Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Espesyal na Pahayag Pangmadla

Saan Tayo Makasusumpong ng Tulong Upang Maharap ang mga Problema Ngayon?

Saan Tayo Makasusumpong ng Tulong Upang Maharap ang mga Problema Ngayon?

Napakaraming makukuhang payo ngayon. Napakapopular ng mga aklat at programa sa TV na nagpapayo sa mga tao kung paano nila lulutasin ang kanilang mga problema. Pero nariyan pa rin ang mga problema. Baka maitanong mo, ‘Mayroon ba akong makukunan ng patnubay na talagang mapagkakatiwalaan?’ Ang sagot ay mayroon!

Bagaman libu-libong taon nang naisulat ang Bibliya, masasagot pa rin nito ang mga tanong na:

▪ Paano ko maaayos at mapabubuti ang aking kaugnayan sa iba?

▪ Paano ako magiging maligaya?

▪ Paano ko mahaharap ang aking mga problema sa pera?

▪ Paano ko mababawasan ang pagkabalisa?

Tatalakayin ang sagot sa mga tanong na ito sa pahayag pangmadla na “Mga Simulain sa Bibliya​—Matutulungan ba Tayo Nito na Harapin ang mga Problema Ngayon?” Ang pahayag na ito na salig sa Bibliya ay bibigkasin sa mahigit 230 lupain sa buong daigdig. Sa karamihan ng mga lugar, ito ay ipapahayag sa Kingdom Hall ng mga Saksi ni Jehova sa Mayo 1, 2011, araw ng Linggo.

Matutuwa ang mga Saksi sa inyong lugar na sabihin sa inyo ang oras at adres nito. Kayo ay malugod na inaanyayahang dumalo.