May Organisasyon ba ang Diyos?
May Organisasyon ba ang Diyos?
MAKIKITA ang kaayusan sa lahat ng nilalang ng Diyos. Halimbawa, ang isang “simpleng” selula ng yeast ay napakaorganisado. Ang mga bahagi nito ay halos kasindami ng mga parte ng Boeing 777, isa sa pinakamalaking eroplano sa daigdig. Pero ang lahat ng bahaging ito ay may kani-kaniyang lugar sa loob ng selula na limang micron * lamang ang diyametro. At di-gaya ng mga eroplano, ang mga selula ng yeast ay nakapagpaparami. Hindi ba’t kahanga-hanga ang pagkakaayos at pagkakaorganisa nito?—1 Corinto 14:33.
Ipinakikita ng Bibliya na maging ang mga anghel ay napakaorganisado rin, at kaayon naman ito ng layunin ng Maylalang. Sa isang pangitain, ang propetang si Daniel ay nakakita ng isang napakalaking hukbo ng mga anghel sa hukuman ng Diyos sa langit: “May isang libong libu-libo na patuloy na naglilingkod sa kaniya, at sampung libong tigsasampung libo na patuloy na nakatayo sa mismong harap niya.” (Daniel 7:9, 10) Isip-isipin na lang kung paano inorganisa ang mahigit sandaang milyong anghel na ito para gawin ang mga tagubilin ng Diyos alang-alang sa mga lingkod niya rito sa lupa!—Awit 91:11.
Bagaman ang Diyos na Jehova, na siyang Maylalang, ang pinakamahusay na organisador o tagapagsaayos, hindi siya manhid ni sobrang istrikto. Sa halip, siya ay magiliw at maligayang Diyos na palaisip sa kapakanan ng lahat ng kaniyang nilalang. (1 Timoteo 1:11; 1 Pedro 5:7) Kitang-kita ito sa pakikitungo niya sa sinaunang bansang Israel at sa mga Kristiyano noong unang siglo.
Sinaunang Israel—Isang Organisadong Bansa
Ginamit ng Diyos na Jehova si Moises upang organisahin ang mga Israelita para sa tunay na pagsamba. Halimbawa, nariyan ang kaayusan sa pagkakampo noong sila’y nasa iláng ng Sinai. Napakagulo siguro kung hinayaan ang bawat pamilya na basta na lamang magtayo ng kanilang tolda saan man nila magustuhan. Kaya nagbigay si Jehova ng espesipikong mga tagubilin kung saan magkakampo ang bawat tribo. (Bilang 2:1-34) Ang Kautusan ni Moises ay may mga tagubilin din hinggil sa kalusugan at kalinisan—halimbawa, tungkol sa tamang pagtatapon ng dumi ng tao.—Deuteronomio 23:12, 13.
Noong nasa Lupang Pangako na ang mga Israelita, sila ay naging isang napakaorganisadong bansa. Hinati sila sa 12 tribo, na bawat isa’y binigyan ng kani-kaniyang lupain. Ang Kautusan na ibinigay ni Jehova sa pamamagitan ni Moises ay sumasaklaw sa bawat aspekto ng buhay ng tao—pagsamba, pag-aasawa, pamilya, edukasyon, negosyo, pagkain, pagsasaka, pag-aalaga ng hayop, at iba pa. * Bagaman espesipiko at detalyado ang ilang kautusan, ang lahat ng ito ay kapahayagan ng pagmamalasakit ni Jehova sa kaniyang bayan at nagdulot ng kaligayahan sa kanila. Sa pagsunod sa maibiging kaayusang ito, naging espesyal ang mga Israelita kay Jehova.—Awit 147:19, 20.
