindi na nila tinanggihan ang pilosopiya kundi ginawa nila ang kaisipang Kristiyano na isang pilosopiya na mas mataas kaysa sa mga pagano. “May ilang turo kami na katulad ng turo ng mga makata at pilosopo na iginagalang ninyo, pero sa ibang bagay naman, mas detalyado at banal ang aming itinuturo,” ang isinulat ni Justin. Sa pamamagitan ng bago at kaakit-akit na pilosopiya, ang mga turo ng “Kristiyano” ay naging matatag at kagalang-galang. Sinabi ng mga apolohista na ang mga aklat na Kristiyano ay mas matanda kaysa sa mga Griegong akda at mas naunang nabuhay ang mga propeta ng Bibliya kaysa sa mga pilosopong Griego. Ipinagpalagay pa nga ng ilang apolohista na kumopya lamang ang mga pilosopo mula sa mga propeta. Sinabi rin ng ilan na si Plato ay alagad ni Moises!
Pinilipit na Kristiyanismo
Dahil sa bagong estratehiyang ito, naghalo ang Kristiyanismo at paganong pilosopiya. Pinaghahambing ang mga diyos ng Griego at ang mga tauhan sa Bibliya. Si Jesus ay inihambing kay Perseus; at ang paglilihi ni Maria sa paglilihi ng ina ni Perseus, si Danaë, na sinasabi ring isang birhen.
Malaki rin ang binago sa ilang turo. Halimbawa, tinatawag si Jesus sa Bibliya na ang “Logos,” Juan 1:1-3, 14-18; Apocalipsis 19:11-13) Noon pa man, pinilipit na ni Justin ang turong ito. Gaya ng isang pilosopo, ipinaliwanag niya ang salitang Griego na logos sa dalawang posibleng kahulugan nito: “salita” at “pangangatuwiran.” Sinabi niya na tinanggap ng mga Kristiyano ang salita sa katauhan ni Kristo mismo. Pero ang logos, sa kahulugan nitong pangangatuwiran, ay matatagpuan sa lahat ng tao pati na sa mga pagano. Kaya, ayon sa kaniya, lahat ng namumuhay ayon sa katuwiran ay mga Kristiyano, kahit na yaong mga nag-aangkin o itinuturing na ateista, gaya ni Socrates at iba pa.
na nangangahulugang “Salita” ng Diyos, o Tagapagsalita. (Dahil pinipilit nilang iugnay si Jesus sa logos ng pilosopiyang Griego, na iniuugnay naman sa persona ng Diyos, sinimulan ng mga apolohista, kasama na si Tertullian, ang isang paniniwala na umakay sa Kristiyanismo sa turo ng Trinidad. *
Ang salitang “kaluluwa” ay lumitaw nang mahigit 850 beses sa Bibliya, kasama na ang mahigit 100 ulit na pagbanggit dito sa anyong Griego nito. Tumutukoy ito sa mortal at nabubuhay na mga nilalang, tao man sila o hayop. (1 Corinto 15:45; Santiago 5:20; Apocalipsis 16:3) Gayunman, pinilipit ng mga apolohista ang turong ito ng Bibliya nang iugnay nila ito sa pilosopiya ni Plato na ang kaluluwa ay hiwalay sa katawan, di-nakikita at imortal. Iginiit pa nga ni Minucius Felix na ang paniniwala sa pagkabuhay-muli ay mula sa turo ni Pythagoras na ang kaluluwa ay lumilipat sa ibang katawan. Dahil sa impluwensiya ng mga Griego, tunay ngang malayo ang kanilang paniniwala sa turo ng Bibliya!
Maling Pagpili
Alam ng ilang apolohista ang panganib na maaaring idulot ng pilosopiya sa Kristiyanong paniniwala. Pero bagaman binabatikos nila ang mga pilosopo, gustung-gusto pa rin nila ang intelektuwal na pamamaraan nito. Halimbawa, tinuligsa ni Tatian ang mga pilosopo dahil wala silang nagagawang mabuti pero tinawag niya ang relihiyong Kristiyano na “ating pilosopiya” at nakisawsaw siya sa pala-palagay ng mga pilosopo. Minaliit naman ni Tertullian ang impluwensiya ng paganong pilosopiya sa mga turo ng Kristiyanismo. Pero sinabi niyang gusto niyang sundan ang mga yapak nina “Justin, na isang pilosopo at martir; Miltiades, isang sopista ng mga simbahan,” at ng iba pa. Tinawag si Athenagoras na “isang pilosopong Kristiyano mula sa Atenas.” Tungkol naman kay Clemente, sinabi niyang “maaaring gamitin ng mga Kristiyano ang pilosopiya sa mahusay na paraan para maging marunong at maipagtanggol ang kanilang paniniwala.”
