Para sa mga Kabataan
Iwasan ang Masasamang Kasama!
Tagubilin: Gawin ito sa tahimik na lugar. Habang binabasa mo ang mga teksto, isipin mong naroroon ka. Ilarawan sa iyong isip ang eksena. Isipin mong naririnig mo sila. Damhin mo ang nadarama ng mga tauhan. Gawing buháy na buháy sa iyong isipan ang kuwento.
Pangunahing mga tauhan: Dina, Sikem, Jacob, Simeon, at Levi
Sumaryo: Hinalay ni Sikem si Dina, kaya naghiganti ang mga kuya nito dahil sa sobrang galit.
1 PAG-ISIPAN ANG EKSENA.—BASAHIN ANG GENESIS 34:1-31.
Anu-ano kaya ang ginawa ni Dina kasama ng kaniyang mga kaibigan sa Canaan?
․․․․․
Ano kayang pangangatuwiran ang ‘patuloy na sinasalita nang may panghihikayat’ ni Sikem kay Dina?
․․․․․
Anong damdamin ang mapapansin mo sa tinig ni Jacob nang pagalitan niya sina Simeon at Levi sa talata 30?
․․․․․
2 PAG-ARALANG MABUTI.
Sa palagay mo, bakit laging pinupuntahan ni Dina ang mga anak na babae ng Canaan? (Halimbawa, anu-ano kaya ang pagkakatulad nila? Ano kaya ang mayroon sa Canaan na wala kina Dina?)
․․․․․
Anong kaakit-akit na mga katangian ang maaaring napansin ni Dina kay Sikem? (Basahing muli ang talata 3, 12, at 19.)
․․․․․
talata 2.)
Paano ipinahiwatig ng Bibliya na ayaw ni Dina na makipag-sex kay Sikem? (Basahing muli ang․․․․․
Sa palagay mo, tama bang patayin nina Simeon at Levi ang mga naninirahan sa lunsod ng Sikem bilang paghihiganti? Ipaliwanag ang iyong sagot.
․․․․․
3 GAMITIN ANG IYONG NATUTUHAN. ISULAT ANG IYONG NATUTUHAN TUNGKOL . . .
Sa matalinong pagpili ng mga kasama.
․․․․․
Sa pagpipigil sa sarili, kahit na may mabuting dahilan ka na magalit.
․․․․․
PARA MAGAMIT PA ANG IYONG NATUTUHAN.
Ano ang maaari mong gawin para hindi ka mapagsamantalahan ng mga taong walang pagpapahalaga sa mga pamantayang moral ng Diyos?
․․․․․
4 ANONG BAHAGI NG KUWENTONG ITO ANG PINAKAGUSTO MO, AT BAKIT?
․․․․․
Kung wala kang Bibliya, humiling nito sa mga Saksi ni Jehova, o basahin ito sa Web site na www.watchtower.org