Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Para sa mga Kabataan

Gumaling ang Isang Ketongin!

Gumaling ang Isang Ketongin!

Tagubilin: Gawin ito sa tahimik na lugar. Habang binabasa mo ang mga teksto, isipin mong naroroon ka. Ilarawan sa iyong isip ang eksena. Isipin mong naririnig mo sila. Damhin mo ang nadarama ng pangunahing mga tauhan. Gawing buháy na buháy sa iyong isipan ang kuwento.

Pangunahing mga tauhan: Naaman, Eliseo, at isang batang babaing Israelita

Sumaryo: Ang pinuno ng hukbo ng Sirya na si Naaman ay gumaling sa isang nakapandidiring sakit matapos siyang makipagkita kay Eliseo, gaya ng sinabi ng isang batang babaing Israelita.

1 PAG-ISIPAN ANG EKSENA.​—BASAHIN ANG 2 HARI 5:1-19.

Ano kaya ang nadama ng batang babaing Israelita nang mabihag siya at mawalay sa kaniyang pamilyang may-takot sa Diyos?

․․․․․

Ano kayang hirap ang pinagdaraanan ni Naaman na isang makapangyarihang lalaki pero may malubhang sakit?

․․․․․

Ano kaya ang nararamdaman ni Naaman at ng kaniyang mga lingkod habang nag-uusap sila, gaya ng nakaulat sa talata 11 hanggang 13?

․․․․․

Mula sa talata 15 patuloy, ano ang napansin mong pagbabago sa saloobin ni Naaman?

․․․․․

2 PAG-ARALANG MABUTI.

Bakit kaya mapagmataas si Naaman? (Basahing muli ang talata 1.)

․․․․․

Magsaliksik tungkol sa ketong noong panahon ng Bibliya. * (Halimbawa, gaano ito kagrabe? Nakakahawa ba ito? Paano ito ginagamot?)

․․․․․

Ano kaya ang naging epekto sa batang babaing Israelita ng paggaling ni Naaman?

․․․․․

Ano kaya ang nasubok kay Naaman sa naging tugon ni Eliseo? (Tingnan ang talata 10.)

․․․․․

3 GAMITIN ANG IYONG NATUTUHAN. ISULAT ANG IYONG NATUTUHAN TUNGKOL . . .

Sa mga panganib ng pagmamataas.

․․․․․

Sa pagsasalita nang may katapangan tungkol sa iyong mga paniniwala.

․․․․․

Sa kapangyarihan ni Jehova na magpagaling ng sakit.

․․․․․

4 ANONG BAHAGI NG KUWENTONG ITO ANG PINAKAGUSTO MO, AT BAKIT?

․․․․․

KUNG WALA KANG BIBLIYA, HUMILING NITO SA MGA SAKSI NI JEHOVA, O BASAHIN ITO SA WEB SITE NA www.watchtower.org

[Talababa]

^ par. 18 Ang isang uri ng sakit sa balat na tinatawag na ketong noong panahon ng Bibliya ay ang Hansen’s disease.