May Kabuluhan ba ang Buhay?
May Kabuluhan ba ang Buhay?
ITO ang tanong ng napakaraming tao. Nakalulungkot, anuman ang kanilang pananaw sa buhay, marami pa rin ang nakadaramang “walang katuturan at walang kabuluhan” ang buhay nila gaya ng sinabi ng isang neurologong taga-Austria na si Viktor E. Frankl.
Bakit kaya ganiyan ang nadarama ng marami? Milyun-milyon kasi sa buong daigdig ang nasa miserable at kaawa-awang kalagayan. Nabubuhay sila sa gitna ng kahirapan, sakit, karahasan, at pang-aapi. Ang buhay nila ay talagang “lipos ng kaligaligan,” gaya ng sinabi ni Job tungkol sa pagdurusa ng tao. (Job 14:1) Ang iniisip nila ay kung paano makararaos sa araw-araw.
Milyun-milyon din naman ang nagtatamasa ng materyal na kaalwanan. Parang nasa kanila na ang lahat para masiyahan sa buhay. Pero marami pa rin sa kanila ang hindi masaya. Bakit kaya? Dahil nakararanas pa rin sila ng “kabagabagan at nakasasakit na mga bagay”—di-inaasahang problema sa pinansiyal o trahedya, gaya ng pagkamatay ng anak—na sumisira sa kanilang pag-asa at mga pangarap.—Awit 90:10.
May isa pang dahilan kung bakit ang mga tao ay nakadaramang “walang katuturan at walang kabuluhan” ang kanilang buhay. Ano ito? Napakaikli ng ating buhay. Para sa marami, hindi ito makatuwiran dahil napakaraming magagandang bagay na magagawa ang mga tao sa kanilang buhay. Hindi nila matanggap ang masakit na katotohanang kahit hindi tayo dumanas ng mga trahedya, mamamatay pa rin tayo.—Eclesiastes 3:19, 20.
Mananatili Bang Parang Walang Kabuluhan ang Buhay?
Napakalinaw ng paglalarawan ni Haring Solomon ng sinaunang Israel sa kalagayan ng buhay ng mga tao. Nakita niya kung paanong nagpagal ang mga tao noong panahon niya gamit ang kanilang talento at kakayahan sa pagtatanim, pagbubungkal ng lupa, pagtatayo, at pagtataguyod ng kanilang pamilya, gaya ng ginagawa natin sa ngayon. Kaya naman sa wari ay naitanong niya, ‘Para saan ang lahat ng ito?’ Bilang konklusyon, sinabi niya na Eclesiastes 2:17.
ang lahat ng ginagawa ng mga tao ay “walang kabuluhan at paghahabol sa hangin.”—Pero naniniwala ba si Haring Solomon na mananatiling “walang kabuluhan at paghahabol sa hangin” ang lahat ng ginagawa ng tao? Hindi naman. Sinasabi lang niya ang talagang nangyayari sa buhay ng mga tao sa di-perpektong daigdig na ito. Gayunman, sa tulong ng Salita ng Diyos, makapagtitiwala kang hindi mananatiling ganito ang ating buhay!
Paano? Pakisuyong basahin ang susunod na dalawang artikulo. Maaari itong makatulong sa iyo na maunawaan kung bakit parang walang kabuluhan ang buhay, kung paano masosolusyonan ang kalagayang ito, at kung paano mo gagawing makabuluhan ang iyong buhay kahit ngayon pa lang.