Totoo namang mahusay na lider si Moises. Pero hindi riyan nakadepende ang tagumpay niya, kundi sa kaniyang pagkamatapat sa kaayusan ng Diyos. Halimbawa, paano nagpasiya si Moises kung anong ruta ang tatahakin nila sa iláng? Pinatnubayan sila ni Jehova sa Exodo 13:21, 22) Bagaman si Jehova ay gumagamit ng mga tao, Siya mismo ang nag-oorganisa at nagbibigay ng tagubilin sa kaniyang bayan. Ganiyan din noong unang siglo.
pamamagitan ng haliging ulap sa araw at haliging apoy sa gabi. (Organisado ang Unang mga Kristiyano
Dahil sa masigasig na pangangaral ng mga apostol at alagad, nagkaroon ng mga kongregasyong Kristiyano sa maraming bahagi ng Asia at Europa noong unang siglo. Bagaman nasa iba’t ibang lugar ang mga kongregasyong ito, hindi sila nagkakaniya-kaniya. Sa halip, napakaorganisado nila, at maibigin silang pinangasiwaan ng mga apostol. Halimbawa, inatasan ni apostol Pablo si Tito na “ayusin ang mga bagay” sa Creta. (Tito 1:5, Magandang Balita Biblia) Isinulat din ni Pablo sa kongregasyon sa Corinto na ang ilang kapatid ay may “kakayahang mag-organisa” o nagsilbing “mga tagapag-organisa.” (1 Corinto 12:28, The New Testament in Modern Speech; The Bible in Contemporary Language) Pero sino ba ang nasa likod ng kaayusang ito? Sinabi ni Pablo na “binuo ng Diyos,” o ‘isinaayos,’ ang kongregasyon.—1 Corinto 12:24; Magandang Balita Biblia.
Ang mga hinirang na tagapangasiwa sa kongregasyong Kristiyano ay hindi namamanginoon sa kanilang mga kapananampalataya. Sa halip, “mga kamanggagawa” sila na nagpapaakay sa espiritu ng Diyos at inaasahang maging “mga halimbawa sa kawan.” (2 Corinto 1:24; 1 Pedro 5:2, 3) Ang binuhay-muling si Jesu-Kristo, hindi isang tao o grupo ng di-perpektong mga tao, ang “ulo ng kongregasyon.”—Efeso 5:23.
Nang ang kongregasyon sa Corinto ay gumawa ng mga bagay na ibang-iba sa ginagawa ng ibang kongregasyon, sumulat si Pablo: “Ano? Sa inyo ba nanggaling ang salita ng Diyos, o hanggang sa inyo lamang ba ito nakaabot?” (1 Corinto 14:36) Ginamit ni Pablo ang tanong na ito para ituwid ang kanilang pag-iisip at tulungan silang maunawaan na hindi sila dapat kumilos nang hiwalay. Ang mga kongregasyon ay lumago nang sundin nila ang tagubilin ng mga apostol.—Gawa 16:4, 5.
Kapahayagan ng Pag-ibig ng Diyos
Kumusta naman ngayon? Baka nag-aalangan ang ilan na mapabilang sa isang relihiyosong organisasyon. Pero ipinakikita ng Bibliya na laging ginagamit ng Diyos ang kaniyang organisasyon para isakatuparan ang kaniyang layunin. Inorganisa niya ang pagsamba ng sinaunang Israel at ng mga unang Kristiyano.
Kaya makatuwirang isipin na pinapatnubayan pa rin ng Diyos na Jehova ang kaniyang mga lingkod hanggang ngayon. Oo, ang pag-oorganisa niya sa kaniyang mga mananamba para magkaisa ay kapahayagan ng pagmamahal niya sa kanila. Sa ngayon, ginagamit ni Jehova ang kaniyang organisasyon upang isakatuparan ang kaniyang layunin para sa lahat ng tao. Paano natin makikilala ang kaniyang organisasyon? Tingnan natin ang sumusunod.
