Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Si Jesus ang “Nag-aalis ng Kasalanan ng Sanlibutan”

Si Jesus ang “Nag-aalis ng Kasalanan ng Sanlibutan”

Si Jesus ang “Nag-aalis ng Kasalanan ng Sanlibutan”

Sinabi ni Juan na Tagapagbautismo na si Jesus ang “nag-aalis ng kasalanan ng sanlibutan.” (Juan 1:29) Ipinakikita nito ang papel ni Jesus sa pagliligtas sa mga taong sumusunod sa kaniyang mga utos.

Pero bakit kinailangang mamatay si Jesus upang iligtas ang mga makasalanan?

Ano ang nagawa niya nang kusa niyang ibigay ang kaniyang buhay?

Sinu-sino ang nakikinabang sa kaniyang kamatayan?

Ano ang maaaring maging kahulugan nito sa iyo?

Taun-taon, ang mga Saksi ni Jehova ay nagtitipon upang alalahanin ang kamatayan ni Jesus. Sa taóng ito, ang anibersaryo ng kaniyang kamatayan ay papatak sa Abril 17, araw ng Linggo, pagkalubog ng araw.

Malugod kang inaanyayahan ng mga Saksi ni Jehova na makipagtipon sa kanila upang alamin ang kahalagahan ng kamatayan ni Jesus. Tatalakayin ang sagot ng Bibliya sa mga tanong sa itaas.

Maaari kang dumalo sa lugar na malapit sa inyong tahanan. Pakisuyong alamin sa mga Saksi ni Jehova sa inyong lugar ang eksaktong oras at lugar.