Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Para sa mga Kabataan

Kung Paano Lalabanan ang Tukso

Kung Paano Lalabanan ang Tukso

JOSE​—BAHAGI 1

Tagubilin: Gawin ito sa tahimik na lugar. Habang binabasa mo ang mga teksto, isipin mong naroroon ka. Ilarawan sa iyong isip ang eksena. Isipin mong naririnig mo sila. Damhin mo ang nadarama ng pangunahing mga tauhan. Gawing buháy na buháy sa iyong isipan ang kuwento.

Pangunahing mga tauhan: Jose, asawa ni Potipar

Sumaryo: Nilabanan ni Jose ang tukso na makipag-sex sa asawa ni Potipar.

1 PAG-ISIPAN ANG EKSENA.​—BASAHIN ANG GENESIS 39:1-12.

Ilarawan ang iniisip mong hitsura ng bahay ni Potipar.

․․․․․

Ano kaya ang hitsura ni Jose? (Clue: Basahing muli ang talata 6.)

․․․․․

Ano sa tingin mo ang nadarama ni Jose habang nakikipag-usap siya sa asawa ni Potipar sa talata 8 at 9?

․․․․․

2 PAG-ARALANG MABUTI.

Bakit posibleng matukso si Jose na gumawa ng imoralidad? (Clue: Basahin ang Filipos 2:12, at isipin ang sitwasyon ni Jose. Halimbawa, nasaan noon ang pamilya ni Jose at ang mga kapuwa niya mananamba ni Jehova?)

․․․․․

Sa palagay mo, bakit nadama ni Jose na kasalanan sa Diyos ang pangangalunya gayong wala pa namang utos noon ang Diyos tungkol dito? (Clue: Basahin at pag-isipan ang sumusunod na mga teksto: Genesis 2:24; 12:17, 18; Roma 2:14, 15; at Hebreo 5:14.)

․․․․․

3 GAMITIN ANG IYONG NATUTUHAN. ISULAT ANG IYONG NATUTUHAN TUNGKOL . . .

Sa kaugnayan ng pagpipigil-sa-sarili at ng dignidad.

․․․․․

Sa mga pakinabang ng pagsunod sa mga pamantayan ng Diyos sa moral.

․․․․․

Sa pangangailangang sanayin ang iyong “mga kakayahan sa pang-unawa.” (Hebreo 5:14)

․․․․․

PARA MAGAMIT PA ANG IYONG NATUTUHAN.

Kailan ka dapat maging matatag sa paglaban sa tukso? (Clue: Basahin at pag-isipan ang Job 31:1; Awit 119:37; Efeso 5:3, 4.)

․․․․․

4 ANONG BAHAGI NG KUWENTONG ITO ANG PINAKAGUSTO MO, AT BAKIT?

․․․․․

Kung wala kang Bibliya, humiling nito sa mga Saksi ni Jehova, o basahin ito sa web site na www.watchtower.org