Para sa mga Kabataan
Hindi Nagtatangi ang Diyos
Tagubilin: Gawin ito sa tahimik na lugar. Habang binabasa mo ang mga teksto, isipin mong naroroon ka. Ilarawan sa iyong isip ang eksena. Isipin mong naririnig mo sila. Damhin mo ang nadarama ng pangunahing mga tauhan. Gawing buháy na buháy sa iyong isipan ang kuwento.
Pangunahing mga tauhan: Cornelio, Pedro
Sumaryo: Tinularan ni Pedro ang Diyos na hindi nagtatangi nang mangaral siya sa Gentil na si Cornelio.
1 PAG-ISIPAN ANG EKSENA.—BASAHIN ANG GAWA 10:1-35, 44-48.
Ano ang naiisip mong hitsura ni Cornelio?
․․․․․
Ano kaya ang nadarama ni Cornelio habang nakikipag-usap sa anghel, gaya ng nakaulat sa talata 3 hanggang 6?
․․․․․
Paano kaya nagkuwento si Cornelio sa kaniyang mga tagapaglingkod, gaya ng binabanggit sa talata 7 at 8?
․․․․․
2 PAG-ARALANG MABUTI.
Bakit epektibo ang ilustrasyong iniharap kay Pedro sa talata 10 hanggang 16? (Clue: Alalahanin na Judio si Pedro, gaya ng ipinahihiwatig sa talata 14.)
․․․․․
Anong katangian ni Cornelio ang makikita sa talata 25? Bakit bihira ang katangiang iyon para sa isa na nasa posisyon niya? (Clue: Tingnan ang talata 1.)
․․․․․
Magsaliksik at alamin kung gaano kalaki ang Italyanong hukbo na pinamumunuan ni Cornelio.
․․․․․
Bakit hindi pangkaraniwan ang pagkakumberte kay Cornelio?
․․․․․
3 GAMITIN ANG IYONG NATUTUHAN. ISULAT ANG IYONG NATUTUHAN TUNGKOL . . .
Sa epektibong paggamit ng mga ilustrasyon.
․․․․․
Sa di-pagtatangi ng Diyos.
․․․․․
Paano mo rin maipakikita na hindi ka nagtatangi?
․․․․․
4 ANONG BAHAGI NG KUWENTONG ITO ANG PINAKAGUSTO MO, AT BAKIT?
․․․․․
KUNG WALA KANG BIBLIYA, HUMILING NITO SA MGA SAKSI NI JEHOVA, O BASAHIN ITO SA WEB SITE NA www.watchtower.org