Anumang tagumpay ang natamo ng mga apolohistang ito sa pagtatanggol sa kanilang paniniwala, may nagawa silang malaking kasalanan. Ano iyon? Ipinaalaala ni apostol Pablo sa mga Kristiyano na walang katumbas ang isa sa kanilang espirituwal na mga sandata, ang “salita ng Diyos” na “buháy at may lakas.” Sa pamamagitan nito, “itinitiwarik namin ang mga pangangatuwiran at bawat matayog na bagay na ibinangon laban sa kaalaman sa Diyos,” ang sabi ni Pablo.—Hebreo 4:12; 2 Corinto 10:4, 5; Efeso 6:17.
Nang gabi bago mamatay si Jesus, sinabi niya sa kaniyang mga alagad: “Lakasan ninyo ang inyong Juan 16:33) Hindi nadaig ng mga pagsubok at kapighatiang dinanas niya sa sanlibutan ang kaniyang pananampalataya at katapatan sa kaniyang Ama. Ganiyan din ang isinulat ni Juan, ang huling namatay na apostol: “Ito ang pananaig na dumaig sa sanlibutan, ang ating pananampalataya.” (1 Juan 5:4) Bagaman gustong ipagtanggol ng mga apolohista ang paniniwalang Kristiyano, mali ang pinili nilang pamamaraan. Tinanggap nila ang mga ideya at paraan ng pilosopiya ng sanlibutan. Sa paggawa nito, hinayaan ng mga apolohista na mahikayat sila ng gayong mga pilosopiya. Sa diwa, hinayaan nilang madaig sila ng sanlibutan pati na ang kanilang paniniwalang Kristiyano. Sa halip na maging tagapagtanggol ng tunay na Kristiyanong pananampalataya, ang mga apolohista noon, marahil nang hindi nila namamalayan, ay nahulog sa patibong ni Satanas na “laging nag-aanyong isang anghel ng liwanag.”—2 Corinto 11:14.
loob! Dinaig ko ang sanlibutan.” (Ganiyan din ang ginagawa ngayon ng mga klero at teologo ng mga simbahan. Sa halip na ipagtanggol ang tunay na Kristiyanismo sa pamamagitan ng Salita ng Diyos, kadalasan nang winawalang-halaga nila ang Bibliya at bumabaling sa pilosopiya ng sanlibutan sa kanilang pagtuturo sa pagsisikap na makuha ang simpatiya ng publiko at ng prominenteng mga tao. Sa halip na magbabala tungkol sa mga panganib ng pagsunod sa di-makakasulatang kalakaran ng sanlibutan, sila ay naging mga guro na ginagawa ang kanilang buong makakaya para ‘kilitiin ang mga tainga’ ng kanilang mga tagapakinig upang maging mga tagasunod nila. (2 Timoteo 4:3) Nakalulungkot, gaya ng mga apolohista noon, binale-wala ng mga gurong ito ang babala ng apostol: “Mag-ingat: baka may sinumang tumangay sa inyo bilang kaniyang nasila sa pamamagitan ng pilosopiya at walang-katuturang panlilinlang ayon sa tradisyon ng mga tao, ayon sa panimulang mga bagay ng sanlibutan at hindi ayon kay Kristo.” At pinaalalahanan tayo na “ang kanilang wakas ay magiging ayon sa kanilang mga gawa.”—Colosas 2:8; 2 Corinto 11:15.
[Mga talababa]
^ par. 4 Kasama rin sa kanila sina Quadratus, Aristides, Tatian, Apollinaris, Athenagoras, Teofilo, Melito, Minucius Felix, at iba pang di-gaanong kilalang manunulat. Tingnan Ang Bantayan ng Mayo 15, 2003, pahina 27-29, at Marso 15, 1996, pahina 28-30.
^ par. 13 Para sa higit na impormasyon tungkol sa mga paniniwala ni Tertullian, tingnan Ang Bantayan ng Mayo 15, 2002, pahina 29-31.
[Blurb sa pahina 31]
“Itinitiwarik namin ang mga pangangatuwiran at bawat matayog na bagay na ibinangon laban sa kaalaman sa Diyos.”—2 CORINTO 10:5
[Larawan sa pahina 28]
Para kay Justin, ang paggamit ng pilosopiya ay “ligtas at kapaki-pakinabang”
[Larawan sa pahina 29]
“Tunay na teolohiya” ang pangmalas ni Clemente sa ilang pilosopiya
[Larawan sa pahina 29]
Ang pilosopiya ni Tertullian ang nagbigay-daan sa doktrina ng Trinidad
[Larawan sa pahina 29]
Tinawag ni Tatian ang Kristiyanismo na “ating pilosopiya”
[Larawan sa pahina 30]
Ginagawa rin ng mga klero at teologo ngayon ang ginawa noon ng mga apolohista
[Larawan sa pahina 31]
Nagbabala si apostol Pablo laban sa mga pilosopiya at panlilinlang ng mga tao
[Picture Credit Lines sa pahina 29]
Clement: Historical Pictures Service; Tertullian: © Bibliothèque nationale de France