▪ Ang mga tunay na Kristiyano ay organisado sa pagsasakatuparan ng isang gawain. (Mateo 24:14; 1 Timoteo 2:3, 4) Inutusan ni Jesus ang kaniyang mga tagasunod na ipangaral ang mabuting balita ng Kaharian sa lahat ng bansa, isang atas na imposibleng maisagawa kung walang isang internasyonal na organisasyon. Bilang ilustrasyon, madali kang makapagpapakain ng isang tao, pero kung libu-libo o milyun-milyon pa nga ang pakakainin mo, kailangan mo ang isang organisadong grupo ng mga tao na nagtutulungan. Sa pagtupad sa kanilang atas, ang mga tunay na Kristiyano ay naglilingkod “nang balikatan,” o ‘buong pagkakaisang naglilingkod sa Diyos.’ (Zefanias 3:9; Magandang Balita Biblia) Posible bang magtagumpay ang gawain ng mga taong iba-iba ang wika, lahi, at bansa, kung hindi sila kabilang sa isang nagkakaisang organisasyon?
▪ Ang mga tunay na Kristiyano ay organisado sa pagtulong at pagpapatibay sa isa’t isa. Kung mag-isa kang aakyat ng bundok, makadidiskarte ka kung saan aakyat. Wala ka ring kasamang aasikasuhin. Pero kung maaksidente ka o magkaproblema, baka manganib ang buhay mo, yamang walang tutulong sa iyo. Kaya Kawikaan 18:1) Para maisakatuparan ng mga Kristiyano ang utos ni Jesus, kailangan nilang tulungan ang isa’t isa. (Mateo 28:19, 20) Ang kongregasyong Kristiyano ay naglalaan ng mahahalagang tagubilin, pagsasanay, at pampatibay mula sa Bibliya para makapagpatuloy tayo sa ating atas. Kung walang organisadong mga Kristiyanong pagpupulong para sa pagsamba at pagbibigay ng mga tagubilin, paano matututo ang isa sa mga daan ni Jehova?—Hebreo 10:24, 25.
hindi makabubuti ang pagbubukod sa sarili. (▪ Ang mga tunay na Kristiyano ay organisado at nagkakaisa sa paglilingkod sa Diyos. Kapag ang mga tupa ni Jesus ay nakikinig sa kaniyang tinig, nagiging “isang kawan” sila sa ilalim ng kaniyang pangunguna. (Juan 10:16) Hindi sila nababahagi sa iba’t ibang relihiyon at sekta ni sa doktrina man. Sa halip, lahat sila ay ‘nagsasalita nang magkakasuwato.’ (1 Corinto 1:10) Para magkaisa, kailangan ang kaayusan, at ang kaayusan naman ay nangangailangan ng organisasyon. Tanging ang nagkakaisang kapatiran lamang ang pagpapalain ng Diyos.—Awit 133:1, 3.
Dahil sa tunay na pag-ibig sa Diyos at sa katotohanang nasa Bibliya, milyun-milyon ang naaakit sa organisasyong nagtataglay ng mga nabanggit na katangian at iba pang kahilingan sa Bibliya. Bilang isang organisado at nagkakaisang kalipunan ng mga tao, sinisikap ng mga Saksi ni Jehova sa buong daigdig na gawin ang kalooban ng Diyos. Ipinangako niya sa kanila: “Ako ay mananahan sa gitna nila at lalakad sa gitna nila, at ako ang magiging kanilang Diyos, at sila ang magiging aking bayan.” (2 Corinto 6:16) Makakamtan mo rin ang kamangha-manghang pagpapalang ito kung sasamba ka sa Diyos na Jehova kasama ng kaniyang organisasyon.
[Mga talababa]
^ par. 2 Ang isang micron, o micrometer, ay katumbas ng 0.000001 metro.
^ par. 7 Tingnan ang Insight on the Scriptures, Tomo 2, pahina 214-220, na inilathala ng mga Saksi ni Jehova.
[Larawan sa pahina 13]
Organisadong nagkampo ang mga Israelita
[Mga larawan sa pahina 14, 15]
Para makapangaral sa buong daigdig, kailangan ng organisasyon
Pagbabahay-bahay
Pagtulong sa mga nasalanta
Asamblea
Pagtatayo ng mga dako ng pagsamba